Chapter 17

2 0 0
                                    


Chapter 17

After 4 years...

"Hey, Sten!!" rinig kong sigaw sakin. Alam ko na agad kung sino ito dahil siya lang ang tumatawag sakin neto.

Nakita naman agad ng mata ko ang tumawag saakin. Patakbo itong pumunta saakin habang may dala pa itong lunch box.

"What is it hapon?" biro ko rito.

Narito ako sa canteen namin at hinintay ko ito. May isang subject kasing hindi kami mag-classmate. 4th year college na ako at ilang araw nalang ay graduate na ako. Ilang taon na rin ang nakalipas.

"Sten naman eh!" naka-busangot na saad nito saakin na nagpatawa saakin.

Umupo ito saaking harapan. Mabilis nitong binuksan ang kaniyang lunch box na dala.

"Pinag-luto kita!" magiliw na saad nito saakin.

"Ano naman yan? Mamaya hindi masarap yan ah" pang-aasar ko rito.

"Masarap ito noh!" saad niya pa habang tinanggal ang takip ng lunch box.

Linatag nito ang dalawang putahe. Fried Chicken at Sushi. Walastek! Gandang combination nito ah!

"Masarap yan!" saad nito. "Tikman mo na" magiliw na dagdag niya at binigay saakin ang tinidor at kutsara na kakapunas niya lang ng tissue.

Mabilis ko naman tinikman iyon at masarap naman ito. He really likes to cook but he persue being architect instead of being chef.

"Ano sten? Masarap ba?" tanong nito. Sumubo na din ito ng sushi.

"Oo hapon" sagot ko rito.

"Tsk! Hapon ka ng hapon! Nakakainis ka" saad nito at umaktong nag-tatampo.

"Oo na Riki" saad ko para hindi na ito magtampo.

Riki and I met when we were 1st year college. Sabi niya ay matagal niya na raw ako kilala dahil noon daw ay naglalaro pa kami sa playground ngunit umalis sila kaya hindi na ulit kami nagkita dahil pumunta na ulit sila sa Japan. Nasaktuhan na classmate ko siya sa lahat. Naging mag-close den kami kaya hanggang ngayon ay lagi kaming magkasama.

Natapos ang mga klase ko kaya agad ako umuwi. Masyado akong pagod ngayon dahil sa mga gawain ko. Ganito ata pag ilang araw nalang ay graduation na. Nagpapirma na ako sa mga profs ko. Mabilis nalang naman ito.

Naglakad ako pauwi at hindi ko namalayan na nakarating pala ako sa playground.

Kung saan nagsimula at natapos ang lahat. Tahimik akong umupo sa swing. Abandonado na ito. Nagtayo na kasi sila ng bagong playground kaya naman wala ng masyadong bata ang napapadpad rito.

Bilog na bilog ang buwan ngayon. Ang ganda nito. Natatandaan ko pa kung paano kami nagsimula rin rito.

Bilog ang buwan... tahimik ang paligid...

Ilang taon na ang lumipas simula noong makita ko siya. Simula noong gabing iwan niya ako rito ay hindi ko na muli siya nakita. Tinupad ko lahat ng hiling niya. Kahit masakit ay iniiwasan ko na makasalamuha o magkaroon ng connection sakaniya. Maging ang mga kaibigan naming noon. Ang mga barkada niya ay hindi na muli ako nasama lalo na at alam kong may ugnayan pa sila kay Jay.

"Gra-graduate na ako pero yung pagmamahal ko sayo hindi pa" mahinang bulong ko.

My friends saw how devastated I am noong umalis siya. Pamilya niya yun eh.. mas gugustuhin ko parin paalisin siya kaysa sa manatili siya saakin. Mahirap man para saakin pero alam ko na mas ikakabuti naming yun.

Tumayo na ako at naglakad paalis. Sumulyap muna ako sa huling pagkakataon at naalala ko ang pangyayari noon. Hindi ko parin kayang hindi sulyapan ito ng huling pagkakataon pero alam kong hindi ako makaka-usad kung patuloy parin akong nakaupo sa duyan kung saan niya ako iniwan.

Madaming alaala ang nabuo rito ngunit magiging hanggang sa alaala nalang iyon. I guess this is really the right time to let go all the memories and love that I treasured the most. I guess I must go back into reality because the colorful escape has now become dull and lifeless.

It was a colorful journey that all of the paints that has been poured into the canvas faded and washed away by the rains. Colorful escape became an art piece that both of us never expected. An art piece that is now lost and will never be found.

You became the lines in my drawings, you became the color in my lifeless paintings, it was a wonderful escape love but I guess it's time for me to go back to my reality.

------------------------------------------------------^~^

Our Colorful EscapeWhere stories live. Discover now