Chapter 5

4 0 0
                                    


Chapter 5

Narito nanaman kami sa gym at nag pra-practice na kami para sa event sa Feb. Lahat ng grade 12 ay nandito. Saad saamin ng teacher namin ay pumartner na kami sa magiging kadate namin sa event. Umalis muna ito dahil sabi niya ay aayusin niya muna ang speakers nila. Mabilis naman na nagkagulo dahil sa paghahanap ng date. Samantalang itong mga kaibigan ko at ako ay nakatulala na naka-upo dito sa sahig.

Nung Saturday ay pumuta nga si Jay para mag paint kami. Wala naman masyadong ganap nag paint lang kami. Pansin ko den na masyado na ulit ako comfortable pag kasama siya. Nawala yung awkwardness namin sa isa't isa. Napabalik ako sa mundo ng biglang nagsalita si Giel.

"Bat ba kasi kailangan pa ng date!" naiinis na saad ni Giel.

Simula nung isang araw ay para na itong bitter sa pag-ibig. Wala na daw siyang crush kung hindi ang treasure nalang daw. Narinig ko naman may tumawag saakin at tinignan ko kung saan ito nang galing. Nakita ko sila Jay na palapit saamin kasama rin nito ang kaibigan nilang si Arthur. Nang makalapit ang mga ito ay umupo den sila sa tabi namin.

Lumapit pa saamin si Pres at yung isang lalaki niyang kaibigan kaya't sumingit ito sa gitna nila Giel at Dri. Kaya ang katabi ni Giel ay yung lalaking kaibigan ni Pres na ang pangalan ay Kyle. Ganito ang pwesto namin ngunit nakabilog kami.

Jay| Ako | Sie| Arthur | Travis | Giel | Kyle | Pres | Dri | Elli | Chris

"Tayo nalang date" rinig kong bulong ni Jay saakin. Syempre kinilig ako noh! Magpabebe muna kaya ako. Charot!

"Sige lang" bulong ko dito.

"Sino date niyo?" tanong saamin ni Chris.

"Si Jay aken" sagot ko sa tanong niya.

"Sayong sayo naman ako talaga" bulong ni Jay. Tinignan ko ito tapos inirapan. Napatawa lang siya.

"Eh kayo Sie at Giel?" tanong ni Chris dun sa dalawa.

"Bat kaming dalawa lang tinatanong niyo eh sila Elli at Dri wala pa den naman date ah!" saad ni Giel.

"Ako date ni Dri!" tuwang tuwa na singit ni Pres sa usapan nila Chris at Giel.

"Ako na den date ni Elli" masayang saad din ni Chris.

"Luh! Hindi naman ako pumayag ah!" mabilis na pagsisingit ni Elli.

Tinawanan naman ni Giel at Sie si Chris dahil napasimangot ito. Napatawa den naman kami. Desisyon ka Chris?

"Ako nalang kasi date mo Elli! Wala ka naman date pa ah! Sige pag may naiharap ka saakin pagbilang ko ng tatlo hindi n akita kukulitin pero pag wala ako na magiging date mo!" mahabang linya ni Chris. Mabilis itong nag bilang at sa pagdating ng tatlo ay wala naharap si Elli kaya napasimangot nalang ito at si Chris ay natuwa naman.

Mukang may lovelife na rin ang dalawa kong kaibigan. Dati sabi nito libro lang sapat na! Saka anime lang sapat na! Ngayon ano na? Mukang mauunahan pa ako mag ka lovelife!

"Paano kayong dalawa?" tanong ko kila Sie.

"Edi kaming dalawa nalang ang partner" mapag-biro na sabi ni Giel. Ngumuwi naman kaming lahat. Si Sie ay umaktong nandidiri den.

"Tayo nalang date Sie" pagyaya ni Arthur kay Sie.

Nagulat lahat kami dahil hindi naman sila close pero bagay naman sila. Si Sie ay may pagka madaldal samantalang si Arthur ay mukang tahimik lang rin.

"Sa Feb lang naman wala rin naman kasi akong aayain" saad pa ni Arthur.

"Sige" nahihiya pang sabi ni Sie. Pero feel ko kinikilig yan.

Our Colorful EscapeWhere stories live. Discover now