Chapter 18
Dala dala ko ngayon ang design na hini-hingi saakin ni Riki. Hindi na ako kumatok pa bago pumasok sakaniyang opisina. Dere-deretyo akong pumasok at nabungaran kong may ginagawa siya sa desk niya.
Makikita mo sa desk niya ang kaniyang name plate na nasa kaniyang desk.
Head Architect Kiyoshi Riki Hamada
Hapon na hapon ang kaniyang pangalan. Sa pagkaka-alam ko ay may lahi rin naman itong pinoy ngunit mas lumalamang ang kaniyang pagiging hapon.
"Here" saad ko at linapag ang sketch na hiningi niya saakin.
"Thanks!" magiliw niyang pasasalamat.
"Nga pala next week ay dadating yung engineer from US" pag-iimporma nito saakin.
"So?" tanong ko rito.
"Sinasabi ko lang naman sayo! Baka ipagpalit mo kasi ako doon" nag-bibirong saad niya saakin.
Inirapan ko nalang ito at bumalik saaking opisina. Many years have already passed. May sarili na akong bahay na pinatayo sa isang exclusive na village. I worked hard for year para mapatayo ko iyon.
Tinuloy ko lang ang trabaho ko at nung kinahapunan ay inayos ko na ang aking gamit dahil mag kikita-kita kami ngayon nila Giel. Nag punta na ako sa restaurant na sinend nila. Nakita ko naman agad sila doon at nagkamustahan.
What if bumalik? Yan ang katagang naririnig ko ngayon sa mga kaibigan ko habang nandito kami sa isang restaurant."Edi welcome back" mapagbirong saad ni Giel. "With matching hug pa" dagdag nito at inarte pa nito kung paano yung pa-welcome hug kuno.
Ang layo na ng narating ko, namin, pero hindi ko parin magawang maging kuntento saakin buhay. Ramdam ko na may kulang parin. Hindi ko alam if bagay ba iyon? O yung taong hindi ko malimot-limutan.
"Alam niyo madami pa akong gagawin. Tigilan niyo na kaka-what if niyo diyan" natatawa at pagod kong saad.
"Ito naman si Miss Archictect" saad ni Sie.
"Siguro may takot ka lang bumalik" sabat naman ni Eli.
"What if balikan ka niya Alli?" nag bibirong boses ngunit seryoso ang mata ni Giel na tanong. "Anong gagawin mo? Tatanggapin mo parin ba?" dagdag nito.
Ang mga katagang iyon ay nag-paulit ulit saaking isipan ng hanggang sa maka-uwi ako. Ano nga ba? Hindi ko rin alam isasagot ko eh. Handa pa rin ba akong tanggapin siya? Pero ang tanong na bumalot saakin isipan ay
"Babalik pa nga ba siya?"
--
Dumating ang lunes ay pagod na agad ako. Buong weekend ay umukupa saaking isipan ang sinabi ni Giel. Ngunit winaglit ko na yun saaking isipan dahil alam ko sa sarili kong hindi na ito babalik dahil ako na mismo ang humiling sakaniyang tigilan na namin ang aming relasyon.
Napabalik ako saakin isipan ng makita ko si Riki na may kasamang matangkad na lalaki. Siguro ay kaibigan niya lang ito kaya naman tinawag ko ito.
"Riki!" i shouted.
Mabilis naman napunta ang tingin nito saaking gawi. I smiled at him. Ngunit natigilan ako sa nakita ko kung sino ang kaniyang katabi.
"Sten" nakangiting saad ni Riki.
Lumapit ito saakin kasama ng lalaki niyang kasama. Inakbayan ako nito ngunit natuod lang ako saaking kinatatayuan.
"Mr. Lovrel, this is my fiancé" pakilala saakin ni Riki dito.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
Novela JuvenilAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...