Chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3

Pare-parehas kaming nakatulala ngayon dito sa hut. Tinataguan kasi namin yung barkadahan nila Jay. Simula kasi nung yinaya nila kaming maging date nila dun sa event para sa February ay lagi na silang nakikiupo sa table namin.

Kaya ang ending namin ngayon ay dito sa hut malapit sa field at area ng senior highschool building namin. Si Sie at Elli lang kasama ko ngayon dito dahil si Giel ay busy gumawa ng script para sa project namin. By section ang labanan at naatasan si Giel na gumawa ng script. Si Dri ay kasama nanaman si Pres dahil sinundo siya kanina sa room at sabing may kailangan daw silang asikasuhin. Kabilang den si Dri sa student council kaya naman parang alam niya den ang chika ng mga events dahil sila den naman nag susugest non.

Tahimik lang kaming tatlo nila Elli nang bigla may nakita kami tatama na bola sa gawi namin. Lahat kami ay napa-irit dahil akala namin tatama yun kay Sie pero may lalaking mabilis na nakasalo nun. Sa palagay ko ay siya din yung isa sa nag lalaro ng soccer ngayon sa field. Tinignan ng lalaki si Sie at tinanong siya.

"Okay ka lang ba?" tanong nito kay Sie. Napatulala si Sie at hindi maka-imik.

"Opo, Thank you kuya" sagot ni Sie. Ang gaga ang hinhin ng boses ah. Pabinibini yarn?

"Hey! Ethan tara na!" sigaw nung kalaro siguro nung lalaki at mabilis naman siyang tumakbo papunta sa mga kaibigan niya siguro. Bago pa ito umalis ay nginitian pa nito si Sie.

Natulala si Sie at namula bigla ang pisngi niya. Makikita moa gad ang pamumula ng pisngi niya dahil maputi si Sie. Feel ko aasarin na toh ni Elli. 3 2 1...

"Bat kinikilig ka?" pang aasar ni Elli.

"Hindi kaya" tanggi pa ni Sie.

"Dalaga na yan" pagsasali ko sa asaran nila.

"Ayieee!" sabi ni Elli at sinundot sundot pa ang tagiliran ni Sie. Si Sie naman ay mukang naasar na. Nag aasaran lang kami ng dumating si Giel. Mukang haggard na haggard si gaga. Sino ba naman kasing hindi mahahaggard sa pa project ng mga teacher.

"Oy Alli, ikaw sa poster diba?" saad nito. Kakadating palang nito at hindi pa naupo nasa isip padin yung project namin.

"Oo baket?" tugon ko dito.

Ako at si Dri kasi naatasan sa poster namin si Sie ay sa music at si Elli ay sa mga outfits dahil mahilig yun sa mga design design.

"Kailan niyo sisimulan?" tanong nito saakin. Umupo na ito at linabas ang kaniyang laptop.

"Hindi ko pa alam eh" sagot ko. "Tungkol saan ba yung story?" tanong ko dito.

"About sa dalawang magkaibigan na ang tagal ng gusto yung isa't isa" sabi nito saakin. Ay pak! Parang natamaan ako dun. Ako nalang kaya mag sulat ng lines!

"Okay, iisipan ko na ng poster" saad ko sakaniya. Saka nag salita ulit siya.

"Try niyo kaya ay nagpipinta yung babae. Tapos yung nandun sa canvas ay yung lalaking gusto niya. Tapos background niya ay mga bundok na magaganda nalang" suggest nito at napatango ako.

Maganda den yung suggestion niya. Kailangan namin manalo dito dahil worth toh ng pitong projects namin. Kalaban din namin yung ibang section at sa palagay ko ay grabe den ang effort nila. Nag usap usap pa kami ng mga ideas para sa project namin.

"Check niyo tong script na ginawa ko" saad ni Giel.

"Our Forbidden Love"

"Ayokong isugal ang pakakaibigan natin Ramiel!"

"Wala ka bang tiwala saakin?! Mahal kita Arrella!"

"Isinugal na natin yung pagkakaibigan natin Ramiel pero bat ganun? Ako nalang yung nalaban!"

Our Colorful EscapeWhere stories live. Discover now