Chapter 11
"Love anong gusto mo?" bulong saakin ni Jay.
"Rice meal nalang" sagot ko dito.
Tumayo naman ito para mag order. Ilang araw na ang lumipas nung sinagot ko siya. Pagka-uwi ko nga sa bahay nung binuksan ko phone ko ay nag notif saakin na pinalitan niya nickname ko. Papaltan ko din sana yung nickname niya kaso wala akong maisip. Bebe cakes? Ube Cake? Icing sa ibabaw ng cupcake? O Honeybunch? Yan ang naisip ko puro kalokohan. Nahahawa siguro ako sa mga kaibigan ko.
Nang makabalik si Jay dala dala na nito ang pagkain ko. Hindi pa alam ng mga kaibigan ko at ni Mommy na kami na ni Jay. Balak ko na nga sana sabihin mamaya kay Mommy kasi sabi niya na sabihin ko daw kay Jay na dun siya mag dinner.
"Kain ka na" saad saakin ni Jay pagkaupo niya sa tabi ko.
"Thank you" sabi ko naman. Nang magsimula na kami kumain ay nagkwe-kwentuhan parin kami.
"Tanda mo nung nakipag laro tayo ng langit lupa dun sa mga bata sa playground sa subdivision?" tanong ko dito.
"Oo" sagot niya saakin.
"Tanda mo yung sinuntok mo yung kalaro natin?" saad ko na natatawa pa.
"Sinuntok ko yun kasi nga tinulak ka" paliwanag pa nito saakin.
"Weh" saad ko sakaniya. "Akala ko dahil crush den nun yung crush mo noon?" dagdag ko pa.
"Yun den dahilan" nahihiyang sabi niya. Napatawa naman ako lalo.
"Si Kiyoshi Rick ata yun diba?" tanong ko rito. Dahil naalala ko ang pangalan nung sinuntok niya noon. Hindi lang ako siguro kung Rick ba yon, basta may Ri ang second name non!
"Sino nga ba crush mo noon?" tanong ko. Hindi ko kasi maalala kung sino yung crush niya noon.
"Secret" saad nito saakin.
Nagtuloy tuloy lang kami sa kwentuhan habang nakain. Nang matapos kaming kumain ay lininis na rin namin ang aming pinagkainan.
"Let's go study at the library?" yaya ko dito.
Tumango lang ito at naglakad na kaming papuntang library. Habang nag lalakad kami ay sinabi ko na rin sakaniya yung plano ko kung paano namin sasabihin kay Mommy mamaya na kami na.
"Jay" tawag ko rito at patuloy lang kaming naglalakad.
"Why?" tanong naman nito saakin sumulyap pa ito saakin.
"Sa bahay ka mamaya mag dinner" saad ko rito.
"Why?" tanong naman niya ulit saakin. Puro why nalang ba ito saakin?
"Sabihin natin kay Mommy na tayo na" sabi ko rito.
"Sige, bakit hindi pa ba alam ni Tita?" pag aagree at nag tanong ulit siya.
"Hindi pa, hindi ko alam paano sasabihin eh" sagot ko naman dito.
"Sige sige daan muna tayo sa bahay para papalit lang ako" sabi niya.
"Sige" pag sang-ayon ko rito.
Nakadating na kami sa library. Hindi namin kasama mga kaibigan namin dahil may gagawin daw sila. Nang makapasok kami sa library ay nag-scan muna kami ng i.d. doon sa scanner. Umupo kami sa dulong part ng library. Nang mailapag ang gamit ko ay iniwan ko ito saka humanap ng libro na makakatuloy sa research namin.
Nang naghahanap ako ay may nakita ako sa isang part ng library namin. Nagtago ako dun sa isang shelf at tinignan ko kung sino ang dalawang ito. Nakita ko ang kaibigan kong si Sie at yung lalaking nakatama sakaniya ng bola. Pinicturan ko yung dalawa at buti nalang naka silent phone ko.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
أدب المراهقينAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...