Chapter 10
Namimili ako ngayon ng damit na susuotin ko. Hindi ko alam kung mag dre-dress ba ako o mag papantalon nalang. Nakakahiya naman kung mag pambahay lang ako eh simabahan pupuntahan namin. Ang aga ko nagising dahil 7am nga ang simula ng mass. Sa huli ay nag dress lang ako saka 1-inch heels na sandals.
Zyler😊
Dito na ako sa gate niyo.Text saakin ni Zyler kaya nag madali na akong bumaba. Dati ay sila Mommy ang kasama kong nag sisimba ngayon naman ang future bf ko na. Charot! Pagkalabas ko ay nakita ko itong naka suot ng polo at pants. Naka Sunday's best yarn?
Nakarating na kami sa simbahan. Naghanap agad kami ng pwede naming upuan. Nang maka upo kami ay maya maya lang ay nag start na ang misa. Nag tuloy tuloy lang ang misa at nakinig lang kami. Nang matapos ito ay hinintay lang namin ang iba na lumabas. Hindi kami sumabay sa madaming tao kaya nanatili lang kaming umupo.
"Jay" tawag ko dito.
"Why?" tanong naman nito saakin.
Kinakabahan ako omg! Wag ko na kayang ituloy! Lord help me po.
"May sasabihin ako" saad ko dito.
"Ano yon?"
"Diba liniligawan mo ko" paninimula ko.
"Kasi ano.." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil sa kaba. Naguguluhan na siya base sa reaksyon na pinapakita niya.
"Alam kong matagal mo ng gusto marinig yung sasabihin ko don" bulong ko. Hindi niya narinig yon sa hina ng boses ko. Hindi ko na kaya! Kayanin mo self kung hindi habang buhay kang single!
"Rene-reject mo na ba ako?" tanong saakin ni Jay. Nagulat naman ako. Hala!
"Let's date" saad ko. Hindi ko na kaya yung kabang nararamdaman ko kaya dineretyo ko na siya.
Straight-foward akong tao pero never in my life na kabahan sa pagiging straight-forward ko. Napapikit agad ako pagkasabi ko nun sakaniya. Ngunit wala akong narinig na kahit anong reaksyon sakaniya kaya napamulat ako. Nakita kong na himatay siya! Charot!
"Hoy" tawag ko pa dito. Pinalakpakan ko pa siya ngunit nakatulala lang ito.
"Hoy anong nangyayari sayo?" kinakabahan kong tanong.
Nakatulala parin kasi ito. Hala! Nagulat naman ako ng hinila ako nito papalapit sakaniya at yinakap ako.
"Thank you" saad nito habang nakayakap saakin.
"Welcome" sabi ko ng pabiro.
Tinanggal na niya ang yakap saakin at nginitian ako nito. Napansin naman naming na wala ng tao kaya tumayo na kami para lumabas. Habang nag lalakad kami palabas ay nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay. Kinikilig ake pereng shere nemen eh!
"Magandang araw sainyo" bati saamin ni Father.
Lumapit kami dito at nag mano sakaniya. Binati rin naman naming ito pabalik.
"Magandang araw rin po Father" bati naming dito.
"Ang ganda niyo naming tignan mukang ang tamis tamis ng inyong pag-iibigan" saad nito saamin. Nahiya naman ako bigla. Mag ka-holding hands na kami ngayon ni Jay. Nakakahiya nga eh kasi kaharap naming si Father.
"Kailan ba ang inyong kasal" tanong saamin ni Father. Nagulat naman kaming parehas doon sa tanong ni Father.
"Father hindi po kami ikakasal" saad ko dito.
"Bawal pa po eh" saad ni Jay kaya napatingin ako sakaniya.
Napatawa naman saamin si Father. Nag paalam na rin naman ito saamin dahil may aasikasuhin pa raw siya. Biniro pa kami nito na pag daw kami kinasal siya ang kunin naming pari.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
Genç KurguAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...