Chapter 4
Tahimik lang kami ni Dri na naglalakad pabalik ng classroom. Sa CR ay umiyak si Dri ngunit hindi naman siya nagsabi ng kung ano ba talaga at sino ba yung lalaking yon sa buhay niya. Nang makarating kami sa tapat ng classroom ay nginitian lang ako ni Dri at nagpasalamat. Hindi ko muna ito sasabihin sa iba naming kaibigan at hahayaan ko muna si Dri na maging handa para sabihin saamin ang nangyari.
Tahimik lang din akong pumasok at nag cecelebrate pa sila. Nang makaupo ako ay nag simula nanaman chumika sila Sie. Si Giel ay hindi makasali dahil finafinalize niya ang script namin para masimulan ang filming bukas.
Mamaya ay tatapusin ko na din ang poster namin para naman wala narin akong gagawin. Madaming pinapagawa pero lahat ng iyon ay tapos nanaming mag babarkada. Ma-reklamo kami pero gina-gawa rin naman agad namin.
"Hoy Alli sabay ka mamaya saamin?" tanong saakin ni Sie.
"Hindi, sabay daw kasi kami ni Jay ngayon" saad ko at napatangon naman sila ni Elli. Si Dri ay tahimik lang at mukang malalim ang iniisip kaya hindi siya nasasali sa usapan namin ngayon.
"May date ulit kayo?" tanong naman ni Elli saakin. Agad akong umiling dahil hindi naman date yon, saka never pa kaming nag date ni Jay. Wow may "pa"!
"Hindi noh! Malapit lang ang bahay nila Jay saamin kaya nasabay yun saakin." Saad ko sakanila para hindi nila ako asarin. "Saka ang sabi niya ay may sasabihin daw siya saakin" dugtong ko saaking sinabi at napatango naman sila.
Natapos ang celebration namin at uwian na. Naiwan nga lang si Giel dahil sabi niya ay tuturuan niya pa ang mga actors and actresses kung paano gagawin. Mahilig talaga mag asikaso ng ga ganun si Giel dahil sa lawak ng imagination nun. Hindi ako magtataka kung maging madre yun pagtanda niya. Charot! Ang layo ng sinabi ko!
Lumabas na kami nila Elli ng room at naabutan namin nag iintay sila Jay. Nag paalam na ako kila Elli na uuwi na kami. Ayoko ko kasi matagalan gawang sabi ko nga kanina kailangan kong tapusin yung poster namin. Tahimik lang kami nag lalakad ni Jay. Lagi kaming nag lalakad pag nasa loob na kami ng subdivision dahil wala lang exercise lang para saamin ganern.
Ang sakit na ng likod ko! Ang bigat kasi ng bag ko gawang dala ko yung ibang libro ko at notebooks. Nahalata siguro ni Jay na nabibigatan na ako sa bag ko kaya hinawakan niya yung handle nung bag ko sa taas at binuhat niya. Nakasabit padin sa likod ko yung bag ngunit siya na yung may bitbit.
"Ano nga pala yung sasabihin mo saakin?" tanong ko dito at sinulyapan siya bago ko ibalik yung tingin ko sa daan.
"Alam kong nagugulat ka kasi dati hindi naman ganito trato ko sayo" pagsisimula niya. "I like you Kirsten and right now I don't treat you just a friend I treat you more than a friend" seryosong saad niya.
"I don't know what to say right now Zyler" nahihiyang saad ko. Ang second name ay ang normal na tawagan namin pero pag kaharap namin ang friends namin ay Alli at Jay ang tawag namin sa isa't isa.
"You don't have to say anything Kirsten" saad niya. "I want to court you, but I respect that you're still not ready" saad niya at sinulyapan ko siya at binigyan niya ako ng tipid na ngiti.
"For real I like you too Jay, you're a good guy all girls are dreaming to be with you" saad ko. Napangiwi ako dahil nabitawan niya yung bag ko at muntik na akong mapa-upo dahil nalipat ng bigla saakin yung bigat nun bag kaya nagulat siya at nahawakan ako agad.
"Sorry!" nagugulat na paumanhin niya saakin.
"But right now, I think I am not ready to be in a relationship and also I don't want to ruin our friendship" pagdudugtong ko sa sinabi ko. Binuhat niya ulit ang aking bag at nag tuloy tuloy kami sa paglalakad.
YOU ARE READING
Our Colorful Escape
Novela JuvenilAlliona Kirsten M. Fuentes What will you do if your long-time boy best friend confesses his true feeling to you? Will you let him be not just only a best friend but also your become your lover? Will you sacrifice the friendship you have even though...