PROLOGUE

52 14 0
                                    

GAMIT ang malinis na bato ay dinurog ko ang isang dahon ng oregano na nakalagay sa isang kawayan na lalagyan bago ibinigay kay lola.

Medyo mahaba ang pila ngayon na magpapagamot din. Karamihan sa kanila ay may problema sa braso, halos mga bata kasi ang napunta kasama ang kanilang magulang o kaya naman matatanda na gustong magpahilot.

"Ate Phina nakakailan ba ngayon si lola sa pag gagamot? Siguro hindi na muna tayo tatanggap ng mga magpapagamot, mahihirapan si lola niyan dahil sa mabilis na siyang mapagod" sabi ni Betina.

Si Betina ay hindi malayong kamag anak ni lola sa side ng asawa nito dito na din siya namamalagi kasama ang isa nitong kambal na si Batina.

Halos isang taon na din sila dito dahil sa napalayas na sila sa tinitirahan nilang bahay doon dahil sa may nag mamay ari na ng lupa at wala na din naman silang kilala na pwedeng makatulong sa kanila kaya naman hindi nagdalawang isip si lola na tulungan silang magkapatid.

"Pang lima na iyan Betina. Siguro nga tama na muna ito dahil hindi makakaya ni lola kapag mas dumami pa. Nasaan nga pala si Batina?"

"Ayun nasa may kabilang bahay nakikibasa na naman ng sinusubaybayan niyang komiks"

Napabuntong hininga ako.

Maaasahan naman ang kambal nito sa gawaing bagay yun nga lang ay kapag gusto niya talaga gagawin niya na agad.

Limang taon ang tanda ko sa kambal at wala din naman akong kapatid kaya naman ako na yung tumayong panganay sa kanila.

Dalawampu't tatlo na ako at sa hirap ng buhay ngayon ay hindi na nakapag aral ang kambal.

Tahimik lamang ako sa isang gilid at tinitingnan ang mga magpapagamot.

"Phina halika dito lagyan mo ito ng langis" sabi ni lola.

Agad ko naman itong sinunod at nilagyan ng langis bago hinalo.

Inilagay ito ni lola sa braso ng isang batang lalaki. Umiiyak ito habang nasa tabi ng bata ang kaniyang ina.

May nagbibigay din sa amin ng gatas at pagkain para na din kay lola. Ito ay bilang pasasalamat dahil sa pag gagamot ni lola sa kanila.

Ilang oras pa ay natapos na din kami. Halos ako na ang gumagawa at si lola naman ay tinuturuan ako kapag may gustong magpahilot kaya naman nakaramdam din ako ng pagod.

May iilan na bumabalik dito sa amin at gusto nilang ako ang maghilot kadalasan ay sa likod o kaya naman ay sa braso dahil sinasabi nila na magaan akong maghilot at nakakagaan sa pakiramdam.

Nag uwian na din ang mga taong nag puntahan dito at ang iba sa kanila ay galing pa sa kabilang bayan at dumayo pa talaga dito sa amin para magpagamot.

"Phina" tawag sa akin ni lola.

Inilapag ko muna ang langis at iba pang ginamit kanina para pumunta kay lola.

"Ano po yon lola?"

"Ito. Hindi pa naman padilim kaya pumunta ka munang bayan para bumili ng ulam at iba pang kailan dito sa bahay isama mo na si Betina. Mag iingat kayo" ani nito bago ako binigyan ng tatlong daang piso.

"Sige lola, nandiyan lamang po si Batina sa kapitbahay dadaanan na lamang po namin para sabihin na pababa kami ng bayan"

"S'ya sige mag iingat kayong dalawa"

Sinabi ko ito agad kay Betina para makapaghanda na din siya.

Inayos ko muna ang nakalugay kong buhok na tuwid na tuwid, hanggang beywang ko na din ang haba nito.

Hindi pa ako nakakapagpagupit dahil sabi ni lola ay sa susunod na buwan na lang.

Madami din ang nagsasabi na napakaganda ng buhok ko at halatang alagang alaga ito.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon