Chapter 3

15 5 0
                                    

Happy reading, Gummies!💚

Alasais pa lamang ng umaga ay nasa trabaho na ako sabi kasi ni Ma'am Jiana ay may mag diriwang ng kaarawan dito. Kaya daw na pili ang lugar na ito dahil maganda ang view at kita din ang dagat.

"Ayusin nyo ang pag-lilinis d'yan ha at pagandahin din ang lamesa para mamaya ay kaaya-aya tingnan sa pupunta. Naka- serve talaga ang buong araw na ito sa mag bi-birthday" si Ma'am na may hawak pang asul na lobo.

Bakit kaya naisipan pa ng may- ari na dito mag diwang ng kaarawan niya? Hindi naman sa pangit ang lugar na ito pero.... masyadong maliit para sa mga dadalong bisita.

"Ano kaya ang itsura ng mag bi-birthday dito? Siguro ay may edad na"

"Sira! Hindi yan. Saan ka naman makakakita ng ganto ang ayos?,pang bagets tingnan" ani isa sa kasamahan ko sa trabaho.

"Aba, malay ba nating pusong bata pa rin ang magse-celebrate ng birthday dito"

"Oh sya! Mamaya na ulit tayo mag- usap, parating na si Ma'am dito mapagalitan pa tayo"

Masyadong mahigpit si Ma'am Jiana sa amin. Konting pagkakamali ay nagagalit na at halos ay napupuna niya. Kaya naman ang mga kasama ko dito ay naiirita na din sa sungit ni Ma'am Jiana.

"Ano ba iyan Drake! Ayusin mo ang pag pe-plating at ang mga pagkain, siguraduhing may lasa at hindi iyong nakakaumay!" pasigaw na sabi ni Ma'am.

"Tsss. Parang ikaw, nakaka-umay" ani ng isang kasamahan ko dito na nag- aayos ng kurtina.

"Ano kaba! Bianca, baka marinig ka. Ikaw pa mapag- buntungan ng galit ni Ma'am Jiana"

Kita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Bianca. "Tsss, kung hindi ko lang kasi kailangan ng pera para sa pagpapa- aral sa anak ko nakaalis na ako dito."

Tumingin ako sa gawi ni Drake. Halata sa itsura nito na pagod na sya at halos lahat ng putahe kasi ay siya ang gumawa. May natulong naman sa kaniya pero mas matimbang ang sa kaniya.

Tumingin ito sa akin at kapagkuwan ay ngumiti. Sumilay sa kaniyang pisngi ang dimple nito na ikinabagay sa buo niyang mukha.

'Okay ka lang?' sabi ko na walang boses na lumabas sa bibig ko. Baka kasi mapansin pa ito ni Ma'am Jiana at madal'wahan pa si Drake. Kawawa naman.

Nag thumbs up naman ito sa akin, tanda na naiintindihan niya ang ibig kong iparating.

"Kayo na ba ni Drake? Phina?" usosyo ni Bianca.

"Ha?"

"Anong sabi ko kung kayo na ba ni Drake? Kung may namamagitan na ba sa inyo? Ganon."

"Wala. Hindi pa iyan ang nasa isip ko"

"Sus! Ang ibig mo bang sabihin ay hindi ka pa nag-kakaroon ng boyfriend, tama ba?" nakataas ang isa niyang kilay pagka tanong niya.

Tumango- tango ako sa sinabi niya. "Oo ganon nga Bianca. Wala pa akong panahon para diyan. Sa dami ng utang namin ni Lola ay hindi ko na iniisip iyan"

"Sa ganda mong iyan Phina sigurado akong madami kang mapapa-ibig. Dito pa nga lang sa maliit na bayan ng Dueno ay madami ng mga lalaki ang napapalingon sa'yo. Kahit pa simpleng pants at polo shirt lang ang suot mo, paano pa kaya kung nasa Maynila kana?"

"Kaya nga" gatong pa ng isa naming kasamahan.

"Hoy kayong dalawa! Mas madami pang mga chismis kaysa ang mag- trabaho? Ha? Importanteng selebrasyon ito para sa nagpa reserve ng buong resto kaya bilisan n'yo diyan!" ani Ma'am Jiana na ikinatalon ko pa dahil sa tinawag niya ang pangalan ko.

"Phina!"

"M-Ma'am" alanganin kong sabi.

"Halika dito. Sumunod ka!"

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon