Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan at konting hapdi sa may bandang siko ko. Hindi pa ako nagbubukas ng mata dahil nararamdaman kong may medyo maliwanag sa bandang mukha ko kaya naman hindi ko muna ito iminulat.
"K-kumusta na po ang Ate ko?" malumanay na sabi ng nasa tabi ko habang marahan na hinahaplos ang aking buhok.
Nag aalala na din si Batina dahil sa tono ng kaniyang boses.
"Hihintayin pa natin ang result. Don't worry she'll be okay" rinig kong sabi ni Tiodo.
"Sige po. Salamat"
"Hindi kaba napapagod kakahintay dito?" kapagkuwang tanong niya ulit sa kapatid ko.
"Hindi po. Ayos lang ako dito, hindi ako aalis hangga't hindi minumulat ni Ate Phina ang kanyang mata" si Batina habang hindi pa din niya tinatanggal ang kaniyang kamay sa aking buhok.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Tiodo. "Fine, just call me or anyone here if you need anything. May nagbabantay naman sa labas. Ikaw na muna ang magbantay sa Ate mo, may kakausapin lang ako"
Ayun lamang at wala ng anumang salita pa akong narinig bago ko narinig ang tunog ng paghawi sa tent.
"Batina?"
Narinig kong muli ang paghawi ng tent at narinig ko ang pagtawag ni Betina sa kambal.
"Nandito kami Betina" ani Batina na nasa tabi ko pa din.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Betina sa tabi ko
"Kumusta si Ate?"
"Wala pa ding balita. Hinihintay pa ang rason kung bakit nahimatay si Ate kanina—"
Bahagya kong inayos ang aking kaliwang hita dahil naramdaman kong nangangalay na ito. Hindi pa sana ako gagalaw at imumulat ang mga mata ko para marinig ko pa ang pinag uusapan nila, kaso hindi ko na kaya.
"Ate!" halos sabay nilang sabi.
Umayos ako nang pagkakaupo at inilagay naman kaagad ni Betina ang unan sa likod ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo Ate? Nahihilo kaba?" pag aalalang tanong ni Batina.
"Huwag kayong mag alala masyado ayos lang ako. Hindi lang ako nakatulog kagabi dahil gusto ko na kayong makita e," sabi ko sa kanilang dalawa. Inilapit nila ang kanilang ulo sa magkabila kong braso para mayakap ako. "Sila Lola? Nasaan? Gusto ko s'yang makita."
"Nasa kwarto namin si Lola. Nagpapahinga. Nag aalala din si Lola sa'yo kasi nakita niya ang pagbagsak mo kanina. Panay din ang tanong niya sa akin kung kumusta kana? Nagising kana daw ba? Kaya pumunta na ako dito para alamin. Alam mo naman si Lola," pagpapaliwanag ni Betina sa akin habang inililibot niya ang paningin dito sa loob ng tent.
Nilibot ko din ang aking paningin dito. May tatlong kama dito at madaming emergency kit. Maaliwalas din ang itsura at hindi mainit sa loob. Siguro ay dito ang clinic nila.
"Sigurado kabang ayos ka lang Ate Phina?" Natigil ang paglilibot ng aking paningin sa tanong ni Batina sa akin. Kita sa mukha nito na nag aalala at nagtatanong.
"Oo naman, may problema ba?"
"Wala naman. May iba kasi sa iyo ngayon e. Hindi ko lang ma-explain. Basta, iba ang awra mo ngayon"
"Baka ang ibig mong sabihin Batina ay blooming si Ate Phina. Maaliwalas ang kaniyang mukha. Sign na sigurong nasa tamang tao na si Ate"
"At inaalagaan din ni Atty. Tiodo. Baka 24/7." Si Betina.
Napailing na lamang ako sa sinasabi ng kambal.
"Kayo talagang dalawa. Samahan n'yo na lang ako kay Lola. Gusto ko s'yang makita—"
BINABASA MO ANG
Dueno Hacienda: Endless feeling
RomanceSolaire Anastasha Savadre, is a soft hearted woman. Masaya at kontento sa kung anong mayroon siya, ngunit nagbago iyon ng makilala niya ang isang estrangherong lalaki na kakaiba ang hatid nitong presensya sa kanya. Ang hindi niya alam ang estrangher...