Chapter 11

7 2 0
                                    

Mahigit isang oras din akong nakatingin sa salamin habang tinititigan doon ang tiyan kong hindi pa halata ang umbok.

Kinakabahan ako para sa magiging anak ko.

Masyado pang komplikado ang nararanasan ko sa ngayon. Hindi ko din masasabi ang mangyayari dahil hindi pa din ako ligtas.

Hangga't hindi ko pa nalalaman kung sino ang nagtulak sa akin sa bangin na iyon ay hindi pa din ako magiging kampante.

Natatakot ako para sa anak ko.

"Wife?"

Napatigil ako sa pagtitig sa salamin at tumingin sa banyo nakakabukas lang ng asawa ko.

"What's on your mind?" aniya bago ginamit ang isang puting tuwalya sa ulo niya dahil ang isa ay nasa beywang niya.

"Hindi pa din kasi ako makapaniwala na buntis ako. Natatakot din ako,"

"For what?"

"Natatakot ako para sa anak ko"

"Anak natin," pagtatama niya. "Kung nangyari man 'yon sa 'yo dati, ngayon sisiguraduhin kong hindi na. Po-protektahan ko kayong dalawa, hmm?" inilagay niya ang kanyang isang kamay sa aking ulo.

Nagtungo ito sa aming walk in closet.

"Let's go. They are waiting at the garden. Mas gusto ni Mama na doon dahil maganda daw sa inyong dalawa ni baby"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay na lumabas ng kwarto.

"Good morning hija. Kumusta ang tulog mo?" si Mommy bago niya ako niyakap.

"Maayos naman. Nakatulog ako nang maayos kagabi"

"Mabuti naman kung ganon"

Pinaghigit ako ni Tiodo ng upuan nang makaupo na ako ay siya naman.

Pinagsandok ako ni Tiodo ng kainin habang kinakausap ako ni Mommy.

"You should do some yoga hija, para hindi ka mahirapan sa panganganak. Don't worry I'm here to guide you"

"Thank you po"

"No. You don't need. Apo ko iyan, anak kita s'yempre hindi kita basta na lang pababayaan lalo pa at isang abogado ang asawa mo. Madami 'yang inaasikaso at halos sa trabaho na ang oras kaya naman ako muna ang mag aalaga sa inyo"

Tumingin ako sa pagkain na inilagay ni Tiodo sa plato ko.

"M-masyado ng marami....hindi ko naman lahat 'yan mauubos"

"Kumain ka. Hindi na lang ikaw ang nandiyan sa katawan na 'yan. Dapat doble sa pagkain mo ang kinakain mo ngayon"

"After that hija, inumin mo ang vitamins na nireseta sa iyo ng doctor para sa inyong dalawa ni baby," ani Mommy. Ipinatong niya ang kanyang tasa na hawak bago pinunasan ang gilid ng labi. "Can't wait to see my apo" she giggled.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Tiodo sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Kumain kana, my wife"

Pagkasubo ko ng kanin ay parang hindi ako na-satisfy. I want more. Parang gusto ko ng adobo na madaming sibuyas.

"What's wrong, wife?" tanong ni Tiodo sa tabi ko.

"Bakit hija? May gusto ka pa ba? Sabihin mo lang para maipaluto natin" nakangiting tanong ni Mommy.

"Ahm...gusto ko po sana ng adobo"

"Oh! Adobo. Manang, gusto ni Solaire ng adobo!" " sigaw ni Mommy.

Lumabas naman ang mayordoma at tinanong si Mommy kung may idadagdag pa.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon