Chapter 9

11 2 0
                                    

Halos kalahating oras na akong nakaharap sa salamin dito sa banyo. Nakatitig sa mukha kong hindi maitatago na namumula.

Hindi ko kayang harapin si Sir Tiodo matapos nang may mangyari sa amin. Asawa ko man siya pero hindi ko pa din kaya kahit makipagtitigan sa kaniya ng matagal?

Para bang hindi ko pa siya lubos na kilala.

Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa labas.

"Wife, are you okay there? Need anything?"

"W-wala naman. Lalabas na din ako"

"Okay. I'll wait here" aniya.

Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa salamin.

Bahala na nga.

Nanginginig pa ang kamay ko na pinihit ang seradura ng pinto.

Nagulat naman ako nang nakaharang na pala siya sa may pintuan at hinihintay ako.

"A-ah nand'yan ka pa pala..."

"Yeah, pinakikiramdaman kita" aniya sa magaan na boses.

Kahit nahihiya pa ay unti-unti kong tiningnan ang kaniyang mukha.

"Huh?" sabi ko na may pagtataka.

"Kasi kinakabahan ako na baka may nangyari na sa iyo"

"Nandito ka naman e"

"Yeah, kaya gusto ko, kahit saan ka man magpunta nandoon ako. I'm your shadow. Hindi mo ba natatandaan?"

"I am your shadow, babe....."

He kissed my forehead.

"Hmm, uh huh...."

"Wife?"

Napahawak ako sa aking sintindo nang bigla akong may naalala.

Hindi ako nagkakamali. Kaming dalawa iyon.

"Wait, I will call your doctor—"

"Hindi na. Huwag na. M-may naalala lang ako"

Ibinaba niya ang kaniyang cell phone at humarap sa akin.

"Are you sure?"

"Oo. Naalala ko lang yung sinabi mo kanina. May bigla kasi akong naalala do'n e. Na...tayong dalawa sa isang restaurant...."

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at hinalikan ako sa noo.

"I'm happy to hear that. Your memories with me will never fade away." aniya na nakayakap na sa akin.

Naguguluhan naman akong niyakap din siya.

"Are you done? They are waiting in the garden"

Tumango bilang tugon sa sinabi niya.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa may hagdan.

Pagkalabas namin sa may hardin ay sinalubong agad ako ni Mommy ng yakap.

"Kamusta ang tulog mo anak? I'm sure, naging maganda ang tulog mo, gayong katabi mo ang iyong asawa" si Dad na nakatingin sa amin ni Tiodo at ibinaba muna ang diyaryo na hawak kanina.

"Umupo na kayo nang makakain na"

Ipinaghigit ako ni Tiodo ng upuan. "Salamat" ani ko.

"Ehem! Good morning Ate Phina or Solaire? Ano bang preferred mo?"

Napatingin naman ako sa nagsalita sa kabilang sulok ng lamesa. Nakasuot ito ng itim na shirt at naka eyeglasses habang ang buhok niya ay nakabagsak at malinis na nakaayos sa gilid.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon