Pinaglalaruan ko ang aking mga kuko habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Ngayon kasi naka schedule ang pagpunta ko sa OB gyne at kasama ko din si Tiodo na hindi mapakali sa tabi ko.
"Ayos ka lang?" hinarap ko ito.
"I can't wait" aniya habang nakadantay ang kanyang braso sa kinauupuan ko.
"Malapit na naman tayo e, pagkatapos nung nasa loob ay ako na yung sunod"
"Next, Misis Solaire Dueno?"
Agad kaming tumayo ni Tiodo nang tawagin ang pangalan ko. Humawak ako sa kamay ni Tiodo para sabay na kaming maglakad.
"Kinakabahan kaba? Ang lamig ng kamay mo e" sabi ko sa kanya.
Wala itong binigay na ekspresyon.
"Si attorney kinakabahan dahil lang dito?"
"Yes I am."
Mahina akong tumawa sa sinabi niya.
Pagkapasok namin sa loob ay nandoon ang doctor na nakasalubong ng ngiti sa amin.
"Hello Mister and Misis Dueno," bati sa amin ng doctor bago tumingin sa akin. "Kumusta ka naman Mommy nitong mga nakaraang araw? Madalas kabang nagsusuka o nahihilo?" tanong niya bago tumayo at lumapit sa akin.
"Nahihilo po, oo, at tungkol sa pagsusuka, tuwing umaga po pagka gising ko pero madalang na naman po sa hapon"
"Hmm, ah huh" ani ng doktora bago tiningnan ang blood pressure ko"
"Wala ka naman bang ibang nararamdaman sa first trimester mo? Usually kasi ang mga buntis ay nagkakaroon sila ng weird na cravings, yung mga ganoon"
"Wala naman po akong weird na pinaglilihian sa ngayon doc"
Tumango ang doctor at pagkatapos ng ilang tingin sa akin ay tumawag siya ng isang nurse para sa iba pang gagawing physical exam sa akin.
Kasunod niyon ay ang pagbigay ng vitamins at gatas na iinumin ko.
"Base sa naging resulta ay wala naman kahit na anong komplikasyon sa inyong dalawa ni baby. Inilagay ko na din dito kung kailan ulit ang susunod mong check up," pagpapaliwanag niya. "Do you have any question misis?" pagtatanong niya sa akin.
"Wala na naman po akong tanong doc"
"I have one question, doc" si Tiodo.
Tumingin naman ang doctor kay Tiodo.
"What is it Mister Dueno?"
Tumingin na din ako kay Tiodo. Kinakabahan ako kasi malakas ang loob ko na ang isa niyang itatanong ay ang tungkol doon.
"Is it safe to have intercourse with her?"
Napaawang ang labi ko sa tanong niyang iyon. Mukang relax na ito at parang wala lang ang pagtatanong niyang 'yon sa doctor.
"Well regarding to that matter, it's safe mister Dueno. But with more gentle, okay? Don't give misis Dueno, stress too" ani ng doctor na hindi manlang nakikitaan na natatawa ito o kung ano pa mang reaksyon.
Alanganin akong ngumiti sa doctor.
Kinurot ko ang kamay ni Tiodo nang makalabas kami sa hospital.
"Alam mo ba ang tinanong mo kanina? Ha?"
"Yes, I'm aware. May masama ba sa sinabi ko?"
"Nakakahiya!"
"But I want to know. I'm scared for that wife. It's hard to resist"
Umikot ako sa may passenger seat para makapasok na ako sa loob ng sasakyan. Nang akma ko ng bubuksan ito ay napatigil ako dahil may biglang nag pumasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Dueno Hacienda: Endless feeling
RomanceSolaire Anastasha Savadre, is a soft hearted woman. Masaya at kontento sa kung anong mayroon siya, ngunit nagbago iyon ng makilala niya ang isang estrangherong lalaki na kakaiba ang hatid nitong presensya sa kanya. Ang hindi niya alam ang estrangher...