Chapter 6

9 6 0
                                    

Sa bahay lamang ako ngayon at tinutulungan si lola sa pagdidilig ng kaniyang mga pananim. Rest day ko kasi ngayon kaya ganito muna ang gagawin ko.

Pinagmamasdan ko si Lola habang ginugupit ang mga palanta ng halaman sa bakuran.

Tanungin ko na kaya siya?

"Lola?"

"Pakikuha nga Phina ng walis diyan sa may tabi mo" aniya. Kinuha ko naman ang walis at ibinigay sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago ko ulit siya tanungin.

"Lola, may gusto sana akong itanong sayo"

Agad naman akong nakaramdam ng kaba sa paglingon niya.

"Ano iyon?" aniya.

"Lola, hanggang ngayon hindi ko pa din matandaan na naaksidente ako habang namumulot tayo ng kahoy. Wala akong matandaan na nangyari 'yon at parang bago sa akin ang lahat ng ito" paliwanag ko sa kaniya.

"Apo huwag mong masyadong madaliin ang lahat. Hindi makakabuti para sayo. Hayaan mo ang tadhana na ang gumawa ng paraan para sa lahat. Mauna na ako sa loob" sabi niya at tumlikod na habang ako naman ay naiwan na lamang dito sa likod bahay na tulala.

"Huwag madaliin ang lahat?" wala sa sarili kong sabi.

Malala ba ang nangyari sa akin kaya ganon ang sinabi ni lola?

Ilang minuto din ang pagkatulala ko sa may malapit sa halaman ni Lola bago ko naisipan na tumingin sa paligid na para bang hindi ako nakatira dito ng matagal na panahon.

Naglakad ako ilang dipa sa may hardin ni lola at agad kong napansin ang malapit na kalsada na matatanaw lamang dito. Hindi ito agad makikita dahil sa mga puno na nakaharang pero nang may dumaan na sasakyan ay napansin ko ito.

Diretso ko na sanang lalakadin ito pero napatigil din ako dahil sa bangin na pala ang parteng aapakan ko. Tumingin ako sa ilalim at medyo malalim ito. Naglakad pa muli ako sa gilid para makita pa ang nasa labas. Sigurado ako na kalsada na ang lalabasan ko nito.

Maingat lamang ako dahil para hindi ako mahulog sa bangin. Medyo malayo na ito sa bahay at konti na lamang ay daanan na.

Pinagpag ko ang aking palda na suot dahil sa may mga nakapagkit na dumi sa laylayan pagkadaan ko at ang aking suot na sapin sa paa ay may mga buhangin na din.

Tumigil ako sa may parte ng puno ng mangga. Malaki ito na nasa gilid ng kalsada. Parang hindi lamang isang beses akong nakapunta dito, pakiramdam ko ay pamilyar sa akin. Agad naman akong napahawak sa aking dibdib.

Bakit ako natatakot sa ganitong lugar?

Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid ng puno na ito at naglakad paabante malapit sa bangin. Nakatitig lamang ako doon nang may pumasok sa isip ko.

Hinihingal akong hinampas ang taong nakahawak sa aking braso.

"Bitawan mo ako! Tulong!—Ahh!"

Napaatras ako nang sumagi sa isip ko ang ganong eksena. Pakiramdam ko nangyari iyon sa akin. Napahawak ako sa aking bibig nang malamang ako nga ang babaeng nahulog sa bangin na tinitingnan ko at ang mas nakakakilabot ay dito pa mismo sa kinatatayuan ko ang nangyari.

Napasandal naman ako sa may puno nang maramdaman ko ang biglang pag galaw ng aking paningin. Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko.

"Phina?"

Tumingin ako sa nagsalita na galing sa aking likuran.

"Anong ginagawa mo dito? Are you okay?"

Si Sir Tiodo.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon