Chapter 12

8 2 0
                                    

Hinawi ko ang kurtina dito sa kwarto para makapasok naman ang liwanag. Pasado alas nuebe na din pala ko nagising at medyo napasarap ang tulog ko ngayon.

Ang aliwalas ng paligid.

Ilang minuto pa ako dito sa veranda bago ko napag desisyunan na maghilamos muna para lumabas na din ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay may mga boses na akong naririnig, kung hindi ako nagkakamali ay bandang salas ito.

Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay narinig ko na ang pangalan ko.

"Hangga't hindi nahuhuli kung sino ang nagdala kay Solaire sa lugar na iyon hindi ako magiging kampante na lumabas siya ng bahay na ito. Ayokong may mangyari sa mag ina ko."

"I understand your point, Attorney. The investigation is still in progress."

"Make it faster. I want that bastard to pay for hurting my wife."

"Yes, attorney, we will find the culprit as soon as possible"

"Tiodo, hindi kaya alam na din ng taong iyon na buntis si Solaire? Baka madamay din ang apo ko—"

"Huwag kang mag isip ng ganyan, hangga't nandito si Solaire magiging ligtas ang anak natin"

"Bilang isang ina mas hindi ako magiging kampante hangga't buhay pa 'yang hayop na iyan, Sovene"

"Hayaan na natin ang batas ang gumawa nito—"

"Batas? Hindi ako naniniwalang magagawa iyon ng sinasabi mong batas. Ang tanging paraan lang sa ngayon ay higpitan ang seguridad dito sa bahay" narinig ko pang sabi ni Mommy.

"Wala tayong magagawa doon, Tasha. Hindi natin pababayaan ang anak natin"

"Nasabi mo na ba sa anak natin na nakita na ang kapatid niya?"

"Yes. Uuwi din siya sa susunod na araw"

"Mabuti kung ganon"

Kapatid?

Wala pa sana akong balak na bumaba pa ng hagdan pero nagkatinginan kami ni Tiodo at bahagyang tumingala ito para mas makita pa ako.

Ang kanina niyang seryosong mukha ay napalitan ng napakaamong mukha.

"Good morning, my gorgeous wife. Nakatulog kaba ng mahimbing?" sabi niya bago hinaplos ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

"Napasarap ako ng tulog, alas nuebe na pala. Tanghali na din"

"It's normal to wake up late, wife. You're pregnant with my child." aniya.

I want to hear it from you, Tiodo. More please. I am bearing your child.

"Let's go to the kitchen. I know that you are hungry," he said, holding my hand and kissing it. "What do you want for your breakfast, hmm?"

"Pancake ang gusto ko"

Bigla naman akong natakam kaagad sa sinabi kong iyon.

"Okay! Copy, Misis"

Sumilay naman ang ngiti ko ng sabihin niya.

Nang makababa na kami ay sinalubong naman ako ng yakap ni Mommy.

"Kumusta ang naging tulog mo, hija? Hindi kaba nahirapan kagabi?"

"Hindi naman po. Tuloy-tuloy nga po ang tulog ko. Kayo po ba?" sabi ko at tinitigan ang kanyang mukha na wari ko'y hindi s'ya nakatulog ng ayos.

"What is most important here is you and my grandchild" ngumiti si Mommy at hinaplos ang aking tiyan na hindi pa naman halata ang umbok.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon