"You're Solaire. You're my wife!."
Iniling ko ang aking ulo bago tumingin ng diretso sa kaniya.
"Hindi ako naniniwala sa'yo alam kong niloloko mo lang ako." sabi ko sa basag na boses.
"Oh c'mon Solaire, alam kong hindi mo natatandaan ang lahat pero hindi kayang magsinungaling ng puso mo. Alam kong kabaliktaran ang nararamdaman mo"
Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at kapagkuwan ay bumulong.
"This time I won't let anyone hurt you. Natalo ako sa una pero ngayong nahanap na kita, ipapanalo ko na." Hinalikan niya ang ulo ko.
Kahit ano talagang gawin ko ay hindi siya pumapasok sa isip ko. Gusto ko ulit makaalala pero may kung ano sa akin na hindi lang.
Nakakatakot.
Ayon ang nararamdaman ko sa ngayon.
"Pw-pwede bang umuwi na ako? Gusto ko ng makita si lola" sabi ko sa kaniya nang hindi tumitingin dito.
"Okay, papayag ako pero hindi muna sa ngayon"
Doon na ako napatingin sa kaniya na sana pala ay hindi ko na lang ginawa. Masyadong malapit ang kanyang mukha at nararamdaman ko na din ang mainit nitong paghinga.
Tumitig ito sa mata ko kapagkuwan ay bumaba ang tingin sa aking labi at mariing pumikit. Napansin ko naman ang pag alon ng kaniyang lalamunan bago tumalikod sa akin at ginulo ang buhok.
"Gusto ko siyang makita. Hindi naman ako tatakas e, kung totoo ngang hindi sila ang totoo kong pamilya, kahit magpasalamat na lamang ako kay lola dahil kinukop niya ako" pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Hindi ito nagsalita at hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin s'ya sa akin.
"Kung gusto mong pumunta sa kanila ay sasama ako. Hindi kana ligtas ulit Solaire. Your life is in danger. Hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit iyon sa'yo."
"Hindi kita maintindihan"
Humarap na ito sa akin at itinuon ang kaniyang isang braso sa uluhan ng hinihigaan ko.
"I'm a lawyer Solaire, may malalaking kaso na akong napatumba at mga matataas na tao sa lipunan. Gumanti sila sa akin at ikaw ang ginamit para pabagsakin ako. Nagsisisi ako na nangyari iyon sa iyo, this time I will be more careful. I'm sorry my wife" sabi niya at hinalikan ang kaliwa kong kamay.
Napahawak naman ako sa aking sentido nang maramdaman ang mabilis na pag ikot ng aking paningin.
"Wife? What happend?"
"N-nahilo lang ako bigla"
"Wait me here. I will call your doctor" Tumayo ito at tarantang lumabas ng silid.
Nang una ko s'yang makita ay iba na talaga ang pakiramdam ko na para bang matagal ko na siyang kilala. Tapos malalaman ko na asawa ko siya? Kasal ako sa kaniya?
Wala man akong matandaan tungkol sa aming dalawa dahil sa nangyari sa akin ay gusto ko pa ding alamin kung paano kami nagkakilala at kung paano umabot sa kasalan. Masyado pa akong bata para doon. Alam ko at natatandaan ko ang edad ko. Dalawampu't apat pa lamang ako.
Naputol ang pag iisip ko nang may pumasok na doctor at kasunod nito ay si Sir.
Lumapit ang doctor sa akin at may tiningnan sa mata ko. Madami pa itong test na ginawa hanggang sa makita ko ang isang nurse na nasa likod ng doctor na tumitingin sa akin.
Nakita ko naman na may itinusok sa maliit na tube ang nurse. Naka-konekta sa aking braso ang tube na iyon. Hindi ko alam kung para saan ito, basta naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng aking katawan at paglabo ng aking paningin pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Dueno Hacienda: Endless feeling
RomanceSolaire Anastasha Savadre, is a soft hearted woman. Masaya at kontento sa kung anong mayroon siya, ngunit nagbago iyon ng makilala niya ang isang estrangherong lalaki na kakaiba ang hatid nitong presensya sa kanya. Ang hindi niya alam ang estrangher...