Chapter 2

19 7 0
                                    

"Miss isa pang order ng kanin!"

Agad akong pumunta sa may kusina at naglagay ng kanin. Inilapag ko ito sa lamesa ng nagsabi.

"Salamat. Bago ka lang dito?"

"Ah o-opo"

Sa tingin ko ay wala pang trenta ang edad nito. Bukod sa itsura nitong bata pa ay maganda din ang tindig nito.

"Halata nga e. Kasi malayo palang kitang kita kana. Sa puti mo ba naman e." aniya habang nakangiti na nakatingin sa kinakain niya. "Hindi ka talaga tiga rito ano?"

"Taga dito. Malapit lang dito ang bahay namin"

"Hindi kasi halata. Halos ang lahat ng babae dito hindi ganon kaputi. Samantalang ikaw kahit nga siguro langaw dudulas sa balat mo e"

Alanganin akong ngumiti sa kaniya bago ako pumuntang kusina.

"Ah Phina palagay naman ng basura sa labas oh. Mamaya kasi dadaan ang magbabasura baka hindi na natin maabutan" sabi ni Niña na isa din sa katrabaho ko.

"Sige. Ako na dito"

"Salamat Phina"

Itinali ko muna ang plastic ng basura saka inilabas ito.

Napatingin pa ako sa may dumadaan nang mahagip ng paningin ko ang  isang lalaki na nakasandal sa may malaking puno habang nakatingin dito sa kinatatayuan ko.

Taranta akong pumasok na at bumalik na sa trabaho.

Bakit hindi pa umaalis ang lalaking yon?

Kinakabahan ako para mamaya. Baka kasi hintayin niya ako hanggang sa matapos ang trabaho ko at lumapit sa akin.

Pagpatak ng alas sais ng hapon ay tapos na ang trabaho ko at oras na para umuwi.

Bago ako umalis ay tiningnan ko muna ang mga lamesa kung malinis na at ipinagpatong ang mga upuan.

Nakapag mop na din ako kanina.

Lima lamang kami na nagtatrabaho dito. Hindi naman kasi kalakihan ang lugar pero madami ang nakain at may iilang dumadayo pa dito.

Inayos ko ang pagkakatali sa buhok ko at nagpunas ng pawis gamit ang panyo na dala ko.

"Ayos na ba lahat?" ani ni Ma'am Jiana. Ito ang nagturo sa akin kung ano ang gagawin at ang hindi, lalo na kapag sa kusina.

"Ayos na po" si Drake. Ang isa sa katrabaho ko. Isa itong kusinero dito.

"Kung ganon pwede na kayong umuwi. Padilim na din. Ingat kayo"

"Salamat po Ma'am!"

Nang makalabas na ay naglakad agad ako dahil wala pa naman akong dalang flashlight. Sa susunod pang linggo ang sweldo ko kaya sa susunod pa ako makakabili.

"Phina!"

Nakangiting si Drake ang nakita ko habang papunta sa direksyon ko.

"Hatid na kita"

"Nako kahit wag na Drake. Medyo malayo pa ang uuwian mo"

"Ayos lang Phina. Lalaki naman ako. Padilim na din kaya samahan na kita"

"Sanay na ako. At isa pa hindi naman kalayuan ang bahay namin dito"

"Sige na. Kahit diyan lang" pagpipilit nito.

Wala na naman akong magawa dahil nakasunod na ito sa akin.

"Nag aaral ka pa ba?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Hindi na. May nangyari kasi sa akin e. Halos isang taon din akong inalagaan ni Lola kaya ngayon lang ako naglakas loob na magtrabaho dahil alam ko namang kaya na ng katawan ko"

"Hmm ano namang nangyari sa'yo? Kung pwedeng malaman"

"Naaksidente ako noon. Basta ayon lamang ang sinabi sa akin ni Lola. Habang naghahanap ng kahoy"

"Buti naman maayos kana ngayon"

"Oo. Ikaw ba nag aaral?"

"Hindi na din. May pinapaaral. Oo"

"Ilan ba kayong magkakapatid?"

"Lima kami. Ako ang panganay. Balak ko sanang magpatuloy hanggang kolehiyo at kumuha ng kursong Civil engineering kaya nga lang sa hirap ng buhay kailangan kumayod"

"Kaya nga e. Pag aaralin ko na din ang kambal kapag may sapat na akong ipon"

"Kung ganon parehas na tayong may pinag aaral niyan"

Tumigil kami sa may tapat ng bahay.

"Salamat Drake. Kung gusto mo pumasok ka muna para makilala ka ni Lola"

"Ah hindi na muna siguro Phina kasi may gagawin din ako sa bahay. Sinamahan kita kasi kanina ko pa napapansin na may sumusubaybay sayo. Sa totoo nga niyan kanina pang umaga iyon. Hindi ko maaninag ang mukha kasi palaging nakasuot ng sumbrero. Kilala mo ba iyon?" paliwanag niya.

Hindi lang pala ako ang nakakahalata non. Siya din pala.

"Wala naman akong ibang kilala dito bukod kina lola"

"Kung ganon, mag iingat ka Phina. Baka may masamang binabalak ang isang yon. Huwag kang mag alala kung gusto mo sabay na tayong pumunta sa trabaho at pabalik na din"

"Hindi na Drake. Ayos lang. Hindi mo naman obligadong ihatid, sundo ako e"

"Ayos lang naman sa akin"

"Salamat na lang"

"Sige. Kita na lang tayo bukas"

"Salamat. Mag iingat ka"

"Sige"

Pagkapasok ko sa bahay ay sumalubong naman sa akin ang nakapameywang na si Betina.

"Aha! May manliligaw kana agad Ate Phina?"

"Hindi ko manliligaw ang isang iyon Betina"

"Eh bakit may pahatid- hatid na nagaganap?"

"Dahil nag aalala lamang yung tao at padilim na din"

"Lagi lagi ka naman dinidilim ng uwi ah. May gusto ang binata na yon sa iyo Ate. Tingnan mo bukas, makalawa magsasabi na yon sayo na 'pwede bang manligaw Phina?'" sabi nito na pinalalim pa ang boses bago tumawa.

"Magtigil ka nga sa kabaliwan mo na yan Betina." sabi ko at inilibot ang paningin para hanapin si Lola pero wala ito. "Nasaan si lola?"

"Nagpunta lamang sa kabilang bahay may nagpapahilot kasi. Pinasama ko na si Batina"

"Sige. Nakapagluto kana ba?"

"Oo Ate"

"Sige. Magbibihis na muna ako"

Pagkapasok ko sa kwarto ay naupo na muna ako sa papag at inilagay ang bag sa isang sulok.

Alam kong siya ulit ang lalaking yon.

Hanggang kailan ba niya ito gagawin?

Wala akong kaide-ideya sa ginagawa niya dahil hindi ko naman siya kilala.

Sandali. Hindi kaya may kinalaman ang nangyari sa akin noon?

Kausapin ko kaya siya?




















babygummie_

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon