"Eat with me."
Napatulala ako sa sinabi ng binata na nakaupo sa harap ko.
"Po?"
"Sabayan mo akong kumain"
"Pero hindi po pwede iyan sa trabaho namin—"
"Ay Sir! Ayos lang naman po," si Ma'am Jiana bago tumingin sa akin nang seryoso. "Umupo kana Phina." bulong niya sa akin.
Napilitan akong maupo dahil parehas na hawak ni Ma'am Jiana ang magkabila kong balikat. Napaayos naman ako ng uniporme ko dahil napansin ko na doon siya nakatingin.
"Iwan ko na po kayo, Sir?"
"Yeah. Leave us." seryoso nitong sabi pero hindi kay Ma'am Jiana nakatingin kundi sa akin.
Nakatungo ako habang pinaglalaruan ang laylayan ng aking damit.
"Tutungo kana lang ba d'yan hanggang sa matapos akong kumain?"
Unti unti kong inangat ang aking ulo para tingnan siya, uminom ito ng kape habang nakatingin pa din sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng hiya.
"Let's eat Phina, hindi ka mabubusog niyan kung puro tingin ka lang"
"Pero hindi po ako nagugutom Sir."
Ibinaba niya ang tasa na hawak kapagkuwan ay tumuwid ng tingin.
"I want you to eat this food Phina. Don't make me angry. May pag uusapan din tayo pagkatapos nito" aniya bago kinuha ang kutsara't tinidor bago sinimulan ng kainin ang nasa harap.
Tumikhim muna ako bago kinuha din ang kubyertos na nasa harap ko at kumain din. Tahimik at mukang wala siyang balak na basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Pasimple ko siyang tinitigan, seryoso itong nakatingin sa kaniyang kinakain. Napalabi ako, ilang araw pa lang kami na nagkita ay ganito na agad siya. Nakakagulat lang kasi bakit ako pa ang napili nitong makasalo sa pagkain?.
Hindi ba siya sanay na mag isang kumakain?
Uminom ako ng tubig nang matapos na akong kumain. Tumikhim ulit ako at nag dalawang isip pa kung magsasalita. Natatakot kasi ako sa kaniya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Nagugulat na lang ako bigla kapag mag sasalita siya at palaging kasali ako doon.
"Done?" aniya pagkababa ng kubyertos na hawak niya.
"O-opo Sir," mahina kong sabi pero sapat na siguro ito para marinig niya. Nakita ko naman na ubos ang pagkain dito sa lamesa. "Kukunin ko po muna itong mga pinagkainan, Sir." sabi ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Tumayo na ako.
Hindi naman siya nagsalita at nakatitig lamang sa akin habang kinukuha ko ang mga pinggan. Nakadalawang balik ako sa lamesa sa pagkuha ng plato. Nang matapos ay pinunasan ko naman ito ng dala kong basahan.
Tumikhim muna ako bago magsalita sa harapan niya.
"Tapos na po Sir."
"Maupo ka." aniya na walang bahid ng emosyon ang mukha habang nakatitig sa akin. "You want a better job? Iyong mas maayos pa dito at malaki din ang kita?"
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay na kitang kita ang mga ugat doon, nakapatong sa lamesa habang ang mga mata pa din ay nakatingin sa akin.
"Ano pong ibig n'yong sabihin Sir?
"Kukunin kita bilang assistant ko sa Manila." simpleng salita pero nagpakaba sa akin.
"A-ano?—"
"Be my assistant. I have a company Phina, and even I have my secretary I can't do it all. When I first saw I know you have a credibility to do that"
BINABASA MO ANG
Dueno Hacienda: Endless feeling
RomanceSolaire Anastasha Savadre, is a soft hearted woman. Masaya at kontento sa kung anong mayroon siya, ngunit nagbago iyon ng makilala niya ang isang estrangherong lalaki na kakaiba ang hatid nitong presensya sa kanya. Ang hindi niya alam ang estrangher...