Ilang araw pa ang lumipas ay hindi pa rin umuuwi si Sir Tiodo. Sa halos isang linggo ko na ditong pamamalagi ay may nalalaman din ako tungkol sa sarili ko.
Nakapagtapos ako ng Bachelor of Science in Architectural Design at pupunta pa sana sa ibang bansa para doon mag aral muli para sa dagdag na skills pero sabi ng totoo kong mga magulang ay hindi ako pinayagan ni Sir Tiodo hanggang sa maikasal na kami. Anim na taon na din pala kaming magkasintahan hanggang sa naisipan na ni Sir Tiodo na magpakasal kami nang makapasa na din siya sa bar exam.
May mga pictures din na ipinakita sa akin si mommy pero kahit isa man doon ay hindi ko matandaan, pero sa t'wing makakakita ako ng magandang design o di kaya'y disensyo ng bahay ay natutuwa akong kilatisin iyon o kaya naman ay i-drawing ito.
"Solaire, hija?"
Tipid akong ngumiti sa kaniya nang pagkaharap ko.
Ipinatong ng isa sa kasambahay ang tray na naglalaman ng isang kulay puting bote na ang laman ay gamot.
"Thank you," ani mommy sa kasambahay pagkatapos ilapag ang tray. Tumingin sa akin si mommy at binuksan ang bote ng gamot. "Ito, inumin mo" aniya at ibinagay sa akin ang gamot pagkatapos ay nilunok ito.
"Salamat po" sabi ko.
Tumabi ito sa akin at tinitigan ako.
"Sana'y bumalik na ang mga alaala mo. Bilang isang ina, hindi ko kayang nangyayari ito sa iyo pero nagpapasalamat ako sa diyos at kasama kana ulit namin."
"Salamat din po," huminga muna ako bago magsalita muli. "Sana nga po ay makaalala na ako."
Tumigil ang pag uusap namin ng ilang segundo.
"Nami-miss mo na ba si Tiodo, anak?"
Napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi niya.
"A-ah ano p-po?"
Ngumiti ito.
"Kahit wala kang maalala tungkol sa kaniya, alam kong miss mo na din siya. Nakakalimot ang isip pero ang puso hindi."
Nanginginig na kinuha kong muli ang baso para uminom ng tubig.
"Sa halos isang taon na nawala ka, patuloy pa din sa paghahanap ang asawa mo sa 'yo. Hanggang sa may nakapag sabi sa kaniya na doon ka napadpad kaya naman pumunta agad doon si Tiodo kasama ang kapatid niya." paliwanag ni Mommy.
Ipinatong ko ang baso sa babasaging lamesa na nandito sa salas.
Bigla ko tuloy naisip yung lalaki na tumawag sa akin ng Solaire.
Hindi kaya ayon ang kapatid ni Sir Tiodo?
Natigilan naman ako sa pag iisip nang mag salita si Mommy sa gilid ko.
"May problema ba Solaire? Nahihilo kaba, anak?"
Ngumiti ako ng simple bago umiling.
"Wala naman po akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko."
"Mabuti naman kung ganon. Basta huwag kang magsi-sikreto sa akin, ha? Gusto kong malaman ang nararamdaman mo," sinuklay-suklay niya ang iilang buhok na dumadampi sa pisngi ko. "Huwag mong isipin agad lahat ng nangyari sa iyo nang araw na iyon dahil baka sumakit ang ulo mo"
Tumango ako. "Salamat po"
Ngumiti ito sa akin at tumango. "Oh s'ya, maiwan na muna kita dito. Ayos ka lamang ba dito?"
"Ayos lang po. Maganda din pong nakakapag isa ako, para makapag isip"
"Sige, babalik ako dito" ani Mommy. Kinuha niya ang tray na naglalaman ng tubig at gamot ko bago tumalikod at tumingin muna saglit sa akin bago lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Dueno Hacienda: Endless feeling
RomanceSolaire Anastasha Savadre, is a soft hearted woman. Masaya at kontento sa kung anong mayroon siya, ngunit nagbago iyon ng makilala niya ang isang estrangherong lalaki na kakaiba ang hatid nitong presensya sa kanya. Ang hindi niya alam ang estrangher...