Chapter 1

17 7 0
                                    

"Betina tama na!"

Isinangga ko ang aking dalawang kamay habang ito ay walang tigil na nagtatampisaw ng tubig papunta sa akin.

Tuwang tuwa ang kambal habang naliligo.

"Ang daya niyo e iisa lang ako tapos dalawa kayo" sabi ko pa.

"Sa susunod pumunta ulit tayo dito Ate Phina ang sarap ng tubig dito malamig pa" ani Batina.

Niyaya ko silang dalawa dito sa may talon dahil alam kong nabuburyo na din sila sa bahay at para din makapagpahinga ang mata ni Batina dahil sa palagi na lamang nakatutok ang mata nito sa pagbabasa.

"Oo ba. Kapag walang masyado na nagpapagamot" ani ko.

Parehas kaming nakalubog ang katawan sa tubig.

"Natatandaan mo pa ba ang lalaki sa may talipapa?"

Tumingin si Batina sa kambal nito.

"Sinong lalaki?" tanong niya at tumingin sa akin. "May boyfriend kana Ate Phina?"

"Wala akong kasintahan Batina, mali ang iniisip mo"

"Eh kung mali sinong lalaki ang sinasabi mo?"

"Nung makita siya ng lalaki basta na lamang si Ate Phina tinawag na Solaire.Nakakatakot nga e parang gustong kuhanin si Ate Phina non"

"Anong itsura niya?"

"Ahmm gwapo, matangkad na maputi at may katamtamang laki ng mata tsaka mukang hindi nagkakalayo sa edad ni Ate Phina"

"Ano sa tingin mo Ate? Kahawig ka siguro nitong Solaire. Kaano ano kaya niya ang babae?"

"Ang pinagtataka ko lamang ay bakit sa dami ng tao doon sa talipapa ay nakita ka niya? At hindi lang 'yon mukang taga maynila pa ang isang yon"

"Misteryoso nga ang lalaking yon" wala sa sariling sabi ko.

"Pero alam mo Ate Phina kahit may galit ako sa lalaking yun ang gwapo pa din niya at bagay kayong dalawa. Ewan ko ba pero ayon yung nakikita ko"

"Itigil mo nga iyang pagiging ilusyunada mo Betina"

"Paano kapag bumalik siya dito?Kapag binalikan ka? Sasama kaba?"

"Hindi. Pwede ba yon? Iiwan ko kayo dito. Hindi ko kaya. Bakit naman ako sasama sa hindi ko kakilala hindi ba?"

"Sabagay, sa panahon ngayon nakakatakot ng magtiwala"

Napagdesisyunan na naming umahon sa tubig. Gusto ko pa sana magbabad sa tubig pero baka mas lumalim pa ang pag kukwentuhan nila sa lalaking yon.

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nababanggit nila ang lalaki ay kinakabahan ako.

Pagbalik namin sa bahay ay may nakita kaming dalawang tao sa labas. Balot ng tuwalya ang katawan ko ay agad akong nagtungo sa bahay.

Nakita ko si lola na hawak ang pitaka niya.

"Phina" ani Lola pagka balik namin.

Pinapasok muna kami ni Lola sa loob para mag palit ng damit.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagpasok ng dalawang lalaki kasama si Lola.

"Nay kung hindi niyo po magagawan ng paraan ay baka po mawalan kayo ng tirahan. May gusto po kasing bumili ng lupang ito at ayaw man po namin ay ipinag uutos lamang ito ni Sir"

"Wala na bang palugit iyan?"

Nakita kong nagkatingin ang dalawang lalaki.

Hindi pa ako nagbibihis at pinakikinggan ang mga sinasabi nila.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon