Chapter 4

15 5 0
                                    


"H-Happy birthday....sayo." nahihiyang sambit ko.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil unang- una hindi ko sya kilala at mas lalong ngayon ko lamang siya nakita, pero kahit ngayon lang kami nag pangita bakit para atang matagal ko na siyang kilala? Nagkita na ba kami nito?, ngunit hindi ko matandaan kung kailan.

Base na din sa pakikipag usap niya sa akin at paraan ng pag titig niya....mukang kilalang-kilala niya ako. Napa isip tuloy ako kung may kaugnayan ba siya sa lalaking tumawag sa aking Solaire.

Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabila nitong bulsa sa suot niyang faded jeans na may konting butas doon. Siguro ay desenyo ito sa suot niya. Habang nakatitig sa akin at bahagyang itinagilid ang ulo na animo'y nangangalay.

"May naaalala.....kana ba?" mahina at may pagmamalasakit na bigkas niya.

"A-anong ibig mong sabihin—"

"Nevermind!"

Napatalon ako sa napataas nitong boses. Agad ko namang nahawakan ang dibdib ko.

May ilaw naman dito at sapat na siguro na makita ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. May bahid ng hindi maunawan ang kaniyang mukha.

"Sorry I didn't mean to—"

"Phina!" sigaw ni Drake sa hindi kalayuan. "Halika na sabay na ta— Sir! Anong pong g-ginagawa nyo pa dito? May kailangan pa po kayo?" hinarap ni Drake ang lalaki na nakapamulsa pa din. Saglit lamang niyang tiningnan si Drake bago itinuon sa akin ang atensyon ng kaniyang mata.

"Ingat ka." simple lamang iyon pero agad akong nakaramdam ng kaba, bago siya tumungo sa kaniyang sasakyan at pumasok doon.

Naiwan naman na may tanong si Drake sa kaniyang mukha.

"Ano yon Phina? Magkakilala na agad kayo?" may gaan sa kaniyang boses pero malayo naman sa kaniyang mukha dahil kita doon na naiirita siya.

"Ah...b-binati ko lang si....Sir dahil hindi ba kaarawan niya ngayon?" sabi ko sa kaniya.

Tumango siya na mukang sang- ayon naman sa sinabi ko.

"Tara na. Ihahatid pa kita sa inyo. Nag- aalala na ang Lola mo."

"Kaya nga..."

Tumalikod na siya at ambang lalakad na at hindi na pinansin ang kotse na nasa likuran namin. "Phina.." tawag niya kaya naman tumalikod na din ako at naglakad pero gusto ko pa ding tingnan ang nasa likod kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na ibalik ang pangin ko doon.

Madilim ang salamin ng kaniyang kotse at wala akong makita ni anino niya sa loob, pero bakit ganon? Sa isip ko ay nakatingin siya sa amin ni Drake habang naglalakad.

Napailing ako sa naisip at nag lakad na lang kasabay si Drake.

Siguro ay hindi naman at may ginagawa lang sa loob kaya natagalan sa pagpa-paandar ng sasakyan niya.

May dalang flashlight si Drake at maliwanag naman ang buwan kaya hindi kami nahirapan sa pag lalakad. Inaalalayan din niya ako sa t'wing may mga bato sa dinadaanan namin. Hindi kasi na maganda ang daanan dito papasok sa amin, hindi katulad ng sa bandang kalsada ay pantay ang daan, dito kasi sa amin ay rough road ang daan.

Bukas pa ang ilaw sa amin sa loob, sa labas naman ay bukas din. Hindi naman kasi ito pinapatay dahil para maliwanag pa din sa labas.

Napansin ko sa may bintana si Batina, na mukang nag-hihintay sa pag dating ko. Umalis ito sa kinalalagyan nang makita na akong paparating.

"La, si Ate Phina andiyan na!" narinig kong sigaw niya na ikinangiti ko.

Mas nauna akong maglakad kay Drake habang siya naman ay nakasunod lamang sa akin. Sinalubong kami ni Lola na nakayakap sa kaniyang bisig ang balabal na kulay- abo at may hawak itong tasa sa kaliwang kamay.

Dueno Hacienda: Endless feelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon