CHAPTER 15
Papalubog na ang araw nang magmulat ako. The pink and orange sky was the first thing I saw because the window is placed in front of the bed. I heard the sound of the ball being dribbled, so I stood up to get to the windows, opened the door, and went out on the balcony to look at where the sound is coming from.
Tinanaw ko ang sa ibaba at nakita ang walang pang-itaas na Valerio at naka-faded jeans lang na nagd-dribble ng bola bago iyon i-shoot. He did those–dribble then shoot–repeatedly until he sat in the middle of the court. He extended his legs and placed the ball on his thighs before leaning back with a hand behind him to support himself.
Ang isang kamay naman ay nasa leeg niya, sa singsing na pendant, habang nakatingala sa kalangitan. Humilig ako sa railings, naka-krus ang mga brasong nakapatong doon, habang pinagmamasdan lang siya.
Nanlaki ang nga mata ko nang tumingin siya sa gawi ko at bago pa ako umatras ay nakita ko ang pagngiti niya.
Was I staring too much? I was watching him! And he caught me!
Umiling ako at tuluyan nang pumasok ulit sa kwarto bago isarado ang pinto sa balcony. I went to my cabinet and grabbed my underwear, then a plain shirt and a cotton shorts. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para maligo.
I didn't spend much time taking a bath and I combed my hair with my fingers before exiting the bathroom. Habang nagbibihis ay hindi ko maiwasang isipin ang itsura ni Valerio kanina.
I know that he's thinking of his mom. Otherwise, he wouldn't be looking at the skies while touching his mom's wedding ring as his pendant.
Naisip ko tuloy si Mama. If there's something that would remind me of her, it's just our memories. Wala siyang naiwan sa akin and the pictures we had, kasama iyon sa cellphone ko na sinira ni Papa nang malaman niyang may mga kaibigan ako sa Espanya, when I was eleven years old, na hindi naman niya aprubado.
Hindi ko naman inasahang magiging ganoon ang kahihinatnan ng pagkakaroon ko ng mga kaibigan kaya wala rin akong oras para i-transfer ang mga litratong iyon o kahit ay i-print man lang. I wish I had a remembrance of her other than our memories.
I heard knocks and my gaze shifted on the door. "Baby, I've prepared our dinner. I'll wait for you in the veranda."
Nagmadali akong ayusin ang sarili ko at kinuha lang ang cellphone bago sumunod sa kanya. Nang mapadaan ako sa dining area, wala ngang tao roon.
Why would we eat outside when there's a dining room in his house? Kaya nga may ganito sa mga bahay para dito kumain.
Tumungo na rin ako sa veranda tulad ng sinabi niya at nakita siyang nakatalikod, malapit sa may hagdanan, at may kausap sa kanyang cellphone.
"Yes, Marcela... probably next week... I'll be there..."
Tahimik akong umupo sa may round table at pinasadahan ng tingin ang nasa lamesa. A plate full of rice, a bowl of pork steak, a pitcher of water, then our utensils, plates, and glasses.
Nilingon ako ni Valerio at iniwas ko sa kanya ang tingin ko. Hindi ko lang alam kung anong gagawin ko dahil ayaw ko namang magsimulang magsandok nang wala pa siya at ang bastos namang tingnan noon.
"I have to go... send me the details tonight, if you can... I'll call you tomorrow..."
Pouring water on my glass wouldn't hurt, right?
Masama ang tingin ko sa baso habang sinasalinan ko 'yon ng tubig. Who's this Marcela now? Is it one of his girls again? Tahimik akong nagpakawala ng hangin at kahit na palapit na siya sa lamesa ay hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin, instead, I drank the water. Nakalahati ko pa 'yon bago siya naupo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Only Escape (Isla Julieta Series #4)
General FictionAt the crossroads of fate and rebellion stands Olesia Andrea Marchetti, daughter of a notorious and ruthless mafia boss. Groomed from birth to be the underboss and the next-in-line for her father's empire, Olesia can only ascend to the throne once s...