Chapter 19

347 4 0
                                    

CHAPTER 19





Valerio:
Good morning, baby. I already have my men here with me. May dalawang nasa labas ng kwarto sa opisina, and other men are scattered around the building.

Valerio:
We'll be raiding the billionaire's house in Butuan City later, baby. Don't worry, we have enough men from AFP.

Iyon ang mensaheng bumungad sa akin pagkagising ko.

Ako:
Good boy.

Bumangon na ako at tumungo sa banyo para ayusin ang sarili ko. I combed my hair and tied it in a bun, brushed my teeth before I wore my brassiere, and went to the kitchen to make breakfast.

May tasty bread sa cabinet at chocolate spread kaya iyon na lang ang naisipan kong pang-umagahan ngayon. Habang kumakain ako ay sinasabayan ko rin ng pagbabasa ng libro.

I am a bookworm and I've read several erotic books since I was thirteen. Naimpluwensiyahan lang naman ako ni Azariah dito and I tried it. Hindi lang naman ang mga steamy sex scenes ang mayroon sa mga librong binabasa ko, pero pati ang plot at husay ng pagsusulat ng author ang nakapagpa-hook sa akin sa mga ganitong klaseng libro.

But now that I'm reading sex scenes in this book, pakiramdam ko ay napapamulahan ako ng mukha. Umiinit ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan... siguro dahil naaalala ko si Valerio.

The words he uttered when we first met back in Azariah's house. Ang mga banat niya sa akin, kahit ang pagnakaw niya ng halik noon, na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lambot ng labi niya sa labi ko. And reading the book, with detailed narration of the steamy sex scenes, hindi ko maiwasang isiping ako at si Valerio 'yon.

Kahit noong nabubuhay pa si Diego at nagbabasa ako ng mga ganito, even if we kissed a few times, hindi ko naisip sa amin ang mga ganito. Maybe because he's so different from Valerio.

While Diego was a good, pure, and romantic boy, Valerio is a playboy, with so much sex appeal oozing from him, at kahit sa anong bahagi niya, kahit sa simpleng pag galaw lang ay hindi rin maiiwasang makapag-isip ng kung ano mang kahalayan.

"Oh, god..." mahinang usal ko at huminga nang malalim.

Ito ba ang naging epekto sa akin ng Bustamante'ng iyon? Well, then, he's a bad influence! What can I do to erase his effect on me?

Habang umiinom ako ng gatas ay napatingin ako sa cellphone na katabi ng aking plato. I picked it up and viewed the notification.

Valerio:
Do I have a reward for being a good boy? ;)

Hindi ko alam kung dahil ba sa winking face na dinagdag ni Valerio sa reply niya sa akin kaya kung anu-ano nang naiisip ko sa reward na sinasabi niya or it's just how he is. Dahil siya si Valerio Bustamante, kamanyakan kaagad ang nakadikit sa kanya.

Umiling ako at nagreply,

Ako:
Wala. It's for your protection. Ang reward mo roon ay ang manatiling buhay ka dahil hindi pa nahuhuli 'yong kriminal.

I spent some time in the hammock, swaying myself, while reading the book. Hindi gaanong kainit dahil natatakpan ng mga dahon sa puno ang sinag ng araw. Presko rin ang hangin na umiihip, at naka-simpleng white spaghetti-strapped top at gray shorts lang ako.

That has been my activity for the past few hours, even after lunch. Dahil medyo tinatamad naman akong magluto ay nagpa-deliver na rin ako ng pizza at pasta, sakto para sa aming lahat ng mga tauhan.

Masaya kaming nagku-kuwentuhan at nakikisabay ako sa mga tawanan nila. Behind their intimidating aura, masaya talaga silang kasama. Maybe because I was deprived of friends back in Spain, ngayon, lahat ng nakakasalamuha ko ay ginagawa kong kaibigan. Siguro dahil din sa pakikitungo ko sa kanila ay nagiging kumportable na sila kasama ko.

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon