Chapter 17

340 8 0
                                    

CHAPTER 17



Naka-white spaghetti-strapped top at denim bermuda shorts lang ako, then just a pair of white sandals. Mainit ang panahon ngayon kaya ganito lang ang naging ayos ko. Besides, bibili lang naman ng mga gamit ang gagawin namin. 

Habang nagsusuklay ng buhok ay pinag-iisipan ko pa rin kung isusuot ko ba ang contact lenses ko para takpan ang kulay bughaw kong mga mata. 

Mukha naman akong dayuhan at wala naman din sigurong makakapansin sa mata ko. 

I put my things in my baguette bag at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko si Valerio na nakaupo sa may tanggapan, naka-itim siyang t-shirt at khaki shorts. Naka-dekwatrong hawak ang cellphone at may pinipindot doon. 

Tumikhim ako dahilan ng pag-angat niya ng tingin sa akin at ngumiti habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuhan ko. I just raised a brow at him. 

"Hey," aniya at tumayo para lumapit sa akin. "You're ready, Gorgeous?" 

I rolled my eyes at him at nauna nang lumabas ng bahay. Kasunod ko lang siya nang marinig ko ang hagikhik niya. 

Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa sinasabi niyang bilihan. Pagkababa ko ay doon ko lang din napansin ang isang SUV na nakasunod pala sa amin. 

Napansin ni Valerio ang reaksyon ko kaya humilig siya sa akin at bumulong, "That's your security." 

Tumango ako, "Hindi ko sila napansin kanina." 

"Ah-huh, that was my order. Whenever you plan on going outside or even just at the house, hindi mo sila mararamdaman but they're just there." 

Nginitian ko siya nang maliit, "Thanks. Kahit dati pa sa Spain, hindi ko natutunang maging kumportable sa mga nakabantay sa akin." 

"Of course... hindi ba nga, ayaw mo ng ganoong buhay? You wanted your freedom? Well, now, you can't have full access on that because you need to have your security with you all the time, but at least, you won't notice them. I'm sorry." 

"Ayos lang. I understand." Inayos ko ang bag na nakasakbit sa balikat ko at nagpakawala ng buntong-hininga. 

Sa gulat ko nang humilig siya sa akin ay hindi agad ako nakagalaw. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa balikat ko, at doon lang ako lumayo sa kanya. 

"Sorry," he smirked. 

Umiling ako at nauna nang pumasok sa mga shop. 

This exceeded my expectation. Hindi lang pala puro souvenir ang mga bine-benta rito, pero para na rin itong mall dahil sa rami ng mabibilhan. It's just a two-storey building pero malawak. Maliliit lang ang mga stall, at ang dressing rooms ay maliit lang din at kurtina ang nakaharang. 

Valerio's just behind me all the time. Kada lingon ko sa kanya ay nakasunod lang siya at nakatingin sa akin. Paminsan-minsan pa'y nahuhuli ko siyang lumilinga sa paligid na parang nagbabantay talaga. 

Napanguso ako nang magtaas siya ng kilay at ngumiti. "Hmm? Kanina mo pa ako tinitingnan." Nilapitan niya ako at humawak sa baywang ko, "Hindi ako mawawala sa'yo, baby." 

Sinamaan ko siya ng tingin at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin. 

"Aren't you going to buy things for yourself? Sayang naman, nandito na rin tayo." 

Napatingin ako sa isa niyang kamay na maraming plastic na hawak. Iyon ay ang mga nabili ko na. 

He shook his head. "I don't need anything more, when you're here in front of me." 

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon