Chapter 11

370 7 0
                                    

CHAPTER 11








"Azi, tahan na. Walang mangyayaring masama. Do you trust me? Hindi ko hahayaang mapahamak kayo." Niyakap ko siya ulit.

Hindi ko alam kung paano namin ni Valerio nagawang patahanin si Azariah. Halos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak niya at ngayon, pinapagitnaan namin siya ni Valerio sa couch.

"W-Wala namang mangyayaring masama, 'di ba?" tiningnan ako ni Azariah.

Umiling ako. "Wala, Azi. Tahan na, sasakit na ang ulo mo niyan. Nandito kami ni Valerio para protektahan ka."

Mahinang natawa si Azi at pinunasan niya ang luha. "Ikaw nga ang nanganganib ang buhay, e."

I smirked, "I've been with Papa for fourteen years, okay naman ako, 'di ba? Ang daming pagtatakas na rin ang ginawa ko noon pero buhay pa ako. It's Nikolas who should be afraid. Under his watch, nakatakas ako."

"Kaya ba nagpa-panic siya kanina?"

I nodded and clipped some strands of her hair on the back of her ears. Sinulyapan ko si Valerio at nabungaran siyang nakatitig sa akin at punong-puno ng katanungan ang mga mata.

"Valerio, pakikuha ng tubig si Azi, please?"

He left the couch and Azariah hugged me again. "Nakakatakot pala si Nikolas. Hindi ko na siya crush! Ang gwapo pa naman at ang sexy. Model pa."

Humalakhak ako, "he's a good man. Naiipit lang siya sa amin ni Papa kaya ganoon."

Iniwaksi ko sa utak ko ang mga posibleng mangyari kung hindi ako naisama ni Nikolas pauwing Spain. Kalat ang Onyx Death sa iba't ibang parte ng mundo, ngunit hindi ko lang nasisiguro kung mayroon ba rito sa Pilipinas.

Pinatay ni Valerio ang ilaw sa sala at iniwang bukas lang ang sa may kusina. Baka rin makatulong para mas kumalma si Azi dahil mas naging cozy ang silid.

Bumalik si Valerio sa couch at inabot niya ang tubig kay Azariah. Bumuntong-hininga siya at hinaplos ang buhok ng kapatid.

"Olesia," he called. "Anong... sinasabi mong Mama and... Diego's grave?"

"W-Wala 'yon." Napapikit ako at yumuko.

Humawak sa kamay ko si Azariah kaya tiningnan ko siya. Nilingon niya si Valerio, "n-namatay ang Mama ni Olesia dahil sa brain hemorrhage." Binalingan niya ako, "si... si Diego? P-Patay na rin ba siya?"

Hinawakan ko nang mabuti ang kamay ni Azariah at ipinagsalikop ang mga daliri namin. "I-I said that b-because-"

Nakarinig ako ng ingay sa labas ng bahay. It was faint but I heard them speaking in a different language.

"Shh..." sabi ko sa kanilang dalawa at dahan-dahang dumungaw sa bintana.

May binulong pa si Valerio kay Azariah bago ko maramdaman ang presensiya ni Valerio sa gilid ko, na tulad ko ay nakayukong nakadungaw lang din.

"Spia tutte le case! (Spy all the houses!)"

"They aren't speaking in Spanish," mahinang sabi ni Valerio. "I don't know what language is that."

Tumango ako. "Italian."

"Domani al tramonto dobbiamo riportare viva Lady Olesia da Boss David! (We have to bring Lady Olesia back to Boss David at sundown tomorrow alive!)"

"Lady Olesia?" bumaling sa akin si Valerio.

"L'ordine del capo è di uccidere coloro che si frappongono! (The Boss' order is to kill those who get in the way!)"

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon