Chapter 45

332 2 0
                                    

CHAPTER 45


Alas sais nang makauwi kami. Tulad ng sinabi ni Valerio, sa bahay na rin namin siya titira... kahit katapat lang din noon ang tinutuluyan niya rito.

While I cook our dinner, sinama ni Valerio si Vio sa katapat na bahay para ipakita sa anak kung saan siya tumutuloy noong mga panahong hindi pa namin alam na buhay siya.

Habang hinihintay na maluto ang ulam namin, tumunog yung phone ko na nasa counter. I checked it and it is an unknown number. Saktong narinig ko yung boses ni Vio at paglingon ka sa pinto, nakasakay siya sa balikat ni Valerio.

The call ended and I looked at my phone again. Kinumpara ko yung number na tumawag sa akin sa burner phone number noong nakaraan.

"Baby?" Valerio's arm wrapped around my waist.

"Um... may... tumatawag sa akin. Noong meeting, yung inaabot sa akin ni Vio, I had it traced by Jorge and it was from a burner phone... in the Philippines."

"May I see your phone recents?" He asked with furrowed brows.

Agad akong pumunta roon at pinakita sa kanya ang tumawag at pati yung caller noong nakaraan.

My phone rang again and it was the same number as earlier.

Valerio chuckled, "Answer it."

Shouldn't he be tracing this call now? Pero...

I clicked the green button and put it on loudspeaker.

"Finally! Oli!"

My eyes widened when I heard Azi's squeals. Narinig ko ulit ang mahinang tawa ni Valerio.

"Oh my gosh, I heard kuya's laugh! You're with him, Oli?"

Tumikhim ako, "A-Azi..."

"I miss you, Oli! How are you? How's my pamangkin slash inaanak?"

My lips trembled and my heart warmed because of her voice laced in excitement. Sinulyapan ko si Valerio at nakangisi siyang pinunasan ang luha ko.

"Hello?"

Tumikhim ulit ako, "W-We're fine... Azi. I-I miss you."

"Daddy..." dinig kong mahinang tawag ni Vio.

Pansamantalang nawala ang kamay ni Valerio sa akin at nakita ko na lang na inupo niya si Vio sa counter. Nang makita ni Vio na may katawagan ako, napatikom siya ng bibig.

"Vio, say hi to your Ninang Azi," ngumiti si Valerio sa kanya.

"Your... sister, daddy?"

"Oh my gosh! Hi, Vio!" Then the call turned into a video call. "Pakita naman ng pamangkin ko, please! Sa pictures ko lang siya nakikita, eh."

Unti-unti na akong napangiti at pinindot ang video bago ako tumabi kay Vio para kita kaming dalawa sa call.

"Oh my... kamukhang-kamukha talaga ni kuya noong bata pa siya! Hi, Vio! I'm your Ninang Azi!" Kumaway pa si Azariah.

"Hi, Ninang Azi!" Masayang bati ni Vio.

"Ang cute!" Tumili ulit si Azi at kamuntikan pang mahulog ang anak ko sa gulat, mabuti na lang at hawak siya ni Valerio.

I chuckled, "Nagulat ang anak namin sa'yo, Azi."

"Ay, sorry, sorry..." pero agad na bumalik ang malapad niyang ngiti, "...dati, iniiyakan lang kayong mag-ina ni kuya, ngayon, magkasama na kayong tatlo!"

Sinulyapan ko si Valerio na nakataas ang kilay sa akin. "Simula nang mawala ka sa paningin ko noong gabing 'yon, nangungulila na agad ako sa'yo. Nang malaman ko rin kay Azariah na buntis ka, mas lalo akong naging sabik."

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon