CHAPTER 6
"Nililigawan ka ni Sir Valerio?!" halos mag-hysteria na si Lenny sa gulat nang lumapit siya pagkapasok ni Valerio ng elevator.
Si Rex at Tessa ay lumapit sa akin. Si Edrix, nanatiling nakaupo sa silya niya, parang naiilang na lapitan ako. Ang mga ibang nandito ay bumalik na sa kanya-kanyang trabaho pero halatang nakikinig pa rin.
Inusog ko ang bulaklak para mas malawak ang magagamit kong lamesa.
"He's just bluffing. Nang-aasar lang 'yon!" kunot ang noo kong binuksan ang computer ko.
"Nang-aasar pero may bulaklak?" Si Rex, tinuro pa ang bulaklak na nasa lamesa ko.
"Uh, pang-aasar na may props?" patanong kong sagot.
"Hindi kaya ganyan manligaw si Sir Valerio! Ang tagal ko na rito at alam ko ang galawan ni Sir Valerio sa mga babae!" Si Tessa na nakapamaywang ang isang kamay.
Ngumisi ako, naiirita sa naisip, pero alam ko namang ito ang totoo. "Paano ba manligaw si Valerio? Hubad agad?"
Tumawa si Rex, bilang kumpirmasyon sa tanong ko.
Umiling ako at kinumpas ang kamay ko na parang pinapalayo na sila. "Magtrabaho na tayo. Huwag niyo nang isipin itong kalokohan ni Valerio."
Bumalik na si Rex at Lenny sa lamesa nila pero si Tessa, nanatili lang sa tabi ko. Sinulyapan ko siya matapos kong i-input ang password ng computer.
"E, may gusto ka ba kay Sir?" she asked.
"Ako? Magkakagusto sa aroganteng manyakis na 'yon? No way! Magpapabaril na lang ako kaysa magustuhan ko siya!"
Ngumuso si Tessa, "bakit hindi? Gwapo naman siya, mayaman, makisig, at saka may ari ng maraming kompanya."
Napataas ang kilay ko. I'm quadruple of how rich the Bustamantes are. Illegal man ang iba, pero marami rin kaming kompanya. At gwapo? Makisig? Ganoon din naman si Nikolas. Kung bakit hindi ko siya pinapatulan ay unang-una, gusto ko pang i-enjoy ang unmarried life ko at pangalawa, kung pakakasal ako sa kanya ay ibig sabihin, habambuhay akong makukulong sa mafia. Huwag na lang. Tatanda na lang akong dalaga at puro aso at pusa ang gagawin kong anak.
Ayaw ko rin namang magkaroon ng asawa o boyfriend na hindi aprubado ni Papa. Ayaw kong dumanak na naman ang dugo ng kung sino man sa sahig nang dahil sa akin.
"Hindi ko kailangan ng mga ganoon at hindi ko siya kailangan sa buhay ko." Malamig kong sabi at nagsimula nang gumawa ng trabaho.
Bumalik na rin si Tessa sa kanyang lamesa. Bumuntong-hininga ako nang masulyapan ko ang mga bulaklak sa gilid. Sinamaan ko iyon ng tingin na parang ang laki ng kasalanan noon sa akin.
Binalik ko ang tingin sa monitor pero tumunog ang cellphone ko sa bag. Kunot ang noong tiningnan ko iyon. Walang may ibang alam ng number ko kundi ang apat kong kaibigan dito sa accounting department at si Azariah.
Unknown number:
It's Valerio. I got your number from the HR.Nagtiim-bagang ako nang mabasa ko ang pangalan niya.
Unknown number:
Kung gusto mo ng kape, just tell me. Bibigyan pa kita ng sarili mong coffee shop.Umirap ako at nagtipa ng ire-reply ko sa mayabang na Valerio.
Ako:
Kaya kong timplahan ang sarili ko at kaya ko ring magpatayo ng coffee shop at magkaroon ng maraming branches worldwide.I added his number to my contacts and saved it as 'Manyak Bustamante'. Itinabi ko ang cellphone ko at ipinagpatuloy ang pag-encode sa computer. Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na iyon pinansin dahil alam kong si Manyak Bustamante pa rin iyon.
BINABASA MO ANG
The Only Escape (Isla Julieta Series #4)
Ficción GeneralAt the crossroads of fate and rebellion stands Olesia Andrea Marchetti, daughter of a notorious and ruthless mafia boss. Groomed from birth to be the underboss and the next-in-line for her father's empire, Olesia can only ascend to the throne once s...