Chapter 32

394 4 0
                                    

CHAPTER 32




"Kuya..." bati ni Azi pagkapasok namin ng kwarto.

"Fuck! Kagulat naman kayo!" Muntikan pang matapon ni Valerio ang baso ng kapeng hawak.

Naningkit ang mga mata ko nang pasadahan ko siya ng tingin. I gritted my teeth when I saw the few buttons of his long sleeves unbuttoned. Hindi naman ganyan kanina.

Pasalampak akong umupo sa couch habang nakikipagtitigan kay Valerio. Noong una ay nakangiti pa siya pero ngayon ay sumeryoso ang mukha niya. Siguro sa paraan ng pagkakatingin ko sa kanya.

Pero ano bang pino-problema ko? We kissed twice. Our quick lip kisses do not count. Sinabi niyang mahal niya ako. Inamin ko sa sarili kong mahal ko rin siya. Pero hindi naman kami. I'm not his girlfriend!

His lies? Alam ko naman na 'yon dati, e. I know he's a lying piece of shit.

Kasalanan ko pala, e. Pinili kong paniwalaan ang mga sinabi niya kaysa paniwalaan ang mga nakita ko. Who's the biggest dimwit now? Ako!

"Baby? I'll make this fast. Give me a few minutes." Tipid akong nginitian ni Valerio at binaba na ang tingin sa mga papel bago sunud-sunod na pumirma... without even reading the content.

I was like him, though. Pikit-mata kong pinirmahan–sinelyuhan ang nararamdaman ko.

Azi sat beside me. Humawak siya sa kamay ko kaya binalingan ko siya. "You okay?" She mouthed.

Nagkibit-balikat lang ako at nilabas ang cellphone ko. Paulit-ulit kong binasa ang messages namin ni Jorge. How I'm so determined to bring down papa just so I can be freed from his ways, most especially being married to someone else. But now, I'm double thinking my decisions.

Is Valerio worth all of this?

Pilit kong sinisigaw na hindi. Hindi worth it ang sinungaling katulad niya. Ang manloloko tulad niya. Of course, he's a playboy. Kaya niyang daanin sa salita ang isang babae. And the stupid me believed in his lies.

But in the back of my mind there's still hope. That no, Valerio isn't what he was before. He's changed. Just like what he fucking says!

Pero nang magkaroon muli kami ng interaksyon ni Jane kanina... ang paniniwala kong totoong nagbago na si Valerio ay gumunaw. Why would she avoid me and looked so nervous when she saw me if there's nothing going on between her and Valerio? The whole company probably knows that Valerio's into me even before we went to Isla Julieta. That includes her!

The way she avoided me seems like she's guilty of something.

Of what? Fucking her boss in his office when she knew about my existence?

I looked at Valerio again, nagmamadaling pumirma. You're one of the biggest assholes I've ever met. Parehas lang kayo ni papa, sa ibang paraan lang. 

Inabala na lang ako ni Azariah sa mga kwento niya habang busy pa si Valerio sa mga papeles. Pasok sa kaliwa, labas sa kanan ang mga sinasabi niya. Halos hindi ko maintindihan dahil mas nangunguna ang pagpapakalma ko sa sarili ko.

I'm a fucking Marchetti. I was able to put my father behind the bars. Tapos maloloko lang ako ng isang lalaki?

Now I know why papa taught me to be heartless. Because being vulnerable means I'm susceptible to being befooled.

Nag-angat ako ng tingin kay Valerio nang tumayo na siya. Nagmamadali rin siyang mag-ayos ng lamesa niya at pasulyap-sulyap sa akin. Nang tumayo na si Azariah ay tumayo na rin ako. She hugged me tight.

"Ang tagal na naman nating hindi magkikita."

I chuckled, "If the plan succeeds, araw-araw na ulit," I whispered.

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon