Chapter 10

344 8 0
                                    

CHAPTER 10





How many days has it been? Parang wala na rin akong sense of time dahil bawat paglipas ng segundo, hinihintay ko lang din ang pagbabalik ni Valerio. Sumasabay na ulit ako kay Azi na kumain ng pananghalian, na bawat pagbukas ko ng pinto ay hinihiling kong bubungad si Valerio na nakangisi at kung tingnan ako ay nababalutan ng kapilyuhan. O 'di kaya ay kapag gigising ako sa umaga, pang-aasar agad ang bubungad sa akin.

Pero birthday ko na at wala pa siya. Wala ring texts or tawag. Ang sabi ni Azariah, bumalik siyang Las Vegas para i-manage ang nightclub na pagmamay ari nila roon. Then just last night, he was in Isla Julieta. Wala naman daw sinabi kung kailan siya babalik dito sa bahay.

Parehas kami ni Azariah na hindi pumasok ngayong araw dahil bukod sa birthday leave ko, gusto niya ring samahan ako. I wore my disguise, just shades and a cap.

Nag-suggest si Azi na magsalon kami para sa makeover ko raw at siya naman ay magpapa-trim ng buhok. Habang inaayusan kami, I just keep glancing on my phone, waiting for a happy birthday message from someone.

Hindi ko maipagkakaila na miss na miss ko na siya. Siya kaya, mas na-miss niya ba ako o itong pag-alis niya ay umpisa ng pagkalimot niya sa akin?

Halos abutin kami ng tatlong oras ni Azariah sa salon dahil bukod sa buhok, nagpa-facial at mani-pedi pa kami.

My hair is still the same length, naging layered na lang siya ngayon, then blended balayage. May curtain bangs na rin ako na hindi ko inakalang babagay din pala sa akin. Si Azariah lang ang nag-suggest nito sa mag-aayos ng buhok ko at dahil fashionista naman ang best friend ko, pinagkatiwala ko na sa kanya ang desisyon sa buhok ko.

Then for my nails, maroon lang iyon at pinabawas ko nang kaunti ang kuko ko. For my toenails, white ang pinili kong kulay. Kay Azariah naman ay baliktad. Sa kuko niya sa kamay ay puti at sa paa ay maroon.

Pagkatapos ay dumaan lang din kami sa grocery dahil may mga kulang pa siyang ingredients para sa lulutuin niyang spaghetti ala Azariah.

Of all the problems I had the past month, that made me smile.

Pero bukod sa hindi pa rin bumabalik si Valerio, today marks the day when I should be marrying Nikolas. Ito rin ang araw na ako na ang magpapatakbo ng negosyo ni Papa sa Espanya. Ngayon, nasisigurado kong alam na ni Papa na tumakas ako.

I wonder, what happened to Nikolas? I don't love him but I still care for him. Dahil sa akin, baka mapahamak siya. He was the one who asked permission from Papa if I could go back to the Philippines and to experience freedom before we get married, pero siya pa itong tinakasan ko. Nagmamagandang-loob na nga lang 'yong tao, ipapahamak ko pa.

"Here's your spaghetti!" Masayang sabi ni Azariah nang ilapag niya ang spaghetti sa gitna ng lamesa.

Agad akong napangiti nang maamoy ko iyon. Nilagay na rin niya sa hapag ang chicken lollipops na prinito niya. Ako naman ay nilabas ang isang bote ng softdrink pati ang dalawang baso para sa amin. Muntikan ko pang tatluhin iyon pero naalala kong dalawa na nga lang pala kami ulit ngayon.

"Happy birthday, best friend! Ilang taon na lang, mawawala na sa kalendaryo ang edad mo..."

Umirap ako, "huwag mong ipaalala sa akin iyon. I'd rather stay twenty-five my whole life."

Naupo na kaming dalawa at dahil daw birthday ko, ituturing niya akong prinsesa, kaya siya ang naglagay ng spaghetti at manok sa plato ko. Ngumuso ako habang pinapanood siyang ginagawa iyon. Hinintay ko na matapos din siyang maglagay sa plato niya at sabay kaming kumain.

My phone is just beside my plate. Baka lang naman may biglang bumati.

After I took a bite of the chicken, umilaw ang phone ko at agad kong tiningnan iyon.

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon