Chapter 26

318 1 0
                                    

CHAPTER 26





Patalikod na humahakbang si Valerio habang hawak ang kamay kong hinihila ako paakyat sa bahay. Kagat niya ang ibabang labi nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.

"Hey! Look up! Nasa dibdib ko na naman ang tingin, e!"

"Baby, I'm not looking at your boobs. I'm looking at your tattoo." He laughed boisterously and stopped walking.

Hinawi niya ang buhok ko palikod sa akin at humakbang pa palapit, tinititigan pa rin ang dibdib ko.

I looked down on my chest. My dress has a plunging v-neckline, covering half of my breasts, exposing the other half. Kaya kitang-kita rin ang kabuuhan ng aking rose tattoo.

"The tattoo is in between my boobs, Valerio!" Binawi ko sa kanya ang kamay ko at mas natawa siya nang dahil sa pagkabusangot ko.

"Hey..." he chuckled again, "...I'm not focusing on your boobs. Just your tattoo." Nakangising kinagat ang ibabang labi at halos bumaon na ang ngipin niya roon sa riin ng pagkaka-kagat.

"Tss..."

Inunahan ko na siya sa paglalakad pero hiniklat niya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"We're about to have dinner. You sure you're going to sit with the men wearing that?" Nagtaas siya ng kilay, nag-isang guhit na ang labi, at nakatitig pa rin sa... fine, tattoo.

"Do you have a problem with my dress?" My eyes narrowed at him, but my lips can't help to protrude, trying to suppress a smile.

"I'm uncomfortable with you, facing our men here wearing that. But if you feel confident then, it shouldn't be a problem. You just look so damn gorgeous and sexy in those. I'm sorry for overreacting, baby." Nagpakawala siya ng hininga at tinaas ang mga mata sa akin bago ngumiti.

"Halika na, para makapagbihis pa ako."

Nang unahan ko na ulit siyang maglakad ay nahulog ang kamay niya, humahaplos sa braso ko, pababa sa palad ko at hinawakan niya iyon nang mabuti. I gripped on his hand too, as we walked back to the house.

Binabati kami ng mga tauhang nakakasalubong namin habang paakyat. Sa may pinakataas na baitang ng hagdan, naroon sila Jom at Caloy. Caloy nudged Jom's shoulder, discreetly pointing at Valerio and I using his lips.

Parehas silang nangingiti habang pinapanood kaming umakyat. Wala namang kibo ang katabi ko at ako'y nakanguso lang dahil sa tingin nila sa aming dalawa.

"Ayos na po kayo, Sir?" Lakas-loob na tanong ni Jom, hindi talaga maitago ang ngiti.

Nakatikom ang bibig na inangat ko kay Valerio ang tingin at nakasilay sa kanya ang mayabang niyang ngisi. "Very much okay."

Sumipol si Caloy at humalakhak naman si Jom. Nang malagpasan na namin sila ay lumingon ako sa kanila para pandilatan sila ng mga mata. Itong walang hiyang Caloy ay gumawa pa ng okay sign, tatlong daliri ang nakataas at may bilog na ginawa ang kanyang hinlalaki at hintuturo, at ang isang kamay naman ay gamit ang hintuturo'y sinusundot iyong bilog. 

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at iniwas ang tingin. 

Kahit noong hindi kami maayos ni Valerio, silang dalawa kasama si Brando ang namumuno sa pang-aasar sa akin, kesyo magpansinan na raw kami ni Valerio dahil miss na miss niya na ako, at kung ano pa. Ngayong nakita kaming magkahawak-kamay, natitiyak kong mas malakas na kantiyawan ang babalot sa bahay na ito, lalo na kung wala ulit siya at kami-kami na naman ang matitira dito.

Hinatid ako ni Valerio sa pinto ng kwarto ko at sumandal siya sa tabi noon, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko at pinasadahan muli ng tingin ang katawan ko.

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon