Chapter 47

289 1 0
                                    

CHAPTER 47


Habang naglalakad kami sa Gran Via, nakaupo si Vio sa balikat ni Valerio at nagsu-superman superman siya roon, habang hawak ni Valerio ang kamay ko. Si Vio na yung pinapili namin kung saan niya gustong kumain at ang napili niya ay sa isang Italian restaurant dahil gusto raw niya ng pasta.

"Daddy, mommy said you're good at cooking?"

"I think so, bud," Valerio chuckled. "What does mommy say about the dishes I cooked for her before?"

"She said the food was yummy! Daddy, do you know how to cook pasta?"

"Yup! Why? Do you want to eat pasta again for dinner?"

Tumango si Vio na may malapad na ngiti. "Please, daddy!"

"Alright, daddy will cook your pasta later. We'll go to the grocery before heading home to buy the ingredients for your pasta, 'kay?"

"Thank you, daddy! I love you!" Tinulak ni Vio ang sarili niya para makatayo sa upuan at kumandong sa daddy niya bago yumakap.

Kalaunan, nakakandong na si Vio kay Valerio at kami na ang magkatabi. Ewan ko ba rito kay Vio, gusto niya na raw maging independent kahit tatlong taong gulang pa lang siya kaya sinisikap niyang gawin lahat nang mag-isa pero sinasabihan din niya ako o ang yaya niya na bantayan pa rin daw siya kasi baby pa siya. Pero ito, nagpapasubo sa daddy niya.

And Valerio likes it, too. Kaya habang sinusubuan niya si Vio, ako naman ang nagsusubo sa kanya.

While waiting for the bill, katabi na ni Vio ang yaya niya at nanonood na sa iPad.

Humiling sa akin si Valerio para bumulong, "Mamaya, ikaw naman ang susubuan ko."

'Yong pakiramdam na tumama sa leeg ko yung hininga ni Valerio, napalunok na ako. Pero dahil sa sinabi niya, nasamid ako sa sarili kong laway. Agad na kumuha ng tubig si Valerio at pigil ang tawang inabot sa akin 'yon habang hinahaplos ang likod ko.

"Mommy, are you okay?" Vio asked.

"Yes, mijo," sagot ko nang maka-recover na ako.

"Baby, wala pa man din, nabibilaukan ka na."

Sinamaan ko naman ng tingin si Valerio na malapad ang ngisi sa akin.

Pagkatapos kumain, pinagshopping din namin si Vio. Lalo na si Valerio, maraming gustong bilhin para sa anak. Laruan man yan, damit, o sapatos, lahat ng pinipili ni Valerio ay gusto ni Vio. Mayroon pa kaming biniling damit na parehas kaming tatlo—outside clothes and pajamas.

Then after shopping, we watched a cinema. Tatlong upuan lang ang kinuha namin, para sa akin, kay Valerio, at sa yaya, dahil nakakandong lang din naman si Vio. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan at nakasandal na ako kay Valerio at ginising na lang ako ng mag-ama nang matapos na yung pinapanood.

"Mommy, the movie is so good!" Masayang sabi ni Vio at habang namimili kami sa grocery, nagku-kuwento lang siya sa akin.

Vio's seated on the cart while Valerio pushes it. Ako naman ang kumukuha ng mga bibilhin namin. Bago ko mailagay ang noodles sa cart, napangiti pa ako nang makitang hawak ni Valerio ang phone niya at nakatapat kay Vio na nagsasalita.

"May I see, daddy?" Then Valerio showed Vio his phone.

Iniwan ko na sila roon at kumuha pa ng bibilhin sa same section lang din naman. Babalik na dapat ako para mailagay ko na yung mga kinuha ko nang makita kong hawak na ni Vio ang phone ni Valerio habang nagtutulak siya.

Nang mailagay ko na 'yon sa cart ay hinila ako ni Valerio at nagsimulang magtulak na ulit habang yapos niya ang baywang ko.

"I'm so happy," he whispered and kissed my cheek.

The Only Escape (Isla Julieta Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon