05:Grimoire

114 16 2
                                    

Kamusta ka, Rael?”

Isang tinig ang pumukaw sa kamalayan ng batang si Rael mula sa kadiliman. Binuksan niya ang kanyang mga mata subalit tanging kadiliman lamang ang kanyang nakikita.

“Rael.” muling tawag ng tinig sa kanya.

“Ang tinig na iyon...” bulong ni Rael sa kanyang sarili. Pamilyar sa kanya ang tinig na tumatawag ngunit hindi niya maalala kung saan niya narinig ang tinig na ito.

“Alam mo ba kung ano ang nangyari sa iyo?” tanong ng tinig kay Rael.

Nangyari?’

Tila may isang pisi ng sinulid ang gumihit sa isipan ni Rael nang magtanong sa kanya ang tinig na ito. Mabilis na nanumbalik sa kanyang ala-ala ang mga pangyayari sa Dumphton at ang malagim na kapalaran na nangyari sa kanila kasama ang kanyang tiyo at ang pinsan na si Lupin.

‘Lupin,Tito Degape...’ kusang pumatak ang luha sa mga mata ni Rael sa pag-alala sa mga nangyari. Ninais niyang gumalaw subalit tila nakapako siya sa kanyang posisyon na hindi niya alam kung nakahiga o nakatayo. Sinubukan niyang tingnan ang kanyang katawan subalit tanging kadiliman lamang ang kanyang nakikita.

“Huwag mo nang isipin kung nasaan ka...” muling nagsalita ang kausap niyang tinig na tila pa tumatawa sa kung ano man ang sitwasyon na mayroon siya. “Ang una mong dapat na malaman ay namatay ka na.”

‘Patay na ako?’ tanging sambit na lamang ni Rael sa sarili.

“Pero huwag kang mag-alala sa gagawin kong ito ay makakabalik ka.” turan nito kay Rael. “Nais mo ba na makabalik sa mundo ng mga buhay?”

“P-Paano po?” sa pagtanong ni Rael sa kanyang kausap ay unti-unting nagliwanag ang kanyang paligid. Sa pagkakataong ito ay nakita na ng batang si Rael ang kanyang sarili na lumulutang at walang saplot ang buong katawan. “I-Ikaw?” gulat na sambit na lamang ni Rael nang makita niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na kumakausap sa kanya. Ang magandang bata na mayroong kahel na kulay ng buhok at nakatayo lamang ito ilang metro ang layo sa kanya.

“Huwag mo nang tangkaing itago ang iyong katawan. Pareho naman tayong lalake at wala akong interes sa katawan ng isang batang mortal.” nakangiting turan nito kay Rael dahil sinusubkang takpan ni Rael ang kanyang kahubaran. “Ngayon Rael, muli kitang tatanungin. Nais mo bang makabalik sa mundo ng mga buhay?”

“...” Katahimikan lamang ang naisagot ng batang si Rael sa tanong sa kanya sapagkat hindi pa tuluyang nakakahabol ang mura niyang kaisipan sa mga kaganapan na mabilis na nangyayari sa kanya. “S-Sino ka?” ito na lamang ang tanging salita na naisambit niya dahil sa kalitohan na nangyayari sa kanyang paligid.

Bahagyang tumawa ang kanyang kausap sa tinuran sa kanya ni Rael. “Ganoon ba kaimportante na kailangang malaman mo kung sino ako?” tanong nito kay Rael saka niya hinawi ang kanyang mahabang buhok bago muling magsalita. “Ako si Nathaniel. Isa akong Oracle.”

“N-Nathaniel... Oracle...” tulalang naisawika na lamang ni Rael.

“Makinig ka Rael. Muli kang babalik sa mundo ng mga buhay.” pagbabalik ni Nathaniel kay Rael sa kanilang usapan.

“B-Babalik ako? Paano?”

“Gamit ang aklat na ito.” mula sa palad ni Nathaniel ay lumabas ang aklat na siyang ipinamana ni Odin sa pamilyang Ambrose kung saan ang aklat na ito ang siyang pamana na makukuha ni Rael mula sa kanyang ama. Isang luma at misteryosong aklat na iisa lamang ang pahina. “Mula sa pinaghalong dugo ni Odin at ng kanyang tagapagmana...” isang pulang bola naman ang lumabas mula sa kanyang palad kung saan kitang-kita ang pagkamangha sa mata ng batang si Rael. “Sa ganitong paraan ay mabubuksan ang lihim ng aklat ni Odin. Ang grimoire...” pinaglapit ni Nathaniel ang aklat at ang pulang bola, ang pinaghalong dugo ni Rael at ang dugo ni Odin.

Grimoire: After LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon