Pinagmamasdang mabuti ni Rael ang ibinigay na kuwintas ng magus sa kanya sa loob ng kanyang silid. Naiwan na siyang mag-isa sa silid nang inakala ng kanyang tagapagbantay na natutulog na siya ngunit lingid sa kaalaman nito ay sinadya talaga niya na makaalis ang kanyang tagapagbantay upang masuri pa ang kuwintas.
Item: Magus Necklace
Material: Metal Unknown
: A tree with unknown symbols surrounding.Ito lamang nag impormasyon na naibigay ng kanyang Odin's eye habang pinagmamasdan ang kuwintas.
"Unknown symbols." usal ni Rael. "Anong klaseng simbolo ang mga ito?" tanong niya sa kanyang sarili. Ang mga salitang lumalabas sa pagsusuri ng Odin's eye ay nakasulat sa ibang lengwahe, ang lumang wika na sinasabing dinadaluyan ng mana. Nagagawa itong maintindihan ni Rael sa tulong ng Athena's Mind. Hindi man siya bihasa sa wikang ito ay alam niyang ito rin ang wikang ginamit na engkantasyon ng mga bandido sa Dumpthon.
Ting!
'Hindi sapat ang mga impormasyon upang pagbatayan sa pagsusuri.'
Sagot ni Athena sa tanong ni Rael."Ugh, paano ba maiintindihan ang simbolong ito?" wala sa loob na tanong ni Rael.
Ting!
'Ang pag aralan ang iba't-ibang wika ang paraan upang malaman ang kahulugan ng mga simbolo sa kuwintas.'Aklat. Ito lang ang alam ni Rael na makakatulong sa kanya upang malaman ang ibig sabihin ng mga simbolo na nasa kuwintas.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang sandaling ipahinga ang pag-iisip sa mga bagay na bumabagabag sa kanya ngunit sa ganitong mga pagkakataon naman lalo na sa kanyang pag-iisa ay madalas na bumabalik sa kanyang alaala ang kanyang pamilya sa Dumpthon, subalit naisin man niya na malaman ang kanilang kalagayan ay wala siyang magagawa ngayon. Sa ngayon ang kanyang layunin ay ang palakasin ang kanyang sarili at maging isang magus at makapag-aral sa Yggdrasil.
"Sa tamang panahon, babalikan ko kayo, Mama, Papa." tanging wika ni Rael nang muli niyang ipikit ang kanyang mata.
Kinabukasan ay hiniling ni Rael sa kanyang tagapag-alaga na dalhin siya nito sa silid aklatan.
"Bakit gusto mong pumunta sa aklatan?" takang tanong Fellid sa kapatid habang naglalakad sila sa pasilyo. Karga ng tagapag-alaga nito si Rael na dapat sana ay dadalawin niya ngunit nasalubong niya ito na patungo sa aklatan.
"Mag-aral. Ako. Ibang. Wika." sagot ni Rael sa kuya.
"Para saan?" hindi makapaniwalang tanong ni Fellid.
"Matuto." maikling sagot lamang ni Rael. Nagdesisyon na lamang na sumama si Fellid sa kapatid sa pagbabakasakaling mayroon din siyang matutunan sa pagsama sa kanya. Alam niyang espesyal si Rael kumpara sa kanya kung kaya mas mainam na sumama siya rito upang may matutunan mula sa kapatid.
Sa pagbukas ng pinto ng aklatan ay sumalubong sa dalawang prinsipe nag isang matandang tagapagbantay nito at nagbigay galang.
"Kamahalan." bati ng matandang tagapagbantay habang karga naman si Rael ng tagapag-alaga nito.
"Anong babasahin mo?" tanong ni Fellid habang naglalakad na sila patungo sa isang mesa. Hindi kaagad sinagot ni Rael ang kanynag kuya sapagkat patuloy pa rin na pinagmamasdan nito ang kabuoan ng aklatan. Mayroong dalawang palapag ang aklatan at ang estante ng mga aklat ay halos umabot na sa kisame ng unang palapag ng silid habang ang kisame na nasa gitnang bahagi ng silid naman nito ay yari sa salamin kung saan pumapasok ang natural na liwanag mula sa araw. Bagama't dalawang palapag ang silid aklatan ay hindi naman kasing luwag ng unang palapg ang ikalawang palapag nito sapagkat paikot lamang ang disenyo nito kung saan masisilip mula sa itaas ang gitnang bahagi ng ikalawang palapag.
BINABASA MO ANG
Grimoire: After Legends
FantasíaIsang taksil sa kaharian ng Alvarez, ito ang pagkakakilala sa ninuno ni Rael na si Odin at sa buong pamilya ng Ambrose. Ngunit sa kabila ng lahat ng hindi magandang pagkilala sa kanila at mahirap na pamumuhay na sinapit nila dahil sa ginawa ng kanil...