06: Rebirth

115 15 0
                                    

“Anong?!” takang sambit ni Rael sa kanyang nakikita. “Ano 'tong nakikita ko?”

Ting!

Ang iyong nakikita ay ang kapangyarihan ng Odin's Eye. Ang alamin at obserbahan ang lahat ng mga bagay na nakikita ng iyong mga mata.’

Isang tinig ng babae mula sa isipan ni Rael ang sumagot sa tanong niya.

‘Ang tinig ko naman na iyong naririnig ay mula naman sa kapangyarihan ng Athena's Mind. Ako ang nagpoproseso ng iyong mga katanungan, nag-iimbak ng mga impormasyon na iyong nakikita mula sa Odin's Eye.’

Hindi pa man isinasatinig ni Rael ang kanyang sasabihin ay sinagot na siya ng tinig. Samantala ang lahat ng kaganapan na nagyayari kay Rael at maging ang mga kilos na ginagawa naman ni Nathaniel ay kasalukuyang nagaganap lamang ng ilang segundo. Lingid sa kaalaman ni Nathaniel ang lahat ng nangyayaring pag-uusap sa isipan ni Rael ng Athena's Mind at maging ang pag obserba sa kanya ng Odin's Eye.

‘Kasalukuyang itinatala ang mga impormasyon upang magamit sa mga susunod na panahon’ wika nito at wala nanh nagawa pa si Rael kundi ang manood sa ginagawa ni Nathaniel.

Sa murang edad ni Rael ay hindi pa niya tuluyang nababatid ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Isang malaking tulong ang magagawa ng Odin's eye at Athena's mind para sa kanya upang magamit ang mga impormasyon na mayroon siy. Ngunit sa kasalakuyan, ito nga ay hindi pa naiisip ng batang si Rael.

“Tandaan mo ang sasabihin ko sa'yo Rael.” wika ni Nathaniel habang inihahanda ang spell na gagamitin para sa kausap. “Una, muli kang mabubuhay pero huwag kang magsaya dahil hindi ka na makakabalik pa sa iyong kinagisnang pamilya. Si Rael Ambrose ay patay na. Nasawi siya sa pagsalakay ng mga bandido sa bayan ng Dumphton.”

Tumango lamang si Rael sa tinuran ni Nathaniel at kataka-takang nakikita ni Nathaniel ang kalmadong ekspresyon sa mukha nito na tila ba nag-iba na ang batang Rael kanina sa batang Rael na kausap niya ngayon. Hindi na ito masyadong pinansin pa ni Nathaniel at sa halip ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagpapaliwanag.

“Ikalawa. Mabubuhay kang muli ngunit sa pamamagitan ng muling pagsilang sa iyo. Ang iyong kaluluwa ay lilipat sa isang katawan  at mula roon ay magpapatuloy ka na mamuhay bilang isang bagong tao.” muling inobserbahan ni Nathaniel ang magiging ekspresyon ni Rael ngunit hindi niya pa rin ito nakikitaan ng kahit anong pagkabigla na tila ba kalmado pa ang batang kausap niya.

“Ikatlo. Ang mga ala-ala mo sa lugar na ito at ang paghaharap ni Odin at ang lahat ng impormasyon na nakuha mo patungkol sa Age of Origin ay buburahin ko.” nakangiting turan ni Nathaniel. “Wala sa kontrata namin ni Odin na hayaang makalabas ang ganoong kaimportanteng impormasyon at ang tungkol sa laht ng ito. Ang lahat ng ito ay dapat lamang maging isang sikreto. Ang aming pinag usapan ay ang buhayin kang muli matapos niyang maibigay ang iyong pamana.” alam ni Nathaniel na walang magagawa si Rael sa kung ano man ang kanyang sabihin at maging si Odin kung ito man ang kanyang gawin. Hindi ito kasama sa kanilang usapan sa pagitan nilang dalawa. Ang Age of Origin ay isang lihim na dapat itago na dapat pangalagaan ng kanilang lahi.

“Ikaapat. Ang iyong ala-ala bilang si Rael Ambrose ay mawawala bilang epekto ng Soul Reincarnation Spell.”

Sa pagsasabi nito ni Nathaniel ay pumaikot na ang mga kakaibang mga titik sa batang si Rael. Unti-unti ay binabalot na siya ng liwanag na mula sa mga titik na umiikot at tila pumupulupot sa kanya hanggang ilang sandali pa ay tuluyan na siyang binalot ng liwanag.

“Paalam Rael Ambrose.” turan ni Nathaniel. Naging isnag bola ng liwanag na lamang si Rael na mayroong mga simbolo at mga titik na umiikot sa kanya at lumutang na ito paitaas. Kasunod nito ay iniunat ni Nathaniel ang kanyang palad para sa panghuli niyang salamangka. Ang pagbura sa ala-ala ni Rael patungkol sa kung Age of Origin. Isang kulay gintong liwanag ang pinakawalan ni Nathaniel ang bumalot kay Rael at ilang sandali pa ay tuluyan nang lumipad palayo ang bola ng liwanag na siyang kaluluwa ni Rael.

Grimoire: After LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon