15: Symbols Unlocked

111 10 1
                                    

Paanong magagawa ng isang dalawang taong gulang na bata ang palakasin ang kanyang pisikal na pangangatawan kung ang sarili nga nito ay limitado sa paggalaw sa buong araw. Kinakailangan pa niya na kargahin ni Mako upang makarating sa leksyon niya kay magus Reignmar at sa silid aklatan naman pagkatapos ng leksyon sa kanya.

Nagpatuloy pa ang ilang araw na normal niyang gawain kasama si Fellid ngunit sa pagkakataong ito naman ay hindi na siya pumupunta sa silid aklatan at iniiwasan ang sarili na magbasa ng mga aklat.

"Anong problema, bakit hindi ka na pumupunta sa silid aklatan katulad ng dati mong ginagawa?" pansin ni Fellid habang naglalakad ang dalawa sa pasilyo ng palasyo at patungo sa labas ng palasyo.

"Pala.maiba naman." maikling sagot ni Rael sa kapatid. Habang karga ni Mako si Rael ay patuloy naman ang pag scan niya sa paligid upang magawan ng mapa ang palasyo sa kanyang isipan gamit ang Odin's eye at mailagay sa Athena's mind. Mga simpleng bagay na maaaring makatulong sa kanya sa hinaharap. Kung sa sariling ideya lamang ni Rael ay hindi niya ito magagawang maisip, subalit dahil sa tulong ng Athena's mind na siyang nag-isip ng mga posibleng bagay na may maitutulong sa kanya sa hinaharap ay ito ang ibinigay na suhestyon sa kanya.

----------------------------------------------------

Samantala, sa silid aklatan naman kung saan naroon mag-isa ang tagapagbantay nito ay may isang pumasok na hindi niya inaasahang bisita.

"Kamahalan." magalang na pagbati nito sa kanyang harapan. Binisita ni haring Sebastian ang silid aklatan sapagkat nalaman nito mula sa reyna na nahihilig ang kanyang anak sa mga aklat.

"Kamusta ang pagpunta rito ni Rael?" tanong nito sa tagapagbantay.

"Nitong mga nakaraang araw ay hindi na po napupunta rito ang mahal na prinsipe." sagot nito sa kanya.

Inilibot ni haring Sebastian ang mata sa paligid ng aklatan bago ito muling magtanong sa tagapagbantay. "Nakarating na ba siya sa ikalawang palapag?"

"Hindi po kamahalan, subalit kung magpapatuloy pa siya sa pagbabasa ay hindi malayong subukan niyang magbasa sa ikalawang palapag ng aklatan."

Marahan na naglakad si haring Sebastian patungo sa hagdan ng ikalawang palapag subalit tumigil siya nang nasa tapat na niya ang unang baitang ng hagdan at mula sa kanyang kinatatayuan ay ngumiti siya habang pinagmamasdan ang daan paakyat. "Bigyan mo ng pahintulot si Ariel na makarating sa itaas. Siya lang ang maaaring makaakyat sa ikalawang palapag at wala nang iba." wika nito habang nakasunod sa kanya ang matandang tagapagbantay ng silid.

"Paano po si prinsipe Fellid kamahalan, madalas pong magkasama ang dalawang prinsipe sa tuwing tumutungo sila rito." tanong nito sa hari.

"Kahit pahintulutan ko si Fellid ay hindi niya kayang makaakyat sa itaas." sagot nito saka naglakad na palabas ng aklatan.

Naiwang mag-isa ang matandang tagapagbantay ng silid aklatan ngunit puno ng pagtataka ang kanyang mukha sa tinuran ng hari.

"Anong mayroon sa ikalawang palapag?" tanong nito habang naglalakad patungo sa kung saan naroon ang hagdan. Maraming ulit na siyang umaakyat sa ikalawang palapag subalit wala namang kakaiba mayroon doon. Sa dalang ng tao na tumutungo sa aklatan upang magbasa, wala naman iba pang nag iinteres na umakyat sa ikalawang palapag ng aklatan.

Sa huli, ipinagkibit balikat na lamang niya ang katanungan sa kanynag isipan at bumalik sa kanyang pwesto malapit sa pinto na siyang pasukan ng silid.

------------------------------------------------------

Paulit-ulit na hinahanapan ng paraan ni Rael ang sarili upang lumakas pa ang kanyang pangangatawang pisikal upang hindi maganap ang mana burst sa kanya kung sakaling bigla na lamang siyang makarating sa mana absorption stage nang hindi sinasadya. Pansamantala ay itinigil muna niya ang paggamit ng scan sa paligid upang maiwasan ang hindi sinasadyang pangangalap ng impormasyon. Matapos makumpleto niya ang paggawa ng mapa ng palasyo gamit nito ay nailagay na ito sa library na sinasabi ni Athena.

Grimoire: After LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon