"T-Tatlumpung porysento..." wika ni Magus Reignmar. Binalot ng katahimikan ang lahat ng mga tao na naroon sa bulwagan matapos ihayag ng matandang magus ang porsyento ng potensyal ni Rael.
'Maganda na ba ang porsyentong iyon?' tanong ni Rael kay Athena.
Ting!
'Paumanhin subalit kulang pa ang impormasyon na nakalap upang maging batayan sa pagbibigay ng kasagutan.'"Kahanga-hanga ang mahal na prinsipe." bati ni Magus Reignmar na bumasag sa katahimikan.
"Ang tatlumpong porsyento ay maganda nang bilang mahal na hari.""Savanna, ilang porsyento ang na potensyal mo ngayon?" tanong ni Haring Sebastian sa anak.
"Apat na pung porsyento po kamahalan." magalang na sagot ni Savanna. Nakarinig ng bulong bulungan mula sa mga tao sa bulwagan kung kaya't kinailangan pang pahupain muna nang ilang saglit ang lahat bago muling nagsalita ang hari.
"Kung ganoon mas mataas ang potensyal na mayroon ka kumpara kay Ariel." wika nito na tila ba may panghihinayang sa kanyang tinig.
"Kamahalan, huwag po kayong malungkot." singit ni Magus Reignmar. "Si prinsipe Ariel ay nasa isang taon pa lamang. Sinukat natin si Savanna noon nang siya ay nasa pitong taong gulang at nasa dalawampung porsyento lamang noon ang kanyang potensyal. Ang potensyal ng isang bata habang lumalaki ay mas tumataas at mas nakikita sa pagdagdag ng kanilang edad. Kung kaya ang masasabi ko ay isang henyo pa rin na maituturing si prinsipe Ariel. Ang pagtaas ng potensyal nila ay hanggang sa pagtungtong nila ng ika labingtatlong taon at iyon ang mahalaga sa pagpasok nila sa Yggdrasil." paliwanag ng matandang magi na siya namang nagbigay linaw sa mga agam-agam ng mga miyembro ng konseho sa loob ng bulwagan. "Isa pa." dagdag ni Magus Reignmar na nakangiti at itinaas nito ang bola ng mana. "Pagmasdan po ninyo ang kulay ng bola ng mana."
Ang likido na nasa loob ng bola ng mana na kanina ay walang kulay ay napalitan na at kakikitaan ng tatlong kulay na tila pa mas nagbibigay ng kasabikan sa mga naroroon sa bulwagan.
"T-Tatlong kulay ang ibig sabihin..." manghang naibulalas ni Savanna.
"Tatlo." pagkamangha rin ang makikitang ekspresyon sa mukha ni haring Sebastian at si Reyna Brianna naman ay niyakap pa nang mahigpit si Rael.
"Berde. Asul. Dilaw." pagsisimula ni Magus Reignmar na maging siya ay halatang hindi maitago ang kasabikan sa nakita. "Ang mga kulay ay sumisimbolo sa bawat uri ng elementi na maaaring magamit nila at mas nababagay sa kanila na linangin pa. Pula ay ang apoy. Asul ay para sa tubig. Puti para sa hangin. Berde para sa lupa. Dilaw para sa liwanag at Itim para sa kadiliman. Kamahalan ang magkaroon ng tatlong elemento ay pagpapatunay na isang henyo ang inyong anak at malaki ang potensyal na maging matagumpay siya sa larangan ng salamangka. Bigyan po ninyo ako ng pagkakataon na turuan ko po ang ating prinsipe kamahalan." kaagad na lumuhod ang matandang magus sa harapan ng hari upang hingiin ang permiso nito na mapasailalim ng kanyang gabay ang batang prinsipe.
_____________________________________
Sa loob ng isang silid tahimik na nakatayo at walang imik ang isang taga silbi ng palasyo. Makikita sa kanyang paligid na magulo ang buong kwarto at may ilang mga tela ang napunit, mayroon ding mga basag na kagamitan at maging ang konkretong pader na mayroong disenyo ay tila nasira dahil sa mga bakad ng kalmot. Ang mga larawan ng reyna at ng hari na nakasabit ay nasa sahig at butas ang mga ito kasama ang mga basag na salamin ng bintana.
"Hindi." gigil na bulong ng batang si Aves, ang unang prinsipe ni Haring Sebastian. "Ako. Dapat. Espesyal. Hindi. Ariel!"nilingon niya ang taga silbing tahimik lang na nakatayo sa gilid ng silid at saka niya ito tinalon na ikinabagsak ng dalawa sa sahig.
"Ako. Dapat. Sikat!" nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakapatong siya sa ibabaw ng taga silbi. "Miranda. Ilan. Akin. Potensyal?"
BINABASA MO ANG
Grimoire: After Legends
خيال (فانتازيا)Isang taksil sa kaharian ng Alvarez, ito ang pagkakakilala sa ninuno ni Rael na si Odin at sa buong pamilya ng Ambrose. Ngunit sa kabila ng lahat ng hindi magandang pagkilala sa kanila at mahirap na pamumuhay na sinapit nila dahil sa ginawa ng kanil...