14: Mana Burst

139 13 0
                                    

Kasalukuyang nagbabasa sa silid aklatan si Rael at kasama rin niya si Mako at si Fellid. Katulad ng dati ay hindi pa nagtatagal na buksan ni Fellid ang aklat ay nakatulog na ito, habang si Mako naman ay pinipilit na manatiling gising habang binabasa ang mga aklat.

Hindi na masyado pang inalala ni Rael ang patungkol kay Mako bilang kanyang tagapag-alaga dahil sa nalaman niya mula sa kanyang inang reyna na mayroong tagapagbantay na iniatas para sa kanya. Hindi na rin niya binanggit ang patungkol kay Mako sapagkat maaaring ang sinasabing tagapagbantay niya na sinasabi ng ina ay si Mako.

Sa ngayon ang kailangan na lamang niyang gawin ay ang ituon ang kanyang atensyon na makalagpas sa mana awareness stage at makarating sa mana absorption stage. Maliban sa pagkuha ng impormasyon mula sa aklatan na ginagawa ng scan ay iniisip naman niya ang mga leksyon ni magus Reignmar sa kultibasyon ng mana.

‘Mana awareness, mana absorption, mana control, mana pool creation. Ito ang apat na mahalagang pundasyon ng kultibasyon ng mana para sa antas ng novice rank magus bago nila marating ang kasunod na antas na master rank.’

Ang novice rank ang pinakunang baitang na dapat maabot ng bawat nilalang na nais tahakin ang pagiging makapangyarihang magus.

‘Athena, mayroon pa bang mas mataas na antas sa master rank?’ tanong ni Rael sa kanyang isipan matapos niyang isara ang isang aklat at muling kumuha ng isa pa sa mesa at sinimulan ang pagscan.

Ting!

Ang antas ng pagiging isang magus ay nahahati sa maraming baitang. Sa pangangalap ng impormasyon, ang mga antas ay sinasabing umaabot sa lima ngunit mayroong nagsasabi na may mas higit pa umano sa limang antas ngunit hindi pa ito nakukumpirma hanggang ngayon dahil sa kakulangan ng mga natipongimpormasyon.’

‘Lima?’

Ting!

‘Ang limang antas sa daan ng pagiging magus ay ang novice, master, grandmaster, king at emperor. Ang bawat antas ay mayroong iba't-ibang katangian na nagtatakda ng lakas ng isang magus, subalit isang paalala ang dapat tandaan. Kapag masyadong marami ang mana na taglay ng isang nilalang ngunit hindi niya kayang kontrolin o mayroon itong mahinang katawan ay maaring magkaroon ng aksidente na tinatawag na mana burst. Kung saan  ay magkakaroon ng posibilidad na sumabog ang katawan ng isang nilalang dahil sa hindi nito kayang panghawakan ang mana na nakukuha.’

Hindi ko maintindihan...’ pabulong na tanong ni Rael kay Athena.

Ting!

‘Ang mana awareness ay nahahati sa limang antas kung saan sinasanay ang kamalayan na makaramdam ng mana. Ang unang antas ay ang maramdaman ang mana sa iyong sarili, ang ikalawang antas naman ay ang maramdaman at makita ang mana sa ibang tao, ang ikatlo naman ay ang makaramdam ng mana sa mga hayop at halimaw. Ang ikaapat ay maramdaman ang mana sa kalikasan at ang ikalima ay ang maramdaman ang mana sa mga bagay.’

Ang ikalimang antas ay ang antas ngayon ni Rael kung saan hindi niya sinasadyang magamit nang suriin nito ang kuwintas ng magus ng taga Yggdrasil.

Sa pagsapit ng magus sa sunod na antas, ang mana absorption stage ay kinakailangan nang masusing pag-iingat. Kung saan sa pag-abot sa antas na ito ay natututo ang magus na kumuha at gumamit ng mana sa kanilang paligid. Subalit sa antas na ring ito ay maaaring maganap ang mana burst kung hindi pag-iingatan ng magus ang kanilang katawan na siyang tumatanggap ng mana.’

Nagpakawala na lamang ng malalim na paghinga si Rael dahil hindi niya maintindihan ang ilang bagay na sinasabi ni Athena sa kanya.

-----------------------------------------------------

Grimoire: After LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon