“Babalik ka na naman sa silid aklatan?” bakas sa mukha ni Fellid ang pagkadismaya nang sagutin siya ni Rael. “Hindi pa ba sa sapat ang natututunan natin sa maghapong leksyon kay Magus Reigmar?” dagdag pa nitong turan sa kapatid.
Alam ni Fellid na espesyal ang kanyang nakababatang kapatid kumpara sa kanya, at aminado rin siya sa kanyang sarili na hindi niya mahihigitan si Rael sa talentong taglay nito. Ngunit sa loob niya ay hindi niya maiwasang mabahala na habang lumilipas ang panahon ay palaki nang palaki ang agwat ng kakayahan ng kapatid sa kanya.
“Pwede. Ato. Na. Lang. Mag. ita.” wika ni Rael habang kausap ang kuya, karga siya ng kanyang tagapag-alaga at kasalukuyang naglalakad sa pasilyo patungong silid aklatan. Bagama't si Magus Reigmar ang nagtuturo sa dalawang prinsipe ay madalas napapansin ni Rael na sa kanya nakatuon ang atensyon ng magus at halos pinababayaan na nito si Fellid at hindi naman niya ito gusto para sa kapatid. Upang makahabol si Fellid ay mas dinadalasan na lamang ni Rael ang pagpapahinga kung saan ang pagtulog niya bawat oras sa klase ng matandang magus ay pagkakataon naman para kay Fellid na matuon sa kanya ang atensyon.
Hindi lingid sa kaalaman ni Rael ang pagsusumikap ni Fellid. Hindi lamang niya alam kung ang pagsusumikap ba na ito ay dahil sa kagustuhan talaga nitong matuto o dahil sa pagnanais na makapantay sa kanya at makuha ang atensyon ng kanilang amang hari.
“Sasama ako, magbabasa na lang din ako para mas marami pa ang matutunan ko at tumaas ang antas ng ranggo ko sa paglilinang!” masigasig na sagot ni Fellid.
Muling sinulyapan ni Rael ang status ni Fellid at kung susuriin nga ay nakikita ni Rael na mas mataas ang lakas at stamina ni Fellid kumpara sa mga normal na bata sa kanyang edad. Ang ganitong konklusyon ay nagmula mismo sa mga impormasyon na nakalap ng Athena's mind mula sa mga aklat na kanyang nabasa.
Sa loob lamang ng limang araw ay halos natapos na ni Rael ang halos kalahati ng laman na silid aklatan sa unang palapag. Kung bibigyan lamang siya ng pagkakataon na buong araw sa loob ng silid aklatan ay maaaring mas maikli pa ang panahon na gugugolin upang matapos ang lahat ng aklat sa unang palapag.
----------------------------------------------------
“Magandang umaga kamahalan.” isang bagong mukha ang bumati kay Rael sa pagmulat ng kanyang mata. Iginala niya nag kanyang mata sa silid at isang mukha ang kanyang hinahanap ngunit tila wala ito sa kanyang silid.
“Ti. Rannie?” tanong ni Rael sa bagong mukha na bumati sa kanya. Si Rannie ang isa sa kanyang mga naging tagapag-alaga na madalas naman niyang nakakasama sa loob ng isang taon. Sapagkat simula nang isilang siya ay nagpapalit palit ng mga tagasilbi na mag aalaga sa kanya. Kilala ni Rael ang mga naging tagapag-alaga niya sa nakalipas na dalawang taon at halos karamihan sa mga tagapag-alagang ito ay minsan nang tinangka na paslangin siya gamit ang lason.
“Mahal na prinsipe, si Rannie ay kasalukuyang nawawala at hindi siya nagpakita sa punong tagapangalaga ng palasyo simula pa kagabi kaya ako ang naatasan na pansamantalang mag-alaga sa iyo habang hindi pa dumarating si Rannie.” paliwanag nito kay Rael. Bahagyang yumuko at inilapat nito ang kannag palad sa kanyang kaliwang dibdib bilang tanda ng paggalang sa prinsipe. “Ako po si Mako Dision ang pansmantalang mag-aalaga po sa inyo.”
Name: Mako Dision
Race: Human
Rank: Mana Awareness Stage (5)
Status: Healthy
Vitality: 5
Mana: 6
Stamina: 3
Strength: 3
Agility: 7‘Huh? Anong klaseng stats mayroon siya? Bakit ang taas ng agility niya?’
Ting!
‘Ang mga nilalang na mayroong mataas na agility ay karaniwang napapasailalim sa mga matinding pagsasanay at mayroong malakinh posibilidad na konektado ang kanyang liksi sa kanyang mga gawain.’
BINABASA MO ANG
Grimoire: After Legends
FantasyIsang taksil sa kaharian ng Alvarez, ito ang pagkakakilala sa ninuno ni Rael na si Odin at sa buong pamilya ng Ambrose. Ngunit sa kabila ng lahat ng hindi magandang pagkilala sa kanila at mahirap na pamumuhay na sinapit nila dahil sa ginawa ng kanil...