What a small world.
Anita's Point of View
Wala akong ideya kung anong sasabihin ko sa tindera. Paano ba naman kasi kalilipat lang namin dito sa lugar nila mama. Hindi ko rin maintindihan ang diyalektong gamit nila.Na sa probinsya kami para takasan ang masalimuot niyang karanasan sa pag-ibig. Siguro nga’y hindi lahat binibiyayaan ng masayang relasyon. Kung lahat kasi ng tao ay masaya hindi sila matututong masaktan, makaramdam ng galit at nang ibang emosyon na siyang magpapabalanse sa buhay ng tao.
Minsan napapaisip nga ako bakit hindi na lang ginawang perpekto ng dyos ang mga tao? Iyong hindi makagagawa ng kasalanan? Iyong walang kalungkutan, walang pagsubok.
Kasi ang hirap masaktan, maiwan, ipagtabuyan at ikahiya ng taong mahal mo. Katulad na lamang ng ginawa ng sarili kong ama kay mama.Pagkatapos kasi kaming iwan ni papa ay wala ng ginawa si mama kung hindi maghanap ng iba't ibang trabaho. Lahat yata nang uri ng trabaho ay pinasukan niya na. Limang taon pa lang ako wala na akong tatay kaya si mama na ang pumasan sa lahat ng responsibilidad. Araw at gabi sa iba't ibang bahay ako nakikikain. Nakikisalo at sumasalo sa mga tira-tirang pagkain ng kapitbahay namin.
Akala ko nga ibubuhos na ni mama ang oras niya sa trabaho at sa'kin lang. Pero sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay nakatagpuan niya ang isang lalaking magbabago ng lahat. Binago niya si mama. Hindi lang sa pananamit at mga mamahaling gamit. Binago niya ang ugali ni mama.
Pati na rin mismo ang pananaw ni mama ay binago niya. Kung dati ay galit na galit ito sa mga kabit, ngayon sa kaniya na mismo nagagalit ang babaeng siniraan niya ng pamilya.
Nalunod si mama sa akala niyang tunay na pagmamahal. Nalunod siya at hindi magawang iahon ang kaniyang sarili. Highschool lang ang natapos ko dahil sa samu’t saring problema na ikinaharap namin buhat ng matuto si mama na manlalaki.
"Anita, ano na naman 'tong nababalitan kong lumipat ka ng trabaho? Anong ipapakain mo sa'kin ha?" sigaw nito sabay hampas ng balikat ko.
Napapikit na lang ako ng mariin habang iniinda ang kumikirot kong balikat. Sana'y na ako sa ganitong attitude ni mama pero ang katawan ko ay hindi pa rin sana'y sa pananakit niya.
"Ma, hindi sapat ang sahod na binibigay nila. At pwede ba ma itigil mo na 'to," ani ko at kinuha ang boteng hawak niya.
Nanlilisik ang mata niya ng hablutin niya ito sa mga kamay ko. Ayaw niya talaga magpa-awat sa kaiinom.
Mariin nitong hinawakan ang aking baba. "Huwag kang maki-alam. Anak lang kita! Responsibilidad mong buhayin ako at ibigay lahat ng gusto ko!"
Napapakamot na lang ako sa kilay. Ayaw ko na ring sumagot dahil hahaba lang ang usapan. Ayaw ko na ring patulan si mama. Naiintindihan ko naman siya. Ang hirap-hirap siguro para sa kaniya ang lahat nang ito. Tunay ngang nakasisira ang pagmamahal sa tao.
"Aling Marie, Marie po tama?" tanong ko.
Nakasuot ito ng salamin sa mata na sira na ang isang kapitan sa tainga. Hindi ko alam ang tawag doon. Basta iyong mahaba sa gilid ng salamin.
"Bakit? Anong problema?" tanong nito na nahihirapan pa magtagalog. Iba kasi ang diyalektong ginagamit nila rito.
"Babayaran ko 'ho sana ang utang ni mama."
Napaismid ito at inabot sa'kin ang notebook na may kalumaan na. Parang hindi ito makapaniwalang babayaran ko. Napakurap-kurap ako sa haba ng listahan ni mama. Ganito kadaming alak ang ininom niya sa loob ng isang linggo? Limang pakete naman ng sigarilyo ang nakalista at tatlong delata. Matutuwa pa ako kung puro pagkain ang na rito kaso puro pang bisyo ni mama.
BINABASA MO ANG
Falling Into the Second Lead arms
RomantikAnita loves Hero Lee she's crazy over him. But Hero, the only son of Mr. Lee hate him so much. Anita got drunk and end up spending his night with one of the member of the famous boyband. After five years of hiding Anita Mattewisa Marquez suddenly ap...