Agony of Anita’s soul.Anita's Point of view
Alas tres na nang umaga pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Madami pa ring tao sa burol ni mama. Mabuti na lang at lumuwas ng Manila si Aling Marie at Jennie para tulungan ako. Hanggang ngayon para pa rin akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala na wala na si mama.
Gigising ako sa umaga na wala siya. Wala akong mayayakap na ina. Hindi ko na makakausap si mama. Walang mama na sasapok sa ulo ko. Walang mama na maninigaw sa akin. Walang mama na tatawagin ako para umutang ng gin sa tindahan ni Aling Marie.
"Nak, matulog ka muna," nag aalalang sambit nito. Naiyak na naman ako nang marinig ang salitang 'nak. Miss ko na si mama. Miss na miss ko na si mama!
Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako sumubok na makita ka ulit, Hero. Baka sakaling hindi na sunog ang bahay namin kung hindi ako umalis ng gabing 'yon. Kung siguro hindi ko tinalian ang pinto, kung hindi ko ni-lock, kung hindi kita iniwan mama, I'm sorry po.
Pinahid nito ang aking luha. "Tahan na. Huwag kang mag alala nawala 'man ang mama mo ay na rito nama ako. Ako na ang tatayong ama't ina mo, Anita." Niyakap ako nito ng mahihpit at hinalikan sa tuktok ng aking ulo.
Umasa akong mapupunan nito ang pagmamahal na binigay ni mama. Akala ko malilimutan ko ang sakit ng pagkawala ng aking ina. Pero mali ako. Nadagdagan lang. Akala ko mapapalitan na nang ngiti ang ilang gabi kong pagluluksa. Akala ko mabubuo at mahahanap ko ang sarili ko na nagkapira-piraso! Pero nadurog lang ako, pinong-pino na dinikdik ng kapalaran.
“Nak, bili ka muna nang kandila at prutas para sa 40 days ng mama mo,” bilin nito na nakangiti pa. Ang higpit nang yakap na iginawad nito sa akin. Yakap na parang takot itong hindi ako makita ulit. Hindi ko alam huling yakap niya na pala iyon habang nakangiti sa akin.
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkawala ni mama ay sumunod naman si Aling Marie. Na hit and run siya at hindi makuha-kuha ang hustisya dahil lahat ng cctv deleted ang footage. Gumuho ang pag-asa’ng unti-unting binuo ni Aling Marie ng biglaan siyang kunin ng d’yos sa akin.
Pauwi na ako dala ang pinabili ni nanay Marie. Masaya itong nagwawalis sa labas nang bahay namin. Papatawid na ako nang biglang nahulog ang plastic nadala ko. Sinubukan ko itong habulin at hindi napansing ang paparating na sasakyan. Nasilaw ako sa liwanag nang ilaw na nagmumula sa kotse.
Malakas akong itinulak ni Nanay.
“Nanay Marie! Na-nay! Hindi ba sabi mo ikaw nang bahala sa'kin! Hindi ba na rito ka para sa akin? Pero bakit? Bakit iniwan mo rin ako!” Nakayakap ako kabaong nito.
Parang gusto ko na ri’ng mawala ng mga oras na ’yon. Bakit lahat na lang? Bakit parang wala ng gustong itira ang dyos para sa 'kin?
Umabot na ako sa puntong pati dyos kwinekwestyon ko na. Hindi pa ako nakakabangon inilubog ulit ako sa putik. Hindi ko magawang kumain. Wala akong ginawa kung hindi umiyak. Almusal ko sa umaga ang pagluha at hanggang sa pagtulog ay ganoon rin ang ginagawa ko.
Gigising ako sa umagang paulit-ulit iyong sakit. Pagod na pagod na ako sa pag-iyak pero ayaw paawat nang nararamdaman ko. Andaming bakit na hindi ko masagot. Walang araw na hindi ako nasasaktan sa pagkawala ng dalawang tao na nagmahal sa'kin.
“God has his plan. Don't let this pain nor this problem be the reason of loosing your faith to him,” bulong ng kapatid ni Aling Marie. Tanging pag-iyak lang ang na isagot ko. Parang anglaki-laki ng kasalanan ko sa dyos para maranasan ko ’to.
“Ano ba’ng kasalanan ko sa ’yo?!” sigaw ko santo na nasa Altar. Kinuha ko ito at pinagbabasag. Alam kong mali ito. Pero nabalot na ako ng puot. Dumudugo ang aking palad dahil sa basag basag na salamin. Natatawang hinilamos ko ito sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
Falling Into the Second Lead arms
RomanceAnita loves Hero Lee she's crazy over him. But Hero, the only son of Mr. Lee hate him so much. Anita got drunk and end up spending his night with one of the member of the famous boyband. After five years of hiding Anita Mattewisa Marquez suddenly ap...