Chapter 9 - Anita Mattewisa Marquez

62 72 30
                                    

Anita Mattewisa Marquez.

Anita’s Point of view

Nagtatawanan sila sa sala habang ako naman ay nagmamantika na dahil sa init dito sa kusina namin. Pinagpapaiwasan ako kahit  ang lakas-lakas naman ng ulan. Sino ba naman kasing hindi pagpapawisan kung may mga un-expected people dito sa bahay.

Flashbacks.

Nauna na akong bumaba nang hadgan dahil hindi ko kinakaya ang presensya ni Hero. Para kasing mai-ihi ako sa pajama ko kapag lumapit pa siya nang kaunti sa akin. So sa ganitong sitwasyon kami gustong pagtagpuin ng tadhana? Wow, ha. Memorable!

“Hello po? Can we sit here for a while? Hero said his here to deliver something.” Natigilan ako sa paghakbang sa hagdan.

Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang mga adonis na nasa sofa. “Hi, I'm sorry to disturb you,  I'm Yoongi. You're Miss?”

Yoongi? Iyong drummer sa banda ni Hero?

“She’s Anita,” sagot ni Jennie nang hindi ako sumagot.

Napakurap-kurap ako habang palit-lipat ang tingin ko sa kanila. Anong ginagawa nila dito? Huwag mong sabihin na inimbita ni Hero ’tong mga ito?

“Ow! You're Anita? Kapangalan mo iyong classmates namin dati na pinatalsikan ni Hero sa mata ng goma! Do you remember it guys! That was so funny, she's crying while her sipom is coming out!” saad nong singkit nilang kasama na si Yoongi. Sinamaan ko siya nang tingin. Kung siya kaya ang patalsikan ko ng goma sa mata. Ilang araw akong hindi nakakita no’n.

“Sipon not sipom! Bulol ampts!”  anas nong katabi niya at hinagis ang pillow.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Bakit sila naaalala nila ako? Itong lalaki sa likuran ko naalala kaya ako? Nilingon ko ito pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa kanila. Super busy nilang magbiruan.

“Wala bang meryenda d'yan?” tanong nong Yoongi.

Sinaway naman siya ng katabi niya. “Yang pagiging patay gutom mo dinadala mo sa ibang bahay!” saad nito at hinampas ang binti ni Yoongi.

Tumayo ito at inilagay sa likuran ni Yoongi ang sofa pillow.

“By the way, I'm Whyzz Yhung. That patay gutom!” Tinuro nito si Yoongi. “His my twin brother kahit nakakahiya mang aminin.”

Natawa naman ako sa sinabi nito kaya lahat sila ay natigilan. Nakatitig silang lahat sa akin na para bang nakakita ng multo.

“Did I see him smile?” Whyzz asked. “Malabo yata ang mata ko pre. Gutom siguro ’to. Anita balita ko masarap ka daw magluto sabi ni Assistant Jennie.” sabat naman ni Yoongi.

Umismid si Jennie. Kulang na lang sapakin niya Si Yoon.

“Balita ko rin Yoongi may namatay dahil sa kakapalan ng mukha,” sabat naman ni Whyzz. Naghampasan silang dalawa ng pillow. Naiiling na bumaba ako ng hagdanan at dumiretsyo sa kusina.

End of flashbacks.

“Hey? Can I get some styro cups for coffee?” 

“Ouch!” turan ko nang mabitawan ko ang hawak ko na sandok kaya tumalsik sa balat ko ang sabaw.  Nagulat kasi ako sa pagsulpot ni Hero sa likuran ko. Hinimas ko ang bahagi nang ang aking kamay na tinalsikan ng mainit na sabaw. Ang hapdi, bagong kulo kasi.

“You okay? I'm sorry.” Hinawakan nito ang kamay ko at sinuri kung okay lang ba ako. Tila may mga mumunting kuryente ang dumaloy sa aking ugat. Unti-unting sumilay ang ngiti ko sa mga labi. Charger yata ang haplos nito, full charge na charge ang pakiramdam ko.

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon