Chapter 7- Seven days

69 72 63
                                    

Seven days.

Anita's Point of view

Ang sarap ng gising ko. Pinagmasdan ko ang king sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto ko. Tinuro-turo ko pa ang sarili ko habang nakangiti na umiiling. Hindi kasi ako makapaniwalang si Hero talaga ang kasama ko kahapon.

"Talaga? Nagpunta dito si Hero?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jennie. Tumango lang ako at hinigop ang puro'ng kape na tinimpla niya. Na sa second floor kami ng Tasia's Botique's. Maging siya ay hindi makapaniwala na kasama ko si Hero kahapon.

"Ang pait, ha! Kasing pait mo," reklamo ko. Hinampas nito ang aking balikat. Muntik ko na tuloy nasubsob ang nguso ko sa mainit na kape.

"Ibuhos ko sa'yo iyan! So, ano nga? Bakit siya pumunta dito? Ano umamin ka na?" sunod sunod

"Hep! Isa isa lang pwede? Una hindi ko alam, pangalawa baka kasi dinumog ng fans niya. Pangatlo kung aamin naman ako, Jennie. Then anong next?"

Paano ba ako aaminin kung siya mismo ay hindi maalala ang pangakong binitawan niya? Para lang akong martilyo na pinupokpok ang sarili sa pakong wala ng talim. Ilang taon na ang lumipas naiintindihan ko kung hindi niya na maaalala.

"Aminin mo'ng umaasa ka pa rin sa pangako niya. Like, ganito, tanungin mo siya kung kilala ka niya."

"Tanga, anong akala mo ganoon kadali 'yon? Sikat na siya, hindi basta sikat lang. Sikat na sikat, Jennie. Malay mo ba kung may girlfriend na 'yon? At naiwala ko rin naman 'yong token of promises namin." Paliwanag ko pero ayaw pa awat ng isang 'to.

Napatigil ito sa pag-inom. "Malay mo lang naman."

"Ayan ka na naman sa malay mo. Hindi nga ako nakilala kahapon! Last time na nag-malay ka may nangyaring di maganda right?”

Huminga ito ng malalim. "Hindi naman masamang mag bakasali.  Isa pa Anita huwag mo nang balik-balikan ang nakaraan.”

Itinikom mo na lang ang bibig ko. Hindi ko rin namna maiwasang balikan ang lahat sapagkat napakabigat sa pakiramdam.

“Ay oo nga pala? Naalala mo na ba kung saan mo naiwan iyong panyo?" Umiling lang ako.

Sensyales na yata iyon para itigil ko ang umasa. Labing limang taon pa lamang ako nong nangako siya. Kaya imposibleng bigyan niya pa nang halaga ang pangakong 'yon. Pakiramdam ko rin naman ay unti-unting nawawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Ngumuso si Jennie at inirapan ako. “Kung nakita mo lang kung paano umusok ang ilong ni Kyla. Parang butas ng dingding natin dati!” Natatawang turan nito at hinigop ang kape niya.

“Hinahanap niya si Hero. Hindi kasi siya nito sinipot sa meet and greet,” dagdag niya pa. Pilya itong lumingon sa akin.

"Ibang meet and greet pa la kasi ang gusto niya'ng attend-dan," segunda niya pa.

"Anong tingin 'yan? Wala kami'ng ginawa dito. Transparent ba naman ang dingding." Natatawang isinawsaw nito ang pandesal sa kape.

"May sinabi ba ako? Tyaka tsuktyakan agad?" Inisang lagok niya ang kape bago makahulugang ngumiti. "Pero infairness pinagtatagpo kayo. Baka kayo talaga ang para sa isa't isa. Delulu baga!"

Humikab ako at hinampas siya. “Tigil tigilan mo ko sa delulu na 'yan. Pinagtatagpo nga hindi naman ako magugustuhan."

Naiinis na inismiran ako nito. "Tumigil ka nga d'yan! Dinodown mo na naman sarili mo. Ano gusto mo masampal ulit? Malay mo naman kasi type ka n'on. Ang sungit kaya ni Hero nakakapagtaka na hindi ka sinungitan."

Napakagat ako ng labi. Iniisip ko kung sinungitan ba ako nito kahapon. Parang hindi naman? Pinigilan kong mapangiti nang maalala ang paghawak nito sa aking beywang.

Akala ko ba wala na?  May pa unti-unting nawawala pa akong nalalaman kikiligin pa rin naman.

"Tngna naman nito! Parang gag*. Ayaw i share, ngumingiti pa ng mag-isa!" Natatawang tumingin ako sa kaniya.

"He gave me his number. He told me to call him." Excitement ang gumuhit sa mga mata ni Jennie at pinaghahampas ang balikat ko.

"Worth it naman iyong paninigaw ni Kyla kahapon sa'kin! Kahit inulan ako nang laway niya atleast na sa'yo si Hero!” Tili nito at nagtatatalon. Pinagtitinginan na kami ng kapitbahay namin na nagsasampay sa rooftop. Natatawang humingi ako nang dispensa gamit ang matamis na ngiti.

"Umupo ka nga! Hindi ko nga alam saan magsisimula at kung ano ang sasabihin ko."

Ngumiwi ito. "Edi Hello kamo Hero ako 'to ang babaeng pinangakuan mo!"

"Gaga! Ewan ko sa'yo puro ka kalokohan!" Humalukipkip ito at kinuha ang phone niya.

"May ideya ako! Ayaw mo siya'ng tawagan hindi ba? At hindi mo alam ang sasabihin sa kaniya?" Tumango ako bilang sagot. Hindi naman sa hindi ko siya gustong tawagan, hindi ko lang alam anong sasabihin ko. Kung hi or hello ba, o hindi naman kaya how are you or did you eat?

Inihagis nito palikod ang kaniyang buhok sa ka ako binigyan nang nakalolokong ngiti. "Itabi mo ako na 'to! Give me his phone number!" Nag-aalangan 'man ay ibinigay ko ito sa kaniya. Tumatawang nagtype ito sa cellphone screen niya.

"Akin na nga 'yan. Kinakabahan ako sa gagawin mo e!" Pilit ko'ng kinukuha ang papel na ibinigay nito.

Pinigilan ako niya ako at umiling-iling. Pilit niyang inilalayo ang sarili mula sa kinauupuan ko. "Hep! Hep! Ika nga nila just wait for seven days to see the results!"

"Ano 'yan silka? shopeee? Lazada? 7 days?"

Humahalakhak ito habang tumititig sa cellphone niya. "Ito na lang. Ano ba gusto mong color? Ay ako na lang mamimili."

Sinamaan ko siya nang tingin. Ano kaya'ng binabalak ng babaeng 'to?

Hero's Point of view

Kumalabog ang pinto namin sa first floor kasabay ng malalakas na yabag pa-akyat nang hagdan. Nagtinginan kami'ng anim mukhang alam din nila kung sinong paparating. Natatawang nagkibit-balikat ako.

"Like what I've said you should attend all of your schedule events!"

Hindi ko siya pinapakinggan. Busy ako sa kahihintay nanh tawag. Almost 1 week na wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa kaniya. Hindi ba ito interesado sa 'kin?

"Are you listening?!" Halos lumuwa na ang mata nitong manager namin sa kakasigaw. Wala ni isa sa'min ang nakikinig sa sermon niya. Hinawakan ko ang tainga ko at itinaas baba.

"Hindi naman ako bingi. And beside I won't be the hottest headline in this week if I attend that bllshit meet and greet with Kyla. You must thank me Cha instead of wasting your saliva. Stop nagging .You're not my mother anyway, so shut up."

Pigil na pigil ang tawa nila Whyzz sa tabi ko. Nagsisikuhan silang tatlo samantalang tulog naman si Riki.

"How dare you!"

"What? You'll slapped me? I'm just stating a fact. Nanay ba kita? Know your place, Charia. Asawa ka lang ni papa. Inasawa mo para sa pera. Know.. your place."

Nangilid ang luha nito sa mata. "Arggh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa iyo!"

Nagmamartsya'ng umalis ito ng cabin namin. Naiiling sila Whyzz na tumitig sa'kin. Why? Anong mali sa pagsabihan at ilugar kung saan siya nararapat?

"You keep insulting her, Hero. Aren't you tired of being bullshit?" sabat ni Niki. Gising naman pa la ito. Nakatalukbong pa rin sa kaniya ang panyo'ng ilang taon na niyang ginagamit.

"Gising ka naman pala bakit hindi mo ipinagtangggol?" sarkastikong kong saad.

"Ayaw ko'ng mahawaan ng kabullshtan niyo."

"Both of you stop arguing. Baka kayo naman ang mag-away."

"Palagi kasi'ng pinagtatanggol si Charia. Ano kabit ka na rin ba niya?"

Matalim ang pinukol nitong tingin sa akin. "Sometimes I wondered if you're a real, Lee, Hero. Your attitude speak louder than your surname, tunog skwater," saad nito bago tumayo at umalis.

"What did you say, Nik? Come back here!"

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon