Chapter 12 - Glimpse

73 29 25
                                    

Glimpse.
Anita's Point of View

Ilang araw nang hindi umu-uwi si Jennie. Tinatawagan ko siya pero hindi naman siya sumasagot . Tanging ang text lang ni Yoongi ang natanggap ko. Pinapasabi daw ni Jennie na ilang linggo siyang hindi makakauwi dahil sa maraming taping nadadaluhan si Kyla. Wala tuloy akong katulong na gumawa ng mga orders. Buti na lang may malapit na shooting sila Whyzz dito kaya paminsan-minsan na rito sila.

Nagtataka nga ako kung bakit mas madalas pa silang tumabay dito kay sa uma-attend ng mga events nila sa mall. Pero okay lang din naman dahil hindi nauubusan ng grocery sa kusina.

After ng falling incident ng mga sinampay ko ay hindi na nagpakita si Niki, nahihiya naman akong itanong kung nasaan siya dahil baka ma-misinterpret nila. Bakit ko rin naman kasi aalamin kung na saan siya, di ba? Speaking of falling incident, hindi pa rin pa la ibinabalik ni Hero ang hoodie ko.

"Good morning Matty!" bati ni Yoong. May dala itong tuna pie sa kaliwang kamay niya. Inilapag nito ang mga cartolina na pinabili ko. Hindi kasi ako makalabas dahil andami kong orders, wala akong time mamili ng mga kailangan kong materials.

Imagine itong famous na drummer ft rapper ng sikat na boyband taga bili ko lang ng cartolina. Natatawa ako sa magiging hitsura ng mga fans niya kapag nakita nila ang picture ni Yoongi na kasama ko.

"Hoy? Bakit ka tumatawang mag-isa d'yan? Alam mo dapat hindi ka nagpapagutom. Dapat kasi gumaya ka sa akin, always food first, coz food is life!" ani niya at inilabas ang lahat ng mga pinamili niyang pagkain. Gumaya sa 'yo na kulang ang isang sako ng bigas kapag ginutom ka ng isang oras. Natatawang tumulong na lang ako sa kaniya. Andami naman niyang pinamili, good for six person 'to a.

"Favorite 'to ni Jennie," saad ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung na saan si Jennie. Paborito niya 'tong eggpie ng Angel's cake Shop.

Kinuha ni Yoongi sa kamay ko ang eggpie. "Favorite ko rin 'yan!" anas niya at inisahang lunok ang eggpie. Parang bata ampts.

"Dugyot mo! Pag na sa tv ka para kang anghel na tinulak patungo sa kalupaan."

Inirapan lang ako nito. Kalalaking tao kay hilig umirap. "Atleast, pogi, mabango, macho, hinahabol ng mga babae, may kotse kahit walang bebe," pakanta niyang saad at sumayaw-sayaw pa. Parang timang kung andito si Jennie binara niya na 'to.

Sinubo ko muna ang tuna pie bago nagtanong sa kaniya. "Si Jennie pa la kailan uuwi?"

"Ah-hammm," nauubo niyang saad at tinuturo ang water dispenser. Dali-dali akong kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig. Naibuga ba naman ang kinakain niya dahil sa tanong ko.

"Dahan-dahan lang kasi!" saad ko at pinadaan sa ulo niya ang baso. Tumingkayad pa ako para maabot ko siya. "Hindi ikaw ang nagluto n'yan," dagdag ko pa. Ganoon kasi ang ginagawa sa probinsya kapag may nabubulunan.

Uminom ito ng tubig at kahit puno ang bibig niya'y pilit siyang nagsasalita kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. "Ano? Lunukin mo muna kasi 'yang na sa bibig mo!"

Tumikhim ito bago nagsalita. Sa hitsura niya ay parang nagdadalawang isip pa siya kung magsasalita ba siya o hindi.

"Corni mo. Hoy, Yoong? Okay ka lang? May nangyari ba?"

Umiling lang siya. Kinulit ko ito nang kinulit dahil may phobia na ako sa mga ganitong eksena. Last time na kinabahan ako ng ganito ay may nangyaring hindi maganda. Kinikilabutan ako. Wala naman sanang nangyari kay Jennie.

"Hays! Ano, Matty, pinapasabi kasi ni Jennie, na ano, kwan," magulong turan niya. Ka kamot-kamot pa siya ng ulo.

"Paano ba ito?" bulong niya pa. Hindi ko mainitindihan ang gusto niyang sabhihin. Puro siya ano, kwan, tapos may pabulong-bulong pa.

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon