Chapter 4- Let's go home, Anita

75 75 64
                                    

I want to go home to Aklan, Anita. Let's go home.

Anita's Point of view

Hindi ko magawang kausapin si mama simula nang dumating ang Chara na 'yon. Hindi siya kumakain, hindi nagsasalita, hindi niya ako magawang tignan. Mas madalas pa kaming mag-away kaysa sa kumain siya.

Kinalabit ako ni Jennie at inilahad ang hawak niyang puto.

"Kumain ka muna. Sabi nga pa la ni mama umuwi ka muna at asikasuhin ang mga papel para sa ibibigay na tulong ni Mayor."

"E sinong magbabantay kay mama?" tanong ko sabay sumubo ng puto.

Luminga-linga ito sa paligid. "May nakikita ka bang iba? Syempre ako, Anita."

Inirapan ko na lang siya.

Kumuha ito ng tasa at nagtimpla ng kape at nilagyan ng calamansi. "Ay, nakalimutan ko nga pa lang sabihin. May chicka ako!"

"Okay marites, proceed!"

Umayos ito ng upo at humarap sa'kin. "Ito na nga. Hindi ba si Aling Marie?"

"O anong meron?" takang tanong ko habang hinahalo ang gatas.

"Kaya pa la ayaw ka niyang paalisin kasi iyong anak niya daw at apo dati namatay sa sunog."

Natahimik ako. Kaya pa la ganoon na lamang ang kapit niya sa 'kin. Takot siya'ng mangyari sa akin ang nangyari sa pamilya niya. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"At wala ka pa lang iisipin na bayarin sabi ng doctor. May nagbayad na daw para sa mama. Donation daw."

Biglang bumaling si mama at tumingin sa 'min. Nanlilisik ang mga matang tinitigan kami.

"Ay tipaklong! Tita naman, magsasabi ka kung haharap ka!" Siniko ko si Jennie baka kasi saksakin siya ni mama ng syringe.

"Sino ang nagdonate? Kanino galing? Jennie, kanino!" sigaw nito sa amin na kinagulat ko. Naghehesterikal si mama.

"Ma, calm down natatakot na 'yong ibang pasyente sa'yo."

"Just answer me, Anita. Who pay my bill?!" hiyaw nito at umupo sa higaan.

Napangiwi si Jennie. "Ganiyan ba kayo mag-ina pag nagagalit? Nag fo-foreign language? Aray!" Pinandilatan ko siya ng mata at tinnapakan ko ang paa niya puro kasi kalokohan.

"Ma, I don't have any idea. But please be thankful na lang."

Chara's Point of View

Padabog kong inilapag ang dyaryo sa desk niya.

"See? I told you na mahahanap ko siya. Don't underestimate me, Julius!" sigaw ko sa kaniya.

Nanliit ang mga mata nito at agresibo akong tinulak. "You don't have the right to that to her! You useless b!tch!"

"Ano? Siya pa rin ang pipiliin mo? I've told you several times to stay away from her! Don't see her! Don't find her! Pero nakinig ka ba? Matt's wife might killed her!"

Ilang taon na ang nakalipas since nagkita sila pero pinahanap niya pa rin. Halos ipatapon ko na ang babae na 'yon sa Bermuda pero handa niya pa yatang ibuwis ang buhay niya para lang makita ito.

Seryoso nitong tinitigan ang hawak niyang newspaper.

"What have you done!?" sigaw nito at nilamukos ang dyaryo. Isang sampal at sabunot ang iginawad nito sa'kin.

"Stop! Julius stop! I didn't do anything to her!" tili ko pero ilang ulit niya lang akong sinampal. Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa lakas ng sampal nito.

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon