Anita's Point of view
Nagising na lang ako isang araw na parang may mali. Ang tahimik ng paligid kahit kompleto sila dito sa apartment ko. Daig pa namin ang na sa interview session. Na rito din ang manager nila na mataman lang akong tinititigan.
Nakataas ang kilay ni Hero habang nakatitig kay Manager Cha. Kung titigan niya ito ay parang lulunukin niya ang ginang ng buhay.
"Ano ba 'yan!?" usal ni Yoongi at nagpangalumbaba-an pa sa dalawang binti niya. "Can we just eat dinner first? Gutom na ako!" Binasag nito ang katahimikan.
Tumayo ako at naiiling na humingi nang paumanhin para ipaghanda sila ng hapunan. Nakakahiya naman sa manager nila kung gugutumin ko ang mga alaga niya. Baka sabihin niya na hindi ko pinapakain ang mga asungot na ito at mag-backfire kay Jennie ang dissapointment nito. Agad namang lumiwanag ang mukha ni Yoongi ng marinig ang salitang "pagkain".
"Yoongi, sit."
Kakamot-kamot ng ulo si Yoongi ng sitahin siya ni Manager Cha. Akma kasing sasama ito sa'kin ng bigla siyang hilain ni Whyzz saktong-sakto pa talaga ng magawi ang tingin ni Ma'am Charia sa kanila.
Mukhang stirkto nga ang manager nila. Nakakatakot siyang titigan. Mahihahalintulad ito sa isang octupus, very flexible at napaka-incredible ng sense of sight niya. Ang mukha nito at pangalan ay very familiar. Ang kaso hindi ko lang ma-isip kung saan at paano naging pamilyar ito sa akin.
Naglakad na lang ako papunta sa kusina dahil hindi ko rin naman maiintindihan ang pinag-uusapan nila. Ang huli ko lang na narinig sa discussion nila ay ang katunangan na nagmula sa boses ni Niki.
"So what's the matter?" malamig na turan niya.
Napahinto pa nga ako dahil para akong giniginaw sa lamig ng boses niya na dadaigin pa ang antartika sa kalamigan.
"What's the matter? You and Kyla was captured kissing at Xylo's Bar!" sarkastiko ang boses ni Ma'am Charia habang binibigkas ang salitang sinambit ng kaniyang mga labi.
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ng manager nila. Kyla and Niki was caught kissing at Xylo? So si Kyla ang tinutukoy niya kagabi? Niki and Kyla is in a relationship?
Napukaw ang diwa ko nang may mabigat na pumatong sa aking balikat. Nilingon ko ito at laking gulat ng si Hero pa la ang nagmamay-ari nito. Sinipat ko pa ang aking dibdib. Normal ang pagtibok ng puso ko ni hindi na ako nakakaramdam ng kahit anong abnormal symptoms of being inlove. Unlike dati na kulang na lang ay maglumpasay ako sa sahig kapag nakikita ko siya.
Pinatunog nito ang kaniyang daliri upang makuha ang aking atensyon.
"Stunned by my handsomeness?"
Umarko ang kilay ko sabay irap sa kaniya. May pagkamahangin talaga siya. Kaya siguro hindi na nagpaparamdam ang mga bulate sa tyan ko kapag malapit siya sa akin dahil na sasanay na ako sa presensya niya.
"Kapal mo!"
Tumatawa pa ako habang nakatitig kay Hero. Nginisihan niya lang ako. Pinalo ko pa nga ang balikat niya kaso bigla akong napakapit sa kabinet ng dumaan sa pagitan namin si Niki.
"Pahara-hara sa daan," ani pa nito at dumiretsyo sa Kusina.
Nagsalubong ang perpektong kilay ni Hero sa ginawa ni Niki. Hindi namin mawari kung bakit sa gitna pa talaga namin siya dumaan, e ang lapad naman ng daanan papuntang kusina.
"What's wrong with you?" Takang tanong ni Hero. Niki just shrugged and get a glass of water. Humarap ito sa amin at umismid.
Nagkatinginan kami ni Hero sa inakto ni Niki. Daig niya pa ang selosong nubyo kung sumimangot sa aming dalawa. Sandali. Nagseselos ba siya? Bakit naman siya magseselos? May Kyla naman siya. Nakipaghalikan pa nga sa public. Akala ko ba si Kyla at Hero ang magnubyo dati? Kaso sila pala ni Niki. Tss.
BINABASA MO ANG
Falling Into the Second Lead arms
RomanceAnita loves Hero Lee she's crazy over him. But Hero, the only son of Mr. Lee hate him so much. Anita got drunk and end up spending his night with one of the member of the famous boyband. After five years of hiding Anita Mattewisa Marquez suddenly ap...