Parcel is out for delivery.
Someone's Point of view
Ang pagmamahal na wala sa tamang oras at panahon ay kailan ma'y hindi pagtitibayin. Tikom ang aking bibig habang pingmamasdan kung gaano kalawak ang lugar na pinaghihimlayan mo. Tila'y nakikita kita na sumasayaw sa talahiban na puno ng mga bulaklak ng dahlia. Nakasuot ka ng kahel na bestida. Masayang nakangiti sa akin habang tinatawag ang pangalan ko.
Napangiti ako habang binabalikan ang masasaya nating sandali. Ang mga ngiti mong kasing ning-ning ng patak ng ulan sa talulot ng bulaklak. "I never expected to meet you again, lying there. Just like the first time I saw you. You never failed to amaze me, Tasia."
Kung hindi lang tayo pinaglayo ng tadhana at inilaan sa iba siguro'y masaya tayo kahit hindi marangya ang magiging pamumuhay natin. Kung siguro hindi ka biglang nawala ay baka hanggang ngayon ay kapiling pa kita. Kung pumayag ka lang na protektahan kita at isuko lahat ng mayroon ako ay hindi siguro mangyayari sa'yo ito.
"Mr. Lee, I've collected all the evidence. We will send it to you via email." Tumango lang at at tinapakan ang upos ng aking sigarilyo.
"Make sure to erase all the footage. Hindi ko gusto'ng nasasangkot si Riki dito. Ayaw kong malaman-laman na may ibedensya kang naiwan."
"Yes, Mr. Lee. What about the case of your other son?"
"Just let him do whatever he wants but don't let him know about the background of his mother and Anita. If something happen to her I'll kill all your family. Walang matitira sa kahit na sinong kadugo mo."
Namutla ito at mabilis na umalis. Kahit ito na lamang ang magawa ko para sa'yo Tasia. Habang buhay ako walang makakasakit sa anak mo. I'll protect and treat her as my own daughter. I love you till death do us part. Hinimas ko ang kaniyang larawan at dinampian ng halik.
Anita's Point of view
"Anita, right?"
Hindi ko maaninag ang mukha nito basta ang alam ko ay niyakap niya ako nang sobrang higpit at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
"I love you so much, Anit—Anita! Omygod!"
Nagising ako sa sigaw ni Jennie. Daig niya pa ang sirena ng ambulansya sa lakas ng boses niya. Mabilis ako'ng lumabas ng kwarto at hinanap ito. Gusto kong salpakan ng papel ang bunganga niya. Inaantok pa ako at naistorbo niya ang magandang panaginip ko. Sa pagmamadali ko ay muntik pa akong madapa sa mga ribbon na nakakalat sa sahig.
"Omy! O my! Ahhh!" sigaw nito mula sa kusina.
Narinig ko ba ang pagkahulog ng kaldero at mga kutsara sa sahig. Napapaitlag ako sa tuwing kumakalansing ang gamit namin sa kusina. Ipupokpok ko talaga sa ulo niya bawat kaserola sa kusina.
"Anita! Anita!" sigaw nito kaya mas lalo akong nataranta.
Nang makarating ako sa kusina ay pinakita nito ang phone screen niya. Medyo nasilaw pa nga ako dahil sa high brightness ng phone niya. Namilog ang aking mata nang bumungad ang dahilan kung bakit sumisigaw si Jennie. Nakisigaw na rin tuloy ako. Wala na akong paki-alaman kung pati uwak sa kable ng kuryente ay magsiliparan sa sigaw namin ni Jennie.
"What the h*ll?" Nakaawang ang aking labi habang nakatitig sa kaniya. Kita mo na 'tong si Jennie pinahamak pa ako!
Nakatakip ang palad nito sa kaniyang bibig at hindi alam ang gagawin. "I'm sorry. I forgot na i-change iyong address! And ano! Hin-hindi ko naisip. Hala! Hoy!"
Kinuha ko ang cellphone niya at itinapat sa mga mata niya. "Pang isang buwang bill ng tubig at kuryente na natin 'yan! Damn it! Tapos sa'kin mo pa ipinangalan!" saad ko at sinabunutan siya. Nakakainis kasi.
BINABASA MO ANG
Falling Into the Second Lead arms
RomanceAnita loves Hero Lee she's crazy over him. But Hero, the only son of Mr. Lee hate him so much. Anita got drunk and end up spending his night with one of the member of the famous boyband. After five years of hiding Anita Mattewisa Marquez suddenly ap...