Chapter 16- Remember me this way

54 30 25
                                    

Third person's Point of view

Naka-upo lang sa sulok ng Vip room si Niki habang umiindak ang malakas na tugtog sa loob ng Xylo. Inisang lagok nito ang old fashioned cocktail  na sinerve sa kaniya ng barista. Nagbabakasakali ang kaniyang lalamunan na mapapawi ng alak ang magka-uhaw niya sa atensyon ni Anita. Wala naman sana siyang balak na magpakalasing ngayon. Natagpuan niya na lamang ang sarili na naglalakad palabas ng village nila Anita. Hindi niya mawari kung bakit siya dito sa Xylo dinala ng mga paa niya. 

Gusto ng utak niya na pagurin ang katawan niya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak. Pakiramdam niya ay matutulungan siya ng alak na malimot ang dalaga.

Habang tumutugtog ang Into you by Arianna Grande ay lumapit ang isang co-artist ni Niki. Sa isip nito ay pagkakataon niya na upang maakit ang binata.

Kung hindi naman mahuhulog sa bitag niya ang binata ay sisiguraduhin niyang magkakaroon ng issue si Niki with her. Sa paraang iyon ay tutunog ang pangalan niya sa industriya.

"Hi, I'm Lexa Pillar. You must be Rikaiusius?"

Malagkit siyang tinitigan ng babae kulang na lang ay sunggaban siya nito  ng mapusok na halik. Kung sino man ang babaeng ito ay napaka-wrong timing niya. Walang sa mood si Niki ngayon. Baka maibalibag lang siya ng binata.

Walang emosyon siyang pinasadahan nang tingin ni Niki. Walang ka intere-interesante sa babaeng ito bukod sa maikli ang suot nitong tela sa katawan ay hindi makukuha ang atensyon ni Niki sa ganitong klaseng tao.

Ininom ni Niki ang huling patak ng alak sa baso bago nagsalita. "I don't give a fck for," huminto ito sa pagsasalita. Malamig niyang tinitigan ang babae. " a minx."

"What did you say?!"

Ngumisi ang binata at inilapit ang mukha kay Lexa. "Do you really want me to repeat the fcking fck that I've said?"

Tumayo siya at pasuray-suray na lumabas sa vip room. Muntik pa siyang masubsob kung hindi siya agad nakakapit sa railings. Parang ang sikip-sikip ng suot niyang white shirt. Hindi siya makahinga kapag sumasagi sa isip niya ang hitsura ni Anita. Ang dissapointment sa mukha nito ay katumbas ng ilang libong piraso ng karayom na tumarak sa dibdib niya.

Hindi niya napinansin ang nag-a-alburotong babae. Ang alam niya lang ay kailangan niya nang umuwi bago siya makagawa ng kasalanan.

"Hey! Riki! What did you do to my friend?" Sinigawan siya ni Kyla.

Si Kyla Medez ay isang batikan na actress. Wala sa sariling napakurap si Niki. Parang si Anita ang nakikita niya sa katauhan ni Kyla. Wala siyang paki-alam  kung masampal siya nito. Gusto niya lang makausap ang dalaga. Gusto niyang alamin at marinig sa mga bibig nito kung bakit hindi siya nito magawang magustuhan.

Hinila niya ito. Napasinghap si Kyla at hindi inaasahan ang ginawa ng binata. Bahagya pang nanlaki ang mata niya sa inakto ni Niki.

"What did you do to me too, Anita?" tanong niya at hinawakan ang balikat nito.

Tinulak siya ni Kyla. "What's wrong with you, Riki! Baka may makakita sa atin at ma-issue ako! Ays! Damare!" maarteng  saad nito at hinila si Niki palabas ng bar.

Nagpatianod naman si Niki habang kinakaldakad siya ni Kyla. Wala ito sa tamang pag-iisip. Si Anita ang nakikita niya kapag humaharap sa kaniya ang dalaga. Hinapit niyang muli ang bewang ni Kyla at siniil ng halik.

Nagtataka si Niki kung bakit wala siyang maramdamang saya ng maglapat ang labi nila. Paano ba naman siya sasaya e, hindi naman iyon labi ni Anita!

Sa labis na pagkagulat ni Kyla ay ubod lakas niyang sinampal si Niki at dali-daling tinawagan ang pinsan. Natatarantang tinipa niya ang numero ni Yoongi.

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon