Chapter 13- Ruined Friendship

71 29 25
                                    


Ruined Friendship

Whyzz Point of view

Gusto kong sapakin si Yoongi dahil wala akong makuha na matinong sagot sa bawat tanong ko sa kaniya. Kung pwede ko lang talaga ipatapon sa imburnal ang abnormal kong kambal baka noon pa ay palutang-lutang na siya at naaagnas. Kaso baka kasuhan ako ng DSWD, isip bata pa naman 'to daig pa ang special child. Mapagkakamalan mo ngang PWD, madalas kasi monggoloid.

Panay bugtong hininga si Niki, hindi ko alam kung paano niya nakokontrol ang sarili niya habang buhat ni Hero si Anita. Kung siguro naging masamang panahon si Niki paniguradong si Hero agad ang tatangayin niya palayo kay Anita.

Mula highschool ay alam namin ni Yoongi kung gaano niya kagusto si Anita. Hindi ko lang ipinapaalam kay Niki na nalaman ko ang tinatago niyang sikreto mula kay Yoongi. Bukod sa patay gutom itong kambal ko ay napamanahan pa ng pagiging Marites. Mula nang malaman kong may gusto si Niki kay Anita ay tinigilan ko na ang pambubully sa kaniya. Hero in the other hand was keep bullying Anita natigil lang siya sa pangbubully niya nang mag-away sila ni Niki. Simula noon ay lumayo na ang loob ni Hero. Close sila Niki dati, but now? Anlabo, kapag oncam lang sila nagkakasundo.

"What did you do, Yoongi?" Pababa ng hagdan si Hero. Nakabusangot ang mukha nito.

Nababagot na ibinato ni Yoongi ang unan sa sofa. Humarap ito kay Hero na salubong ang kilay.

"How many times do I need to repeat that I didn't do anything to her! I just asked her about her parents! That's all!" Napataas ang boses ni Yoongi halatang nabwe-bwesit na.

Tumayo ito at sinipa ang sofa. Muntik nang tamaan si Niki. Nag-aalangan man ay pinabayaan ko na lang muna sila. Baka lumala kapag nakisawsawa ako, kilala ko naman si Yoongi hindi 'yan manggugulo kapag hindi siya inunahan.

Naningkit ang singkit na mata ni Niki sa inakto ni Yoong. "Lower your voice, Yoongi, sit here," puno ng awtoridad na utos ni Niki, minsan lang ito magsalita pero daig pa ang leon kung magalit. Tumalima naman ang kambal ko pero itong si Hero ay ayaw mag-paawat. Lumapit pa talaga kay Yoongi.

"Uy! Tumigil na kayo!" saway ko. Ginitgit ni Hero si Yoongi, mataman lang silang tinitigan ni Niki.

"Are you sure? Bakit siya iiyak ng ganoon kung wala kang ginawang iba? Hindi ka pa nakontento na kaibigan niya lang ang pinapa-iyak mo. What's wrong with you, ha!?" Tinulak ni Hero si Yoong agad namang pumagitna si Jayson sa kanilang dalawa. Napatayo na rin ako.

"I'm not you, Hero! I will never use someone for revenge! Wala kang alam so better shut your fckin mouth! Masiyado kang nagmamagaling!" Personalan na ang usapan ng dalawang 'to. Tumaas ang dalawang kilay ko sa pinag-uusapan ng dalawag tao.

"Watch your mouth, Yoongi! Stop acting like you didn't use Jennie! Wow! You're so good!" Pumalakpak pa si Hero.

"Both of you calm down. Baka marinig kayo ni Anita sa second floor!" saway ni Jayson, na sa likuran niya si Hero. Pilit niyang pinaglalayo ang dalawa. Hinarangan niya si Yoongi kaya hindi ito makatayo. Wala akong maintindihan sa topic nila. Hindi na nga ako sure kung tungkol pa ba kay Anita ang pinag-uusapan nila.

Umigting ang panga ni Yoongi, padaskol na umupo ito sa sofa. "You should told that to him," tukoy niya kay Hero. "My thing doesn't concerned you! And one more thing you must keeping eye on the ball than poking your nose in other people business."

Tumayo na naman 'to at dinuro-duro si Hero. Natatawa ako sa posisyon nila. I'm sorry I can't help grinning, I remember something sa hitsura nilang tatlo. No, no, this is not the right time to think a naughty thingy.

Napasapo ako sa noo, nag-away ang dalawang mahina ang pasensya. Tumayo na ako para sana hilahin si Yoongi sa labas kaso nauhanan ako Niki. Ibinulsa nito ang kaniyang cellphone at lumapit kay Yoong na handa nang makipagsapakan kay Hero. Normal na sa amin ang ganitong pagtatalo ng dalawa. Chineck ko nga ang oras, wow may bagong record sila, lumagpas ng siyam na minuto ang away nila ngayon.

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon