Chapter 10 - Jealousy without memories

69 72 25
                                    

Jealousy without memories.

Third person point of view

Seryoso lamang na naka-upo si Niki sa gilid ni Whyzz habang nag-uusap silang lahat. Habang si Hero naman ay pana'y ang kunot ang noo dahil sa ginugunting ni Anita. Kanina pa sila nag-aaway at hindi matapos tapos sa paper flowers ni Anita. Kung pwede lang siyang guntingin ng dalaga ay baka kanina pa siya nagkapira-piraso.

"O tapos? Where?" tanong ni Hero at napapangiwi pa sa hawak niyang papel. Wala talaga siyang maintindihan, ni ang pagsunod sa linya na iginuhit ni Anita ay hindi masundan ng gunting na hawak niya. Kung may buhay lamang ang gunting ay baka minura na siya nito.

Naiinis na kinuha ni Anita ang papel sa kamay ni Hero at nilagyan ito ng glue. "Ganito kasi 'yan." Padabog nitong inilahad kay Hero ang gawa niya.

"Hindi ako matatapos sa katatanong mo," reklamo ng dalaga.

Nakatingin lang ang apat na tao sa silid sa kanilang dalawa. Ngayon lamang nila nakitang ganito ka interesado si Hero sa isang bagay. Kung makikita mo kasi ito sa taping at sa sarili nilang pamamahay ay para itong isang bobcat, maamo pero very aggressive. Parang nanonood sila ng isang teleserye at si Hero at Anita ang bida. Ang sweet tignan ng dalawa.

Napa-angat nang tingin si Niki na siyang nakakuha sa atensyon ng mga tao sa paligid. Kung titigan kasi ni Niki ang dalawa ay tila pinapatay niya na ang mga ito.

Noong Highschool sila ay crush na crush ni Niki si Anita. Si Yoongi lang nakakaalam noon dahil hindi gustong ipaalam ni Niki sa mga kaibigan nila. Kilalang bully silang magkakaibigan. Natatakot si Niki na mas lalo lamang lumala ang maranasan ni Anita.

Sino banaman kasing hinid hahanga sa dalaga. Napakagaling kasi nitong kumanta at talentado pa. Siya ang dahilan kung bakit nahilig ang binata sa musika. Napaka simple pa nito at palakaibigan. Pero isang araw bigla na lamang nawala si Anita, hindi na nila ito nakita hanggang sa maka-graduate sila.

Habang malakas ang ulan at hangin sa labas ng bahay nila Anita ay lumalakas din ang namumuong masamang titig ni Niki at Hero. Palipat-lipat ang titig nila Yoongi kay Niki at Hero. Kada magtatagpo ang pares ng mata nila ay parang lumilikha ito ng boxing ground.

"Pst. Niki," mahinang tawag ni Whyzz kay Niki. Lumingon naman ito sa kaniya. "Are you mad?" tanong pa nito.

Nanatiling tahimik lang si Niki at binalik ang titig sa dalaga. Ano pa nga ba ang aasahan nila sa hapong ito? Si Niki iyong tipo ng titigan ka lang at hindi magsasalita minsan naman bigla-biglang tatalak.

"Ang boring!" hiyaw ni Yoongi kaya natigilan si Anita at Hero sa pagdidikit ng paper flowers. "Eskandaloso ka talaga kahit kailan!" sita ni Jennie.

"Truth or dare na lang us!" Sumang-ayon naman ang lahat pwera lang kay Niki. Sumandal ito sa sofa at ipinikit ang mga mata. "Kayong dalawa? Ayaw niyo sumali?" tanong ni Yoongi.

Nanghihina na inilapag ni Hero ang gunting. "Let's go? Masakit na rin kasi ang mata ko sa mga bulaklak mo!" reklamo ni Hero at kinusot pa ang mga mata.

Sumimangot si Anita. Sa isip nito ay hindi naman niya inu-obliga ang binata na tumulong. Ito naman ang nagkusa pero bakit parang sinisisi pa siya? Isa pa ay ni isang paper flowers ay wala itong natapos.

"Sali na kayo! Minsan lang 'to uy!" suwestyon ni Jennie.

"Sumali ka na ako na ang magliligpit."

Bumuga si Anita ng hangin sa ka iniligpit ang mga papel. Isinalansan nito ang mga coupon bond at ibang materials. Inilagay nito sa cabinet ang mga ribbon at nagtungo sa kusina para maghugas ng kamay. Samantalang si Hero naman ay prenteng naka-upo sa harap nila Jennie. Katabi ni Yoongi si Niki at Whyzz. Habang si Jennie naman ay na sa gilid ni Whyzz at si Hero naman ay naka-upo sa harapan nila.

Falling Into the Second Lead armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon