SALAMIN

65 6 0
                                    

TITULO: SALAMIN

MAY-AKDA: TintaNgLeon

GENRE: HORROR/ ROMANCE

Sa tuwing tumitingin ako sa salamin at nakikita ang aking replika ay hindi ko mapigilang mapatanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa tuwing tumitingin ako sa salamin at nakikita ang aking replika ay hindi ko mapigilang mapatanong. Ano kaya ang nagawa ko sa dati kong buhay upang biyayaan ako ng ganito kagandang mukha? Matangos na ilong, maninipis na mga labi, kulay kahel na mga mata at natural na kulot ng buhok. Kahit ang aking kutis ay tila isang labanos na siyang walang kapareha sa kinis at kaputian.

"Ate, nandiyan na po ang manliligaw mo sa labas!" sigaw ng bunso kong kapatid sa labas.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang labing-pitong taong gulang kong kapatid na babae. Napangiwi na lang ako nang makita ang pagmumukha nito. Makapal na kilay, pango ang ilong, at makapal na mga labi. Ang kutis nito ay halos kulay uling na rin. Talaga bang kapatid ko ito? O baka naman ampon lang ako?

"Pwede ba huwag kang ngumiti sa harapan ko. Kinikilabutan ako sa pagmumukha mo, eh!" Agad na napasimangot ang kapatid ko.

Samantalang, hindi ko namang mapigilang mandiri sa pagmumukha niya. Mas lalo na sa tuwing nakikita ko ang bulok na ngipin niya sa gitna.

"Sabihin mo, lalabas na ako at. . . binabalaan kita, huwag kang dumikit sa kaniya dahil baka mangamoy sunog iyon nang dahil sa iyo."

Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang ayos ko ngayong gabi para sa date namin ng nobyo ko. Bagamat ang alam ng lahat ay manliligaw ko pa rin siya.

Nang makita kong may gusot sa bandang ibaba ang suot kong pulang damit na hanggang tuhod, ay marahang pinagpagan ko muna iyon. Ngunit, pagkaharap ko muli sa salamin ay biglang tumigil ang tibok ng puso ko sa nakita. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga habang tinitingnan ang sarili kong replika.

Sapagkat ang babaeng nasa harapan ko ay naliligo sa sarili nitong dugo habang umiiyak at galit na nakatingin sa akin. Nakasuot ito ng damit pangkasal, ngunit nababahiran na ng dugo. Ang mas ikinagulat ko ay noong magsalita siya habang nakaturo sa akin.

"Ikaw! Ikaw ang pumatay sa akin!" paulit-ulit na sigaw niya.

Ang mga sinasabi nito ay paulit-ulit na dumagundong sa aking utak hanggang sa bigla na lang manakit ang aking ulo. Sa sobrang sakit ay napasigaw na lang ako, habang nagmamakaawang tumigil na siya sa pagsasalita. Ang kaniyang boses ay parang sumpa sa aking pandinig.

"Pinatay mo ako!"

Hangang sa bigla ay lumabas ang kamay nito at hinila ako papasok sa loob ng salamin.

Napapikit na lang ako dahil sa liwanag na nakasisilaw sa aking mata. Nang dumilat ako ay hindi makapaniwalang nagpaikot-ikot ako sa gitna ng napakalaking plaza. Nagtataka sa mga taong nakapalibot sa akin sapagkat lahat sila ay nakasuot ng mga barong at saya. Mga kalalakihang umaasta na parang ginoo sa unang panahon, at mga babaeng may hawak ng abaniko, habang buhat-buhat ang makakapal at makukulay nilang damit. May mga alalay rin silang kasunod na siyang may dala-dalang payong para sa mga binibini.

MAKALUMANG PAG-IBIG: Antolohiya ng Maiikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon